"Bakit ngayon ka lang?" bungad kong tanong sa kaniya nang mapansin niya ako. Nagtagis ang aking bagang kasabay ng pagdilim ng aking mukha dahil sa nakita. Matino pa bang uwi ang ganitong oras ng isang babae? At kasama niya pa talaga ang lalaking iyon! "Bakit nandito ka? Gabi na ah," nagtataka niyang tanong sa akin. Pinigilan kong huwag tumingin sa kaniyang mukha dahil maganda pa rin siya kahit magulo ang kaniyang make up. Baka kasi mawala ang galit ko kapag tumingin lang ako sa mukha niya. Naamoy ko naman ang amoy ng alak sa kaniya. Nakainom siya. Tangina. Tapos kasama niya pa ang ugok na iyon! "Hindi ba ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan?" galit kong sabi sa kaniya. Nahalata naman niya iyon at nakita ko na napalunok siya. "Pumasok ka muna sa loob," pagyayaya niya sa akin at hinawa