"Anong oras na bakit hindi ko pa natatanawan ang mga iyon?" bulong ni San. Nagsisimula na siyang mainis dahil maaga pa lamang ay nasa paliparan na siya upang makasiguradong hindi makakaligtas sa paningin niya ang mga hayop. Kaso talagang wala pa siyang nakikita kahit anino sana nito o ang hampas-lupa nitong kasama. "Ah! Damm those men! Nasaan na ba sila?" Napamura tuloy siya dahil sa inis. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat ang naghihintay ng napakatagal. Kung hindi lang sana nila kailangan ang gago ay pina-shoot to kill na niya ito. Kaso sa tuwing sinasabi niya iyon sa ina ay bulyaw at mura lamang din ang napapala. Kaya't mas pinili niya ang sumunod sa utos nito dahil ayaw naman niyang lagi siyang napapagalitan. At saka ito rin ang may control sa ATM nila ng Kuya niya. Ang ATM nga ng ga