"Nakapagdesisyon ka na bang magtapat sa kasintahan mo, anak? Bilang ina mo ay nauunawaan kita kung ayaw mong sabihin kay Cassandra ang kalagayan mo. Tingnan mo ang iyong sarili, ang matikas mong pangangatawan ay wala na. Ibig sabihin ay malala na ito. Alam kong tanggap mo na pero sabi ko naman ay masakit pa rin sa akin bilang ina mo ang nakikita kang ganyan," wika ni Mrs Guerrero. "Hindi kaya nakakahiya, Mama? Ilang araw ko na siyang hindi dinalaw. Pinapasigla ko lang ang sarili at boses ko kapag kausap ko siya para lang mapagtakpan ang kalagayan ko. Tapos ngayon ay tatawagan ko at magtatapat? Alam kong unfair sa kaniya ngunit nag-aalangan pa rin ako na sabihin na may taning na ang buhay ko?" Nakatanaw siya sa kanilang bintana kaya't umayos siya ng upo saka humarap sa ina. "Nakakahiya m