"Kumusta naman daw si Tommy, anak?" tanong ni MaCon sa panganay na anak. "Nandito yata sa centro, Mommy. Nakapag-isip-isip na yatang magapakita sa mga magulang niya," tugon ng binata saka naupo sa tabi ng ina. "Maaring kinausap din siya ng mga katiwala ng rancho niya. Kaya naliwanagan ang pag-iisip niya. Pero sa totoo lang ay hindi ko akalaing hindi pa siya nagpakita sa Yaya niya hanggang sa kasalukuyan." Ibinaba naman ni Clarence ang hawak na pahayagan saka humarap sa mag-ina. "Opo, Daddy. Masasabi kong kilala ko na siya dahil magkasama kami sa barko ng mahigit tatlong taon. Para sa akin ay hindi ko siya masisisi kung bakit ngayon lang niya naisipang magpakita sa kanila. Malalim ang sugat sa pagkatao niya dulot ng pinagmulan niya." Tumango-tango rin ang binata sa pagsang-ayun sa ama.