Chapter 39 CASSIE POV BUONG MAGHAPON akong hindi lumabas ng kuwarto ko, maski ang kumain ay hindi ko ginawa. Nagmukmok lang ako sa kuwarto ko pero hindi na ako umiyak. Naubos na yata ang mga luha ko sa maghapon at magdamag na pag-iyak. Laking pasalamat ko na hinayaan ako ng pamilya ko. Wala ni isa man sa kanila ang nagtangkang kumatok dahil kilala nila ako. Kapag gusto kong mapag-isa ay hindi nila ako mapipilit na makipag-usap sa kanilang lahat. Kinagabihan ay hindi na nakatiis si Mama at kumatok na ito. Wala pa sana akong balak na makipag-usap sa kanya pero binuksan na nito ang kuwarto ko gamit ang duplicate key na nasa kanya. Naramdaman ko siyang pumasok at umupo sa paanan ng kama ko dahil lumundo iyon, ngunit nanatili akong nakadapa sa kama. "Anak, kumain ka muna." "Hindi p