Si Sam lang ang laman ng isip ko. Habang iniisip ko siya ay mas lalo akong kinakabahan sa puwedeng mangyari sa kaniya dahilan para mas lalo kong bilisan ang pagtakbo. Wala na akong pakialam sa mga taong nakkaasalubong ko at nababangga ko. Abot-abot ang pagtahip ng puso ko at halos hindi ako makahinga dahil sa nararamdaman kong kaba... at takot na hindi ko maipaliwanag. Nang makalabas ako ng gate ay nakita ko si Sam mula sa hindi kalayuan. Mag-isa niyang hinaharap ang pitong tarantadong lalaki na inaatake siya. Sa itsura pa lang ng mga ito ay alam ko na kung ano'ng grupo ito nagmula at saang grupo ang mga ito nabibilang. Isa lang ang grupo ng gangster na mga rider. Hindi ako maaaring magkamali. Napakuyom na lang ang mga kamay ko dahil sa labis na galit. Pero may mga bagay na h