Sa paglipas ng mga araw. Mas iginupo na ng sakit si Roodney. Sa mga nakaraang araw ay nakakalabas pa siya sa garden nila sa likod upang magpaaraw. Ngunit ilang araw na rin itong hindi lumalabas dahil hindi na kaya ng katawan. Binubuksan na lamang nila ang bintana nito upang makapasok ang hangin at araw. "Nandiyan ang kasintahan mo, anak. Hindi mo ba siya haharapin?" pukaw ni Mrs Guerrero sa anak na nakatingin sa malayo. Halatang malalim ang iniisip. "Papasukin mo, Mama. Noong isang araw ko pa pinag-iisipang harapin siya ngunit wala akong lakas ng loob. Sa tuwing naiisip ko ang hirap na dadanasin niya kapag wala na ako ay pinaghihinaan ako. Kako, hindi ko naman kasalanang kung bakit kailangan kong lisanin ang mundo ng mas maaga. Pero alam mo ba, Mama? Siya ang nagpahaba sa buhay ko." Daha