"Ilang araw na ang nakalipas, kumusta na kaya si Kuya Tommy?" tanong ni Tan-Tan. Habang naghahanda papasok sa university. "Hindi pa ba siya tumawag, anak?" tanong din ng Ginang. Kaya naman ang padre de-pamilya ay hindi nakatiis na sumingit sa mag-ina. Lahat naman sila ay pare-parehas ng iniisip kaso nagtanong ang anak sinagot din ng ina ng isa pang tanong. "Ano ba naman kayong mag-ina? Aba'y palitan kayo ng tanong? Paano kayo magkakaroon ng kasagutan kung nagpapalitan kayo ng tanong?" aniya kaso agad na sinupalpal ng asawa. "Tapos? Anong akala mo sa binitawan mong salita? Hindi ba't tanong lahat iyon?" muli ay tanong nito. Tuloy hindi malaman kung matatawa o maiinis ang hitsura ng pobreng matanda dahil totoo naman kasi ang sinabi ng asawa. Nanita nga siya pero ginawa rin naman niya. K