Your Universe

1113 Words

Mikee’s POV Pagkagaling namin sa sementeryo ay sinabi sa akin ni Oliver na may pupuntahan daw kami. Ilang beses ko siyang tinanong pero puro "basta" lang ang sagot niya sa’kin. Nang makarating kami at natanawan ko ang pamilyar na daan ay alam kong sa orphanage kami patungo. "Dito pala tayo pupunta. Sana sinabi mo para nakapag-grocery ako ng mga pagkain nila at nakapagdala ng meryenda," reklamo ko kay Oliver. Pero nginitian niya lang ako na parang walang narinig. Nagtataka ako na walang ni isang tao sa  bakuran. Alas diyes na ng umaga pero walang mga batang naglalaro sa labas. "Halika na," binuksan ni Oliver ng pinto ng driver's seat at iginaya ako papasok sa building. Mangilang beses na ding nakapunta dito si Oliver dahil sumasama siya sa akin buwan buwan para magdala ng donations at su

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD