Chapter 28

3283 Words

CASSIE SOBRANG saya ko habang nakatingin sa entablado, isa-isang binigyan ng award ang grupo nina Abegail at ang kanilang mga magulang. Kitang-kita ko ang pagmamalaki sa mukha ng kanilang mga magulang. Iyong simpleng award lang pero para sa mga taong nagsusumikap at nagtitiis sa ilalim ng tirik na araw at malakas na ulan ay sobrang laking bagay na ng award na iyon. Ang sarap makitang puno sila ng pag-asa sa buhay sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan araw-araw. Bigla kong naalala ang mga magulang ko at bigla rin akong nahiya sa sarili ko dahil kung kailan ako tumanda ay saka ko pa sila nabigyan ng problema. Sunod-sunod na kurap ang ginawa ko nang may pumisil sa kamay ko. Ang titig na titig na mga mata ni Tristan ang nalingunan ko. "Are you okay?" tanong nito. Tumango naman ako ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD