TRISTAN HINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos ko lang tawagan si Cassie at masayang-masaya akong marinig ang boses niya. Tatlong araw na ngayon na hindi ko siya nakikita at excited na akong umuwi bukas. Kaya ngayon pa lang inaayos ko na ang mga gamit ko dahil balak kong madaling araw umalis para hindi ako abutin ng tanghali sa daan. Hindi man niya sinabing miss na rin niya ako ay sapat na sa akin na marinig ang boses niya at malamang hindi siya umaalis kung saan ko siya iniwan. I miss her. I really do. Pag-amin ko sa sarili ko. At sa sobrang pagka-miss sa kan'ya ay hindi ko napigilang gumawa ng mga chessy moves. Umorder ako ng bulaklak para sa kan'ya at nilagyan ng sweet message. "Tito." Natigilan ako sa ginagawang pag-aayos ng mga