Chapter 15

2949 Words
LOUIE "Nat," inalalayan ko na lang s'ya para maka-upo It's been 3days since she gave birth to a baby girl. 3 days na din since kinuhaan ko ng sample ung bata. Nandito pa din kami sa ospital dahil may test na ginawa du'n sa bata dahil may nakita problema. "Salamat, Louie. Ang laking kasalanan nang nagawa ko sayo pero eto ka at tinutulungan ako. I need to obey Mom, dahil kung hindi papatayin n'ya ung bata sa tyan ko. Kahit bunga 'yun ng kasalanan, anak ko pa din 'yun kaya kahit ayoko at 'di bukal sa loob ko, ginawa ko 'to. Your mom help my mom about this, malaki ang utang na loob ni Tita Laila kay Mommy. Minsang nalulong ang Mommy mo sa casino at si Mommy ang nagbayad ng utang n'ya du'n para makagalaw s'ya nang maayos sa labas kaya noong hiniling ni Mommy na ipakasal ka sa'kin kahit ayaw ng mommy mo dahil boto s'ya kay Javi wala s'yang nagawa dahil sa utang na loob na 'yun. I'm sorry Louie! I'm really sorry. Sinasabi ko 'to dahil, nakalabas na ung anak ko. Hindi na magagalaw ni Mommy," umiiyak na kwento n'ya. Kahit nagagalit ako sa biglaang confession nya. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ung sarili ko. Siguro sinabi n'ya 'to agad sa'kin dahil baka may dumating na naman at hindi n'ya masabi. "Stop crying, Nat. Kakapanganak mo pa lang but thank you for telling the truth. You can be my witness pag sinabi ko kay Dad ang totoo. Don't worry. I'll protect you and your baby," saad ko sa kan'ya. "Oo naman, sabihan mo ko. Please.. Protect us, Louie. Papayag din ako kung magpapaannul ka. I saw how much you love Javielle, kaya hindi kita ikukulong sa pilitan na relasyon na 'to dahil ayoko din," saad n'ya habang nagpunas ng luha. "Wag kang mag alala, Hilton ang ginamit ko kay Nalia at hindi Fernandez," "Salamat, Nat. Sobrang salamat! Isang favor pa, wag mo munang sasabihin na alam ko na ang lahat and also I'm sorry, kinuhaan ko ng DNA sample si Nalia," pag amin ko na ikinatango n'ya lang. "Walang makakaalam. Okay lang din, at least may ebidensya ka. Sorry ulit," naluluhang sambit n'ya kaya naman hindi ko napigilang na yakapin s'ya. "Tahan na. Thank you! Kahit late na, atleast nalaman ko ang totoo. We will protect you and your daughter. Mark my word, Nat" saad ko at hinimas ung likod nya. Nasa ganun posisyon kami nang pumasok ung tatlo na nanlilisik ang mga mata. I just want to comfort her. 'Di ako nagtataksil. "Lock n'yo ung pinto," utos ko sa kanila dahil baka may ibang pumasok, nilock naman ni Van 'yun. "Oh? Anong nangyari?" tanong ni Gelo. "She confessed that I'm not the father and Tita Nadyah and Mom plan this. I'm just waiting for the result ng DNA Test. Mas maganda ng handa," saad ko at tumingin kay Gelo, magtatanong pa lang ako pero nasagot na n'ya agad. "She's fine. Tapusin mo muna 'to. Hindi papabayaan ni Papa 'yun. Prinsesa n'ya 'yun na tinarantado mo," singhal n'ya sa'kin. "I can't help it! I miss her," saad ko at nagkitbalikat. "Anong pangalan ng baby mo, Nat?" tanong ni Liam. "Nalia Klarence Hilton," tugon nya tumango tango si Liam. Mabait naman si Natalie, nabalot lang ng takot. "Buksan n'yo na ung pinto baka may dumating," utos ko ulit na ginawa naman nila. Sakto naman ilang minuto pagkatapos buksan ung pinto, dumating si Tita Nadyah, Mommy at Louis. "Bakit Hilton ang ibinigay mong apelyido kay Nalia? Bakit hindi Fernandez?" tanong agad ng Mommy n'ya. Si Tita Nadyah talaga ang puno't dulo nito. Kung sana tinanggap n'ya ung bata agad at hinayaan na palakihin ni Nat nang s'ya lang. Edi sana walang gantong scenario. Lahat kami masaya at walang nasaktan. Tinignan ko si Mommy na nakatingin sa'kin, alam kong tumanaw lang s'ya ng utang na loob, pero kung sana nagpatulong s'ya kay Dad about sa problema n'ya at sa ginagawa ni Tita Nadyah, hindi sana ako makakaramdam ng galit o inis sa kan'ya. "Dahil ayoko," madiing tugon ni Nat. "Hindi s'ya Fernandez, isa s'yang Hilton!" "What are you saying?! May nangyari sa inyo ni Louie 'di ba?! Umayos ka, Natalie!" gigil na sabi ni Tita Nadyah. "You brainwashed my daughter!" sigaw n'ya sa'kin pero nakatitig lang ako. "Ma! Stop! Walang ginawa si Louie. Una pa lang ayoko ng set up na ibinigay n'yo pero ipinilit n'yo dahil ayaw n'yong mapahiya kayo sa mga kaibigan n'yo, na ang nag iisa n'yong anak ay nabuntis ng isang lalaking nakilala lang sa bar!" sumbat ni Nat na hindi napigilang umiiyak. Magsasalita pa sana si Tita Nadyah nang pumasok si Dad. Seryosong seryoso at may hawak na brown envelope. Tumingin muna s'ya kila Mommy at Tita Nadyah, tapos naglakad papalapit sa'kin sabay abot ng envelope. Kinuha ko 'yun at tinignan. Gulat akong napatingin kay Dad, ngumiti lang s'ya sa'kin at tinapik ung balikat ko. "The sooner the better," maikling saad nito. "What's that, Marcus?" tanong ng Mommy ni Nat. Doon bumaling ang tingin ni Dad sa dalawang babaeng magkaibigan. "It's an annulment paper, I'm helping my son to get out of this sh*t you both made," dahan dahan pero may diing turan n'ya habang tinuturo si Mommy at Tita. "I can't believe that you sold your son because of your dept," gigil na baling n'ya kay Mommy. Agad namang tumutol si Tita Nadyah sa sinabi ni Daddy. Kung anu-ano pa ang sinabi nito kaya naman hindi na ako nakapagpigil at sumabat na. "Tita, pwede tama na. Bistado na kayo! Umamin na si Natalie! And you're saying that I took her virginity?! Then why there's no bloodstain in my bed sheet nung umagang nakita n'yo kami?! I took my love's virginity kaya alam ko iyon! Itutuloy ko pa po ba ang paglalatag ng ebedensyang hindi ko anak ang bata at walang nangyari sa'min ni Natalie?" pahayag ko sa kan'ya kaya mas namula s'ya. "Walang annulment na magaganap!!" malakas na sigaw ng Mommy n'ya. "That's not yours to decide, Tita. Hindi ikaw ang pipirma kun'di kami," "Ma, sorry! Pero tama na 'to, maawa ka sa apo mo," pagmamakaawa ni Nat. "Kaya ko nga 'to ginagawa dahil naawa ako sa kan'ya. Lalaki s'ya ng walang tatay pag pumayag kang maannul kayo ni Louie, magagaya s'ya sa'yo!" bulyaw ni Tita. Ung totoo kong anak! Lalaki din ng walang ama dahil sa kalokohan nila! "Yeah! Ipapaako n'yo sa'kin ung hindi ko anak! Mayaman ho kayo?! Bakit hindi n'yo ipahanap ung tatay ng apo n'yo, imbis na sakin n'yo ipinipilit si Nalia. Maawa naman kayo doon sa bata! Papalakihin n'yo s'ya sa kasinungalingan at walang pagmamahal! Hindi pa man s'ya nalabas, pinaramdam na natin sa kan'ya na hindi s'ya tanggap ng mga taong nakapaligid sa kan'ya! Lalo na ung nga totoong kamag anak n'ya!" sigaw ko kay Tita. Alam kong wala akong karapatan magsabi sa kanila ng ganu'n dahil ung sarili kong anak, hindi ko man lang maaalagaan. Malayo sa'kin at hindi ko makikitang lumaki. Pero alam ko na pupunuin s'ya nila Lorraine ng pagmamahal at hindi katulad ni Nalia. "Iparamdam lang naman n'yo sa kan'ya na tanggap at mahal n'yo s'ya bilang apo," pagpapatuloy ko, "Isantabi n'yo ho muna ang kahihiyan sa mga kaibigan n'yo at unahin n'yo ang pamilya n'yo" Sandaling tumahimik at walang nagsalita. Tumingin lang ako doon sa tatlo na nasa likod nila Mommy. Ang mga hayop! Nakangisi! Ah! Proud kayo sa'kin. Salamat! mga ptcha kayo! "Louie, tuloy na natin ung annulment" saad ni Natalie kaya napunta ung atensyon namin sa kan'ya pero nawala din nang pumasok si Kiefer. "Ay! Anong meron? May drama?" walang emosyon n'yang saad pero nakahawak pa sa dibdib n'ya, kunwaring nagulat. Lumapit s'ya sa'kin at inabot ung envelope. Ngayon kasi ang labas ng result, s'ya ang tumulong sa'kin. Inantay n'ya 'to kila Gelo dahil doon ko ipinadeliver, mas safe kasi doon, kami lang naman kasi ang tao lagi. "Tol oh!" saad n'ya kaya kinuha ko 'yun at huminga nang malalim, bago binuksan. Alam ko naman na ang result pero masaya pa din ako na makita ang katotohanan. "What's that?" nag aalalang tanong ni Mommy, malamig akong tumingin sa kan'ya. "DNA Result namin ni Nalia. Alam kong hindi s'ya sa'kin pero mabuti nang sigurado kaya nagpatest kami, at eto ang iressult," saad ko at ipinakita sa kanila 'yun. NEGATIVE. hindi kami magkadugo o magkamag anak ni Nalia. Walang bahid na kahit anong Fernandez sa kan'ya. Halata naman nagulat si Mommy at si Tita. "Ngayon! Ipipilit n'yo pa po bang si Louie ang tatay ng apo n'yo? Kasi kung ipipilit n'yo pa, ready kaming tumulong kay Louie na ipatest ulit sila ni Nalia, kahit ilang ulit pa. Maniwala lang kayo," gigil na saad ni Gelo. Alam kong may hugot s'ya dahil nga naman buntis ung kapatid n'ya at ako ang ama pero payag ako kung ganu'n ang gagawin nila. Walang nagsalita sa kanilang dalawa kaya naman lumapit ako kay Nat at ibinigay ung result. Tinignan n'ya lang un at tumingin sakin. "We can live freely. Thank you!" naiiyak na saad n'ya bahang nakangiti kaya tumango na lang ako. Inilabas ko ung nasa envelope at tinignan 'yun. Nakasulat na ung mga pangalan namin at pirma na lang ang kulang. Kaya naman walang pasabing pumirma ako at inabot kay Nat 'yun. Mabilis din s'yang pumirma kaya pag katapos nu'n ibinalik ko at ibinigay kay Dad. "Salamat po, Tito Marcus" nakangiting saad ni Nat. Ngumiti lang si Daddy sa kan'ya 'ska niyaya na si Mommy at Louis na umuwi dahil sa bahay sila mag uusap. Padabog din na umalis ung mama ni Natalie. "Ang intense! Proud kami sayo bro! Pang famas ung speech mo kanina! Grabe!" asar ni Van. Itinaas ko lang ung gitnang daliri ko sa kan'ya. "Nakakapagod pero sa wakas natapos din. Sorry, Nat. We can still be a Tito to Nalia. Kahit mga tarantado 'tong mga 'to. Mababait naman 'to," saad ko sa kan'ya. "Salamat, pwede ko naman siguro kayong kunin na Ninong ni Nalia 'di ba?" tanong n'ya kaya naman tumayo si Van at lunapit sa kan'ya. "Pwedeng pwede! Gusto mo daddy pa e," panlalandi n'ya sabay kindat kaya naman natawa si Nat. Nailing nalang kami kay Van. Naramdaman ko naman ung tapik ni Gelo sa balikat ko kaya napatingin ako sa kan'ya. "Pre, si Papa naman ang harapin mo. I'll help you," determinadong usal n'ya kaya napangiti ako. Yeah! Ung totoong mag ina ko naman! Doon naman ako sa ginawa ko ng buong pagmamahal! Oh! My Lorraine... Wait fo me, baby.. "Salamat," ayun lang ung nasabi ko. ----------------- 7 months had passed at tuluyang napawalang bisa ung kasal namin ni Natalie at sobrang saya ko dahil do'n. Si Natalie ang umako ng lahat ng kasalan kahit ayoko pero s'ya mismo ang magsabi dahil umpisa pa lang daw s'ya na ang may mali. Naging magkaibigan din kami ni Nat pati sila Gelo. Ngayon nandito ako sa Korea at inaantay na manganak si Loe. Sinama ako ni Gelo dito para naman kausapin ung papa nila at gusto ko din makita ung mag ina ko. Nakahiga lang ako dito sa hotel room na tinutuluyan ko nang biglang magring ung phone ko. Sinagot ko naman agad nang makita ko kung sino. 'Di pa man ako nakakasalita agad na kong napatayo sa sinabi n'ya. [Louie! Manganganak na si Javi! I'll send to you the hospital name] nag mamadali n'yang saad tapos binaba na. Ow! Fck! Kinakabahan ako! Baka mapano ung mag ina ko! Kaya dali dali akong lumabas ng hotel at pumara ng taxi, pinakita ko ung hospital name. Pagdating doon agad kong tinawagan si Gelo, nasa delivery room na daw si Loe at nanganganak na. Love! Kaya mo 'yan.. Malakas ka alam ko.. Anak, wag mong pahirapan ang mama mo.. Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta doon. Pagdating ko nandoon na ung papa n'ya, si Gelo at hindi ko kilala ung babae. Nakita ako agad ng papa n'ya kaya tumayo 'yun at hinarap ako. Oo! Kilala na ko ng papa nila at alam din na ako ung ama ng ipinapanganak ngayon ni Loe pero this is the first time na mag kikita kami sa personal "What are you doing here?! Umalis ka habang kaya ko pang magpigil, Louie! Wala kang karapatan sa anak ko," galit na saad n'ya. "Tito please.. Gusto kong makita ung mag ina ko. Please, Tito.." mahinahong saad ko sa kan'ya. "Pa, let him be kahit anong sabihin natin. May karapatan s'ya dahil s'ya ang ama," saad ni Gelo na nasa likod ng papa n'ya. "No!" matigas na usal ni Tito kaya naman agad akong lumuhod sa harap n'ya at yumuko. "Tito.. Gusto ko pong makita ung mag ina ko. Inayos ko lang po ung problema ko kaya natagalan po ako. Sorry po.. Please, Tito. Let me see them, let me see my child and Lorraine," umiiyak na turan ko dahil gusto ko talaga silang makita pareho. Wala na kong pake kung magmukha akong mahina sa harap ng tatay n'ya pero kung ito ang paraan para makita ko sila gagawin ko. "Pa, minsan lang magmakaawa 'yan pero sincere 'yan. Kaibigan ko 'yan simula high school kaya alam ko mahal na mahal n'yan si Javi besides Javi will be sad if she see Louie's crying," saad ni Gelo at tinapik ang balikat ko. "G*go pare! Lumuhod ka talaga! Picturan sana kita para ipakita du'n sa tatlo kaso naawa ako sayo," pang aasar n'ya sa'kin. Pasalamat siya kaibigan ko s'ya at Kuya s'ya ng mahal ko kung hindi binanatan ko na 'to. Hayop! Nagmamakaawa ako sa tatay n'ya tapos aasarin ako! "Okay! Pero hindi ka pwedeng magpakita kay Javi," saad ng papa nila kaya napaangat ako ng tingin. "I understand po pero kukunin ko po sila. Pag tapos ni Lorraine sa pag aaral," matapang at buong desisyon kong saad. "Just prove yourself to me, young man. Gusto kong makitang deserve ng pagmamahal ng anak ko ang katulad mo," puno naman ng otoridad na saad n'ya 'ska tumalikod. 'Di na ako nagsalita at tinulungan ako ni Gelo tumayo. Nakangiti ang hayop! "I told you, I'll help you! Don't worry," saad n'ya at tinapik pa ung balikat ko. "Ang bakla mo pre!" pang aasar n'ya. Hayop! "Para sa kapatid mo, gagawin ko lahat," saad ko at nag antay lang kami ng ilang minuto. Lumabas na ang dalawang mahal na mahal ko at ang kalahati ng buhay ko. "Love.. Ang galing mo. I'm so proud of you. Mahal na mahal kita," malambing kong saad kay Loe nang nandoon na s'ya sa kwarto n'ya at hinalikan s'ya sa noo. Sobrang miss na miss ko 'tong babaeng 'to. Tahimik lang kami habang hinihimas ko ung mukha ni Loe. Nang may nurse na pumasok at dala ang anak ko. Kaya tumayo ako at lumapit. Sorry, love! Kamukha ko ung anak natin. Alam kong ikaw ang naghirap pero sorry talaga.. malakas ang dugo ng Fernandez. "Kawawa naman si Javi. Walang nakuha. Tarantado 'to," komento ni Gelo pero wala akong paki nakangiti lang akong nakatingin sa anak ko. Pinayagan akong buhatin s'ya kaya sobrang tuwang tuwa ako pero kailangan ko na din umalis dahil maya maya lang magigising na si Loe. Nagpaalam lang ako sa kanilang dalawa at nangakong babalikan sila. Kailangan ko munang ayusin ung sarili ko. Kung tutuparin ni Loe ung pagdodoctor n'ya dapat sabay kami kaya aayusin ung profession ko. 2 DAYS after manganak ni Loe, umuwi na din ako at inayos ang buhay ko. Kailangan kong maging deserving kay Loe. Minsan napunta ako ng Korea para sulyapan ung dalawa. Nagtatagal ako ng 1 week dun para lang makita sila. Lahat 'yun kinuwento ko kay Loe na nakatingin sa'kin at may luha. Menos lang ung una palang alam ko na anak ko na si Jash 'ska na siguro 'yun. "Hey! I didn't tell this because I want you to cry. Gusto ko lang ikwento ung nangyari nung nanlamig ako sa relasyon natin," pagpapatahan ko at pinunasan ung luha n'ya. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin o ipinaliwanag sakin nang maayos? Bakit hinayaan mong mag-iba ung tingin ko sa'yo. Nakakainis ka!" saad n'ya. Nagulat naman ako nang tumayo s'ya akala ko sasapakin n'ya ako pero hindi niyakap n'ya ko kaya niyakap din s'ya nang mahigpit. Ayoko na s'yang pakawalan. Habang yakap n'ya ko, lahat ng sakripisyo at pagod ko, napawi. Alam kong mahal pa din ako ni Loe at mahal na mahal ko pa din s'ya. S'ya lang naman ang mahal ko at mamahalin ko e. "Namiss kita," saad ko sa kan'ya at mas hinigpitan ung yakap ko sa kan'ya. "Hindi naman ako magiging home wrecker kung sasabihin kong namiss din kita 'di ba?" tugon n'ya kaya natawa ako. "Ikaw ang wawasakin ko pag hindi ka nagtigil kakasabi n'yan," asar ko sa kan'ya kaya naman nakatikim ako ng hampas galing sa kan'ya, minura pa ko. "G*go!" singhal n'ya habang natawa tapos bumitaw at tumitig sa mata ko. "Namiss din kita, Louie," Ngumiti lang ako at kinindatan s'ya na sinagot n'ya ng irap. "Ahm! Pwede ko na bang mameet si Jash? This time as Papa na. Ayoko na ng Tito. Ang sakit e" saad ko kaya natawa s'ya. "Puntahan natin o dadalhin ko s'ya dito?" tanong n'ya habang nakangiti. Namiss ko 'tong ngiti na 'to na lagi kong pinagmamasdan nung unang beses na sabihin kong nahuhulog na ko sa kan'ya. "Tara puntahan na natin ung anak natin," masiglang saad ko at parang proud na proud. Kaya ang magandang to, tinawanan ako. "Tara," natatawang tugon n'ya lang kaya binitawan ko na s'ya. Alam kong wala pa kaming pormal at maayos na label ngayon pero at least alam ko na mahal n'ya pa din ako at meron kaming Jashua na nag uugnay saming dalawa kaya uunti untiin ko. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD