CASSIE NANG araw ding iyon ay nagsimula kaming mag-practice ng mga basic steps. Sa una, paa lang ang pinapagawa ko sa kanila para makabisa nila ang bawat galaw ng mga paa. Nang medyo makuha na nila ay sinunod ko naman ang mga kamay kasabay ang mga paa. Sasandali pa lang kaming nagpa-practice pero madami na kaming steps na nagawa. Hindi kasi sila mahirap turuan, marahil dahil gusto talaga nilang manalo o sadyang may talento na silang sumayaw. Kulang lang sa practice at magtuturo. Nang mapagod ako ay hinayaan ko muna silang mag-practice ng kanila. Umupo ako sa damuhan at pinanuod ang bawat galaw nila. Nakakatuwa dahil lahat sila ay marunong at nakakasabay. Wala pa silang ideya kung anong kanta ang gagamitin namin sa steps na itinuro ko sa kanila. At ngayon pa lang ay excited na ako kap