Useless Efforts
“PERFECT!” the director’s voice is enough to conclude that he’s satisfied with today’s shoot. Tuwang-tuwa itong lumapit kay Kristel nang matapos ang pag-take ng parte ng commercial na iyon.
Kristel is one of the most expensive model, actress and endorser nowadays. If you stroll around the city, you’d see her face in a lot of advertisement.
“No one will believe you that you’re thirty,” napailing si Direk Ronan. Napahalakhak lang naman ng mahina si Kristel at hanggang doon na lang ang ilalakas ng tawa niya. This is probably her 4th schedule for the day. 4am siya nagsimula dahil sa shooting ng teleserye niya at hanggang ngayong 10pm ng gabi lang natigil angs schedule niya.
Samantala, nagpaalam siya sa mga staffs. Dumiretso siya sa kanyang dressing room upang mag-pack up.
“Malapit na ang shooting mo para sa Summer Cup ng National Basket Ball Teams. Make sure you maintain your figure,” habang umiinom siya ng tubig ay kaagad siyang binalaan ng kanyang Manager na si Vince. Napahawak siya sa kanyang tyan, hindi naman bago ang pagda-diet sa kanya pero these days ay malakas ang apetite niya kaya naman napapagalitan siya tuwing tumataas ang timbang niya ng isa hanggang dalawang kilo.
Her body and her face is the main core of her career that is why she is always reminded of taking care of her body.
“Magpapakita ba ako ng tiyan doon?” nakangusong tanong niya kay Vince at binagsak ang katawan sa couch.
“Oo, nakita ko na iyong concept. Kailangan palitawin natin ulit ang abs mo, hay nako talaga. Umiwas ka muna sa mga matatamis,” ani naman nito.
“Bakit naman ako magpapakita ng abs eh puwedeng mag-jersey na lang ako,” reklamo naman niya.
“Natural ikaw lang ang babae sa mga kasama mong endorser, ano ka ba? Syempre kailangang sexy ka!”
Napailing na lang si Kristel at hindi na umimik. Samantala, pagkatapos ng kaniang pack-up ay nasa van na siya. Na-stuck na naman siya sa traffic imbes siya ay nakauwi na sana.
Napahinto sa isang building si Kristel. Mayro’ng screen na malaki at ang pinapalabas ay mga play offs sa basketball.
Isang pamilyar na imahe ng lalaki ang nasilayan niyang na-flash sa screen.
“J-jayce…” she said softly.
“Hindi na yata maglalaro si Jayce…” nanlaki ang mga mata niyang napalingon kay Vince. “B-Bakit naman?” napahak siya sa arm rest at inalis ang pagkakasandal sa upuan.
“Hmmm, kung ‘di ako nagkakamali ay pagkatapos ng game na iyon ay hindi na siya nakapaglaro ng maayos.”
“What game?” she asked. Napahawak sa baba si Vince. “…The Championship Match 2 years ago, ang team ni Riko ang kalaban niya. Pero sina Jayce ang nanalo noon kahit nangyari iyong insidenteng iyon. But after that match, Riko continued to be the champion…mukhang pati ngayong Summer Cup ay gano’n din. Instant pass ito para sa Asian Games.”
Naudlot naman ang usapan nila nang biglang nag-preno ang kanilang driver na parang mayro’ng nabangga.
“May nabangga ba tayo?” kabadong saad ni Kristel at tumingin sa harapan. Dahil hindi siya nasagot ng driver ay bumaba siya. Hindi niya ininda ang babala ni Vince sa kanya.
Nagtungo siya sa harapan at may nakita siyang babaeng napaupo sa daan at nakalat ang kanyang bag.
“Miss! Sorry, nasaktan ka ba? Dalhin kita sa hospital,” nang malapitan ni Kristel ito at umiling ay bahagyang nabunutan siya ng tinik sa dibdib niya.
“Natalisod lang ako kasi akala ko makakahabol ako sa pagtawin. Pero okay lang ako,” she shook her hands in front of her.
“I’ll help you,” aniya ni Kristel at tinulungan siyang tumayo. Napansin din kasi niyang medyo nahirapan itong tumayo.
***
NAPILITAN namang sumama si Collen sa isang café na may VIP Rooms dahil sa pagpupumilit ni Kristel. If she isn’t a celbrity then she would feel less uncomfortable. Kung maganda ito sa mga posters at commercial, ay ‘di hamak na mas maganda ito sa personal.
Isa pa, ngayon niya lang ito nakausap kahit parehas sila ng school no’ng sila ay high school pa.
Hindi maiwasang mapatingin si Collen sa braso nitong na natakpan ng laces ng kanyang long sleeve na dress. Sinubuka niyang magsuot ng ganiyang damit, iyong lace na itim ang sleeve nito imbes na tela pero nagmukhang hotdog lang ang mag braso niya dahil hindi naman ito kasing payat ni Kristel.
“Pasensya ka na ha? Pero sure ka bang hindi na kita dadalhin sa hospital?” pangatlong beses na yata niyang tanong ito sa kanya mula nang dumating ang kapeng in-order nila.
Even her voice sounded so sweet and soft. Iyong tipong mahihiya kang magtaas ng boses.
“Oo, okay lang po. Ni gasgas wala nga po, eh,” tumawa na lang si Collen.
Umarangkada na naman kasi ang pagka-clumsy nito kaya natalisod siya kanina habang patawid.
“I’m Kristel pala, and you’re Collen, right? Nabasa ko sa I.D mo kanina.”
“Ah opo. Nakikita ko po kayo sa TV. Ang ganda niyo po,” ang sabi naman nito. Napahinto naman siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Jayce sa caller id.
“Where are you?” diretsang tanong nito.
“Bahay, patulog na ako,” tumalikod siya at tinakpan niya ang bibig.
“Nasa court ako, kita ko bintana mo. Walang ilaw.”
Napapikit naman si Collen dahil agad siyang nabisto ro’n. “Eh bakit ba? Mamaya na ako uuwi. Sige na!” iritang saad nito.
“Kailan natin itutuloy ‘yong gagawin natin sana no’ng isang gabi? Tinulugan mo ako kagabi, eh? Ano password ng unit mo, hintayin kita ro’n?”
“Walanjo! Huwag kang pumasok sa unit ko!”
Nagulat naman si Kristel nang biglang sumigaw si Collen dahilan upang mapaso ang bibig niya.
“Papasok na ako, ano password mo? Monthsary ba natin?”
“Bwusit ka talaga!” nainis na siya nang tuluyan kaya ibinaba ang tawag.
“You need to go? It’s okay, you should go.” Tumango-tango pa si Kristel at ngumiti sa kanya. Para tuloy siyang nakonsensya. Kung ‘di kasi sa kokontra ang kanyang nobyong mas makulit pa sa kindergarten na bata ay magtatagal pa sana siya.
***
NANG makarating si Collen sa court ay nadatnan niya si Jayce ro’n na nagba-basketball mag-isa. He was doing lay ups.
“Ganda naman ng babae ko, nakasimangot sa akin,” kumindat pa itong napatingin sa kanya.
“May sasabihin ka ba? Kung wala na aakyat na ako sa taas, pagod ako,” pabalang na saad naman nito.
“Puwede ba ako matulog sa kama mo? Tabi tayo,” nag-roll eyes na lang si Collen at hindi niya ito sinagot. Alam naman niyang kasama lang ito sa pambibiro niya sa kanya.
“Fine. Can you stay here,” bigla namang naging seryoso ang boses ni Jayce nang itnuro niya ang posisyon sa ilalim ng net.
“Just try and steal the ball to me, I’ll consider it steal if you manage to touch it.” Sabi nito at umatras hanggang sa center line ng court. Ibinaba naman ni Collen ang bag niya at bagsak ang balikat na nagtungo sa ilalim ng net. Yumuko siya nang kaunti. She spreads her arms and put on a defense position.
Jayce dribbled the ball for about three times before he run to her. Nang mapansin niyang wala nang isang pulgada ang layo ni Jayce sa kanya at sinubukan niyang agawin ang bola.
But Jayce seemed like he’s become one with the wind and he travelled in just one blink on her left and the last thing she knew, he was able to shoot the ball in a dunk form while still holding on to rim of the ring.
Bumitaw si Jayce sa pagkakakapit niya sa ring at nakatapat na niya si Collen.
Dahil hindi pa rin makapaniwala si Collen sa nangyari ay nakatulala pa rin ito at hindi kumukurap. It was Jayce’s chance to pull her waist closer to his body and claimed her lips without her permission.
Nang maghiwalay ang kanilang labi ay inayos kaagad ni Collen ang salamin at napatingin sa ibang direksyon.
“Hindi ba parang bumibilis ka na?” nang makatalikod si Jayce ay biglang nagsalita si Collen.
“Me?” turo niya sa sarili.
“Well, I guess… I can’t say. Owen guards the ball for me. Hindi nagtatagal ang bola sa akin. I usually shoot it the moment I was able to get it. Owen’s timing is perfect.”
“So basically, I do not defend and run with the ball…” napahina ang boses nito habang hawak-hawak ang bola.
“What I am trying to do is to be a player that can be useful in court since I can’t use my shooting skills anymore…”
“But I haven’t lose my shooting skills in bed so…don’t worry,” naninkit ang mga mata ni Collen sa sumunod na sinabi ni Jayce. Hindi na siya nagpaalam at naglakad na lamang palayo matapos makuha ang kanyang bag.
“Fatso! That was a joke,” sigaw pa nito pero hindi na niya ininda. Bigla namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. He’s annoying at times but it’s better than having nothing.
***
ITS 4:50 pm. Halos ayaw nang alisin ni Collen ang tingin niya sa orasan dahil hinihintay niya ang 5pm. Nakaayos na ang kanyang bag at nai-shutdown na rin niya ang computer niya.
Today is Jayce’s official practice with his old team mates. Palihim lang naman na sinabi ni Hina iyon sa kanya at ayaw niya ring sabihan si Jayce na pupunta para panoorin siya.
Pagpatak pa lang ng 5pm sa orasan niya ay agad siyang tumakbo papunta sa harap upang mag-time out. Kamuntikan pa niay naitulak ang mga kasamahang paparating pero hindi na niya iyon ininda.
Hinabol niya rin ang pasarado nang elevator.
Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nakarating sa gymnasium ng roaring wolves. Halos malula pa siya sa sobrang lawak ng lugar. Dumaan siya sa soccer field at namataan niya ang mga players tumatakbo. Sa tabing filed sinasagawa ang baseball… Naglakad pa siya hanggang malagpasan niya ang field at nakita niya ang pintuang papasok sa mismong building.
Pagpsok niya sa itaas ay nadaanan niya ang mga silid para sa volley ball at tennis. Everything you see in this gym is sports.
Hanggang sa nahanap niya ang hall para sa basketball. Pagpasok niya ay narinig niya agad ang pito ng referee. It’s about time that the game is starting.
Umupo siya sa gitna kung saan walang tao. Parang kaunti lang naman ang spectator at hinala niyang insider ang mag ito.
Nasa blue team si Jayce, kasama niya si Owen. Nasa kabilang team si Yuan at Andre. Naidagdag ang mga bench warmer kaya ang larong ito ay sa pagitan ng mga myembro lamang ng Roaring Wolves.
Ang center ng blue team na halos kasing tangkad lamang ni Yuan ay nagawang nakuha ang bola at ipinasa kay Owen. She was intrigued by the stance Owen showed so she took a close look. His grip to the ball is good and his eyes are just in front of him but she knew she’s thinking deeply. Then he made that pass… from the other side of the court to the power forward of his team and easily gained the first points.
Napaawang ang bibig ni Collen dahil hindi siya makapaniwala sa long pass ni Owen na napakabilis.
Mukhang tama nga ang sinabi ni Jayce na si Owen ay isang effective na point guard.
“Restart! Counter!” sigaw ni Andre habang hawak ang bola. Si Jayce ang naging mark niya at mukhang tumatagal na ang padi-dribble ni Andre kaya ipinasa niya ito sa kanyang kasamahan.
“Wow…grabe...” tanging bulalas ni Collen.
“It’s not NBA. It’s just a practice match,” nakuha ng kanyang atensyon ang boses na kanyang narinig sa likuran.
“Hina!” nagliwanag ang mukha ni Collen nang makita niya si Hina. Tumabi naman ito sa kanya .
“He’s our ace…” napansin ni Collen na para bang nadismaya ito nang makita niyang ipinasa ni Jayce ang bola sa kasamahan nila.
“I’m afraid but Jayce could be a benchwarmer during the game. Adler and I have been observing…”
“Hindi siya magiging regular?” dismayadong saad naman ni Collen.
Hindi naimik si Hina kaya alam na ni Collen ang sagot do’n. “Pero…pero he’s really trying hard. Kapag malalaman niya ito baka masakta siya. He’s practicing everyday just to improve.”
“We need an absolute improvement. Not a conditional. This Summer Cup is important to everyone in the team. Pagkakataon na nilang makasali sa international tournament kapag sila ang magcha-champion. And we will do that even if Jayce can’t gain back his skills.”
Then a glimpse of memory from the past came to her mind. She remembered how she tried hard to save her career. But her hard work didn’t pay off so she stopped trying.
Totoo kayang may mga effort na useless? Bakit kung minsan kahit ano’ng hirap mo para makamtan ang isang bagay ay wala pa ring nangyayari?
Natapos ang game at naipanalo ito ng team nina Owen. Nagmasid lamang sa taas si Collen habang umiinom ang mga players ng tubig sa bench. Namilog ang kanyang mga mata nang sabay-sabay silang maghubad ng pang-itaas.
“Jusko, ano ‘tong nakikita ko. Ba’t parang nasa bakery ako? Ang daming pandesal,” aniya at inayos pa ang kanyang salamin.”
Napalingon siya sa paligid, wala na si Hina at si Adler. Tanging mga players na lang ang nandito. Siya na lang ang iisang babae rito.
“Okay, practice ulit tayo, walang lalabas ng court hangga’t walang nananalo!” narinig pa niyang sigaw ng isang player.
“Naka-lock na ba sa labas ang pintuan?”
“Oo! Bubuksan na lang iyan pagkatapos ng 4th quarter. Ready na kayo!”
Nanlaki pa ang mag mata ni Collen at napatingin sa pintuan.
“No way!” Napayuko siya bago pa siya mamataan ng mag player. Napaupo siya sa sahig. Hindi naman niya aasahang mata-trap siya sa loob kasama ang mga lalaking ito. At sino ang magba-basketball nang walang suot na pang-itaas!?
She decided to crawl until she reached the door. Yakap ang bag ay nagsimula siyang gumapang. Narinig niya ang pito, magsisimula na naman ang second game nila.
“Ah! Jusko!” napapikit siya nang biglang tumulapon ang bola sa harapan niya. Mukhang napalakas ang pagkakahagip nila at napunta rito sa mga bench.
Kung kukuhanin nila ang bola mula rito ay makikita nila siya. Wala naman sa kanya ang panonood ng practice pero may nararamdaman siyang hiya kapag siya ay nakita ni Jayce at ang mag kasamahan nito lalo na’t babae siya at sila ay naka-top less lang habang nag-lalaro.
Nakarinig siya ng yabag palapit sa kung nasaan siya nakayuko. Ilang sandali pa ay may kumuha ng bola.
“Oh?”
“’Wag, please! ‘Wag,” sinenyasan niya itong huwag magsalita ngunit nakatuoan ang titig ng lalaki sa kanya.
“’Oy, Jude ang tagal mo naman!” saway pa ng mga kasamahan niya.
“May tao rito! Spy siya!”
Nanlaki ang mag mata ni Collen nang bigla siyang lapitan nito. Mas kinabahan siya nang makita niya sa close up ang abs nito. Napaatras siya at umiling-iling. Halos mangiyak-iyak siyang nagmakaawa para lang huwag na siyang lapitan.
“Ano? Mga walang hiya!” inis na sigaw ni Andre. Nakarinig pa siya ng maraming yabag na palapit sa kanyang kinaroroonan.
“Sino ka? Ha!” umalingawngaw ang boses ng mga players nang makalapit sila sa kanya. Napayuko siya sa sahig sa kahihiyan. Amoy na amoy niya ang iba’t ibang body spray nila at sa ora na ito ay siguro pag-angat niya ng tingin ay napapalibutan na siya ng mga topless na katawan ng mga lalaki.
“A-Ano…” nag-angat siya kaunti ng tingin at nasilayan niya ang mga katawan ng lalaking nasa harapan niya. Para siyang nasilaw sa sobrnag liwanag dahil sa mga katawan nilang matipuno.
“Sorry! Hindi ako spy!” tumayo siya at dali-daling tumakbo. Naramdaman niya ring hahabulin na sana siya ng mag ito ngunit may isang katawan ng lalaki ang humarang sa harapan niya dahilan upang mapatigil siya sa pagtakbo.
“If you turn around, you’re dead…” when she lifted her chin up she saw Jayce looking stern at her.
Doon niya napagtanto na kapag lilingon siya ay makikita niya ang mga katawan ng kasamahan niya.
“J-Jayce…” she smiled awkwardly.
“Sorry, can I go first?” pakiusap naman ni Jayce sa kasamahan niya habang nakatingin pa rin kay Collen.
“Ah, sige na. Tutal nakapag-practice na rin naman na tayo…” si Owen naman ang nagsalita.
Hinigit ni Jayce ang kamay ni Collen palabas ng gym.
Nakarating sila sa locker room. Pinasok ni Jayce si Collen doon. After slamming the door, she pinned her against it.
She tapped the space near her face as he leaned down and kissed her harshly. Nabitawaan na lang ni Collen ang kanyang bag nang bigla siya mapasandal pa sa lalo sa pintuan nang gumalaw ang labi ni Jayce nang mabilis at malalim.
“Ano ba?” reklamo naman ni Collen nang maghiwalay ang mga labi nila.
“I’m just finding an excuse to kiss you and I just did,” he smirked. Tinapunan naman ni Collen nang masamang tingin ito at inalis ang pagkakasandal sa pintuan.
“Stay here. I’ll take a quick shower.” Wika naman ni Jayce.
“Uuwi na ako,” sabay pulot ng bag niyang nahulog sa sahig.
“Wait for me. Magde-date tayo sandali…”
A thin line formed on her lips as she stared at his back heading towards the shower room.
“Sige, ikaw bahala,” pakunwaring walang ganang saad naman nito.
***