"Ang lukong ito, oo. Hindi pa rin nagigising." Napakamot sa ulo si Romy. Dahil umuwi sila na mahimbing ang tulog nito, nakabalik na sila ay tulog pa rin. "Mukhang si Miss Mondragon ang napanaginipan niya, huh! Kung noon pa sana niya nilagawan ang dalagang iyon disin sana'y hindi lang sa panaginip niya nakikita," wika rin ni Samson. Subalit ang binatang may-ari sa bahay ay iba ang sinabi. Nakapagsuhestiyon ito ng magandang pampagising. Kaya naman imbes na tuluyan nila itong gisingin ay hindi dahil kumuha sila ng tubig. Parang eyes drop ang ginawa. Inunti-unting ipinatak sa mukha nito hanggang sa tuluyan itong nagising. Iyon nga lang ay pikit pa ang mata nito. "Ano ba naman kayong tatlo. Maari bang patulugin n'yo muna ako?" anito saka muling hinila ang kumot. Ang ganda pa naman ng panagi