Mikee's POV Wala pang six pm ay dumating na si Oliver sa opisina para sunduin ako. He said "Hi" first to my staffs. Dahil sa malimit akong dalawin nito sa branch at dahil na rin client na rin namin siya ay nakapalagayan na niya ng loob ang mga ito lalo na si Carisse. Gaya ng napagkasunduan ay ang sasakyan niya ang ginamit namin. Nakisuyo na lang ako sa guard ng building kung saan located ang branch ko na tingnan tingnan ang kotse ko. Marahil ay bukas ko na ito mababalikan. Hindi ko alam kung anong plano ni Oliver ngayong gabi. O kung saan niya ako dadalhin. Ngunit napansin kong sa isang pamilya na lugar kami papunta. Dahil traffic at Friday night ay inabot kami ng isang oras para makarating sa overlooking sight ng Antipolo. Hindi ako dinala ni Oliver sa isang fine dining restaurant. Sa h