Chapter 26

2255 Words

CASSIE NANG makaalis ang mga bata ay inayos ko na ang pinag-practice an namin. Nang bubuhatin ko ang amplifier ay inunahan ako ni Tristan. "Let me," anito at binuhat na iyon at ibinalik sa loob ng bahay nito. Napasunod na lamang ako ng tingin sa kan'ya. Nang makaramdam ng uhaw ay pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator nito at uminom. Napapikit ako nang maginhawaan ang lalamunan ko dahil sa malamig na tubig. Gumuguhit ang lamig niyon sa lalamunan ko. Habang nakapikit ay naramdaman ko na parang may nakamasid sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata para lang mapasinghap nang makita si Tristan sa harap ko na titig na titig. "Tristan.." anas ko at sunod-sunod na napalunok. Nanunuot sa ilong ko ang suwabeng amoy ng paban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD