CHAPTER 38 CASSIE POV HABANG TUMATAKBO papalayo mula sa mga taong nanakit sa akin ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit dahil ang tanga-tanga ko. Nagmahal ako sa maikling panahon sa lalaking walang ibang plano kung hindi ang pasakitan ako para sa pamangkin niya. Sa sobrang galit na nadarama ko ng mga sandaling iyon ay sumigaw ako nang sumigaw na animo'y isang baliw. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit sa dibdib ko dahil pakiramdam ko anu mang oras ay sasabog na ako. "Tangina kayong lahat!" sigaw ko at napalugmok sa damuhan. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko at doon ipinagpatuloy ang aking pag-iyak. Habang nasa ganoong posisyon ay biglang bumalik sa isip ko ang mga pagkakataon na may mga sinasabi si Tristan sa akin na hindi ko alam kung