Amethyst's POV
Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga boses na nag-aaway. Imbes na bumangon, pinakinggan ko muna ang pag-aaway nila.
"Ano ba 'yan, Hailey! Ikaw na kasi ang gumising kay Amethyst, 'pag 'yan nagalit, yare talaga tayo!" inis na ani Navaeh.
"Ano ba, Navaeh!? Ayoko pang mamatay ng maaga 'no! Kung gusto mo si Naomi nalang ang utusan mo! Tutal hindi naman magagalit sa kan'ya si Amethyst!" sigaw ni Hailey pabalik kay Navaeh.
Naomi rolled her eyes. "Bakit naman ako!? Duh, we're not that close para gisingin ko siya and I'm tired, don't you see!?"
Tss, I am already awake. Nagising ako dahil sa walang k'wentang bangayan nila.
"CAN YOU ALL SHUT YOUR MOUTH!?" I exclaimed.
Nakita ko naman ang panginginig ng mga tuhod nila. Sinamaan ko lang sila ng tingin.
"Ayan ang ingay mo kasi, Navaeh! Napagalitan tuloy tayo ni boss!" mariing sigaw ni Hailey.
Sinamaan siya ng tingin ni Navaeh. "Anong maingay ka d'yan!? Mas malakas kaya boses mo sa'kin! Nakakasira ng eardrums 'yang boses mo!"
Hindi ba tatahimik 'tong mga 'to!? Bullshit!
"Hindi niyo ba napapansin na parehas lang kayong maingay? Nanite kotoda!" sigaw ni Naomi.
Translation: Oh my God!
Napatindig naman ang katawan ni Hailey. "Ikaw din kaya malakas boses, 'di lang kami 'no!"
"Ikaw din kaya! Back to you!" sigaw ni Naomi.
"Parehas lang kayong maingay!"
"Maingay ka din!"
"Ang panget mo tumawa Hailey! Nakakaturn off!"
"Mas panget ka tanga!"
"Gagaya mo pa ako sa'yo, ew!"
"Parehas lang kayong panget!"
"Mas panget ka Naomi!"
Sinipa ko namn ang table na malapit sa'kin at sinipa papunta sa kanila. Nagulat naman sila at tumigil na sa pag-aaway.
Kung ganito lang ang kahihinatnan ng pagtuturo ko sa kanila ng salitang tagalog, dapat hindi ko nalang sila tinuruan.
"Tama na 'yang walang k'wenta niyong away. Where are we?" kalmadong tanong ko sa kanila.
"Nasa Pilipinas na tayo, sis!" excited na sagot ni Naomi.
Hindi ako sumagot at sinenyasan silang i-ayos na lahat ng maleta at bagahe naming dala. Namomroblema pa ako do'n sa bibilhin kong mga pang nerd na damit. Am I going to do that talaga? Ang dami-daming ipapagawa sa'kin, 'yon pa. I don't know how to be and act like a nerd.
Tinawagan ko naman si Dad para ipaalam sa kan'ya na nasa Pilipinas na ako. I dialed my Dad's number. He immediately answered my call.
"Hola papá! I am already here in the Philippines. Can you send me the address of our mansion?"
Translation: Hello Dad!
"Oh, sure honey. Como estas hija mia? Cuídate daughter." pangangamusta ni Dad.
Translation: (How are you my daughter?) (Take care.)
"I'm okay, Dad. Oo nga pala, send me also the information of the guy that I'll be protecting. Cuídate too. Adiós." usal ko at saka pinatay ang tawag.
Translation: (Take care too.) (Bye.)
Wala pang minuto nang makarinig ako ng notifications na galing kay Dad. Sinend niya na pala lahat ng information do'n sa lalaking babantayan ko together with the address ng mansion namin dito sa Manila. Mamaya ko nalang siguro babasahin 'yung information about doon sa guy, kailangan ko pang bumili ng nerd outfits at glasses.
Bumaba na ako ng airplane at hinanap ang gang ko. Bwisit! Saan ba nagsususuot ang mga 'yon!? Nang may mahagip akong pinagkakaguluhan ng mga press ang gang ko.
"Fuck..." I cursed.
Sinenyasan ko silang umalis na doon at pumunta sa gawi ko. Nakita ko na rin ang Lambo ko pati ang mga Lambo ng gang ko na nakaparada sa private parking lot.
"Ayos! Ipinadala ni Mom ang Bugatti ko!" masayang sigaw ni Navaeh.
Kita mo sa kanilang mukha ang saya nang makita nila ang mga luxury cars at motors nila. Tss.
Halos magtatatalon naman sa tuwa si Naomi. "Ang Kawasaki Motor ko!"
"My baby Curtiss! I love you, mwah." nakangiting ani Hailey at saka hinalikan ang motor niya.
Disgusting.
Sinenyasan ko naman silang sumakay na. Unusual, mag-lalamborghini ako. S'yempre kapag nasa misyon na ako, mag-momotor na ako. Mahirap na, baka mabaril pa ang Lambo ko.
"Follow me." utos ko sa kanila at sumakay na sa mga kotse at motor namin.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at tiningnan ang address. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko, hindi ko na makita ang gang ko sa likuran. Tss, baka maligaw ang pa sila, 'di pa naman sanay sa Pilipinas 'yung mga 'yon.
I hope na may training room and weapon room ang mansion namin para naman makapaghanda ako.
Nakarating naman ako sa mansion namin, a huge mansion. Nakita ko naman maids na naghahanda. Well, pinaghandaan talaga nila?
Nakarinig naman ako ng harurot ng sasakyan, iniluwa nito ang mababagal kong gang.
Halos mahingal si Navaeh. "My gosh, Amethyst! Why in a hurry!?"
"You're just slow." I simply responded.
Humalakhak naman si Naomi. "Bars!"
"You're anno—" paninimula ng away ni Navaeh nang putulin ko iyon.
"Let's go." aya ko sa kanila at pumasok na.
Nagsiyukuan naman ang mga maids sa amin. Mababait naman pala ang mga maids dito, akala ko walang makakatagal.
"Ayos! Mukha tayong reyna dito boss!" sigaw ni Navaeh, as always.
"Feel at home tayo rito mga pare! Ang daming pagkain!" malakas na sigaw ni Hailey. A.K.A, the food lover ng gang. Puro pagkain ang nasa isip.
"Nasaan 'yung room namin mga maids!?" pasigaw na tanong ni Naomi.
"Asshole, doon ka sa sala matutulog! Sinong may sabi sa'yong may k'warto ka!?" pang-aasar ni Navaeh, lahat sila tumawa maliban sa amin ni Naomi. Gan'yan ang gang ko, masiyahin kahit may pikon.
"Mga wengya kayo! 'Wag na din kayo mag-k'warto!" sigaw ni Naomi. Naupo siya sa sofa at nag-cellphone nalang.
Sinenyasan ko naman 'yung isang maid na pumunta rito para may i-utos ako. Actually, umalis kami galing spain ng 5:30 pm at nakarating dito ng 7 am. So, hindi pa ako nag-didinner.
"Cook a lot of breakfast for us and lead them in their rooms later while I'm gone." utos ko sa kan'ya, tumango naman siya. Umakyat na ako sa k'warto ko.
Isang kama, isang heater, dalawang air conditioner, isang bathroom at marami pang appliances ang nasa k'warto ko. Simple black lang ang theme ng k'warto ko.
Ganu'n pa din ang itsura simula ng iwan ko 'to. Ganu'n pa din ang bedsheet kasi bilin-bilinan kong huwag papalitan o irerenovate ang k'warto ko kung hindi, malilintikan sila sa'kin.
I smiled. "How I missed my room..." I whispered to myself.
Napahawak ako sa dibdib ko. My reminisces came again. I have my past before, a tragic one. Kaya ayoko ring bumalik sa Pilipinas dahil ayokong may maalala nanaman na magpapahina sa akin. But I have no choice, si Dad na ang huniling. Ayokong makita ang disappointment sa mga mata niya.
I have an ex-boyfriend. I loved him. He's a gangster also, the leader of rank 2 gang in the Philippines. Black Suffer Gang at sigurado akong magiging ka-school ko siya. Alam niyang nasa Pilipinas na ako dahil na rin siguro sa mga ka-gang ko.
He said that he loves me, pero nahuli ko siyang may katalik na ibang babae. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. He's the reason behind this coldness! f**k it. Kapag naalala ko siya, kumukulo lang ang dugo ko. Hindi na siya nakapag-explain pa sa'kin at wala akong balak na pakinggan pa siya. Because cheating is a f*****g choice. Kung mahal niya ako, why would he do that!? f**k him a lot.
Tama na rin siguro na mag-disguise ako as nerd para hindi niya na din ako makilala pa. Magpapakita lang ako pag nakalaban ko na siya sa G.A.
G.A means Gangster Arena. Doon naglalaban-laban ang mga gang for the sake of their rank and money, of course.
Napagpasyahan ko nalang kumain sa labas dahil bibili din naman ako ng nerd outfits. Nagpalit na din ako ng pang-hot na damit. Gusto ko makipaglaban sa mga m******s. Gusto kong magbanat ng buto ngayon.
Outfit: Sando croptop (Black), Leather Jacket (Black), Faux Leather shorts (Black din) at Boots with heels (Black).
S'yempre kailangan naka all black, my favorite color. Marunong din ako makipaglaban ng with heels. Kinuha ko na 'yung gun holder ko at inilagay sa tiyan ko. Nagdala na din ako ng dagger at inilagay sa batok ko para hindi halata. Inilugay ko na rin pati ang pula kong buhok.
Naaalala ko pa rin ang babaeng nagtaksil sa'kin. My childhood bestfriend. Putangina nila, mga hayop sila! Pinaglaruan lang ako noon. Sobrang bait ko sa kanila, kahit imposibleng hiling ay ginagawa ko. Tapos gagaguhin lang ako!?
Kinuha ko na ang bag ko. Nagpagpasyahan kong mag-motor nalang. Madaming loko-loko sa Pilipinas, baka nakawin pa ang gulong ng Lambo ko. Hihiramin ko nalang kay Naomi 'yung isang motor niya. Bumaba na ako at nakita ko silang lahat na busy sa pag-cecellphone.
"May alis, boss?" kunot-noong tanong ni Navaeh. Napatingin din pati ang iba.
"Ang ganda mo ngayon, boss ah!" sigaw ni Naomi at pumalakpak pa ng tatlong beses.
I nodded. "Yes, may alis ako. If you need anything else, tumawag lang kayo ng mga maids. Pag may nangyaring masama, call me if needed. At kapag aalis naman kayo, use GPS. Wala kayong alam dito sa Pilipinas, better to consult me first."
Their face replaced with a shock.
"Seryoso!? Kurutin mo nga ako, Hailey!" sigaw ni Navaeh, kinurot naman siya ni Hailey. Napa-aray lang si Navaeh. Napakunot nalang ang noo ko.
"Boss, ang dami mong sinabi! Nakakaproud!" malakas na sigaw ulit ni Navaeh, sinamaan ko siya ng tingin para tumigil.
"Yeah? By the way, Naomi can I borrow your Dodge Tomahawk V10 Superbike?" I asked. She just nodded.
"Sure, Boss Amethyst." aniya, aalis na sana ako nang may maalala ako.
"May ipapagawa ako sa inyo... Naomi, search about Black Suffer Gang and if it is lock and private, hack it, Hailey. Ikaw naman Navaeh, search for the members of it. Iyon lang naman." utos ko sa kanila, tumango naman sila.
"Areglado, boss." sabay-sabay nilang tugon. Tumango lang naman ako sa kanila.
Binato naman sa'kin ni Naomi 'yung susi ng luxury motor niya at lumabas na ako. I don't do thank you. Hindi uso sa'kin ang pasasalamat.
Napagpasyahan ko ding dumalaw sa bahay ng EX-BOYFRIEND at EX-BESTFRIEND ko. Tss,
John Brandon Torres at Sierra Alyssa Lopez...
Mga pangalang hinding-hindi ko makakalimutan. Mga pangalang pinutangina ang buhay ko.
I make you suffer, Brandon and Sierra.
Oras na para makipagplastikan ako sa mga taong sumira ng pagkatao ko.
Nasa tapat ako ng maliit na bahay nila. Walang maids o anumang gwardya. Isang iyak lang ng bata ang maririnig mong ingay.
Mukhang naghihirap ka na, Torres.
Pinindot ko ang door bell nila. Napatayo ako ng maayos nang may lumabas na babaeng pamilyar sa'kin.
"Sino ba 'yan!?" sigaw ng isang pamilyar na boses. Tss, I miss that voice, my dear Sierra...
"Ano ba 'yan! Hindi ka ba marunong maghin—" sigaw niya nang maputol iyon. Napatulala lang siya sa'kin ng mga ilang minuto. H.
"A-Amethyst..." naluluha at namimiyok niyang tawag sa'kin.
I bitterly smiled. "Did you miss me, my beloved bestfriend?"
Limang taon na ang nakalipas nang lokohin nila ako, but I already moved on. Ganti lang ang hinihintay ko. Lintek nalang ang walang ganti.
"Amethyst... I-I'm s-sorry!" nauutal at namimiyok pa rin niyang paghingi ng tawad sa akin.
I smirked. "Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo? Patahimikin mo muna 'yang anak mo."
Nakangisi pa rin ako. Malapad ang mga ngiti ko sa tuwing naiisip kong nahihirapan siya sa buhay niya ngayon. Iyan ang epekto kapag pumatol ka sa gangster, hindi ka niya mamamahalin. Love has consequences, naghirap tuloy siya.
"A-Ah s-sige pasok ka m-muna..." aniya at binuksan ang gate. Ipinarada ko naman ang motor ni Naomi sa harap ng bahay nila.
Pumasok na ako at ramdam ko ang tensyon sa bahay. Ilang taon lang ba ako nawala at bakit ganito kagulo ang nangyari sa kanila?
Malaki ang pinagbago ni Sierra simula nang mawala ako. Tumaba na siya at naging losyang dahil na rin siguro sa anak niya. But still, she's beautiful. Kinuha niya ang anak niya at binuhat para na rin siguro patahimikin.
Thankfully, hindi ko ibinigay ang first kiss at virginity ko kay Brandon kahit pa gustong-gusto niya nang kunin 'yon. Kaya siguro naghanap ng babaeng magpapasaya sa kan'ya. Bullshit.
"Where's Brandon? Iniwan ka na?" ngising tanong ko.
"Umuuwi siya dito pero hindi na palagi... Pumupunta lang siya rito kapag may kailangan siya..." sabay iyak niya.
"Then?"
"Hindi niya tanggap 'tong bata. Ito lang 'yung batang binuhay niya, 'yung iba ipinalaglag niya kahit ayaw ko..." pagpapatuloy niya.
Napayukom ang kamao ko sa inis.
Tss, Brandon... Ama ka na pala, ama na walang k'wenta. Pati inosenteng bata, pinapatos.
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig sabihin ng umuuwi nalang siya kapag may kailangan? Anong kailangan niya sa'yo?" saka kumuha ng bubblegum.
Nakakatuwa panoorin ang bestfriend na dating inaaway at niloko ka, naghihirap na noon. Hindi siya karapa't dapat kaawaan dahil sa mga ginawa niya sa akin.
Napayuko naman siya. "Parausan gano'n... Pero habang ginagawa namin 'yon, pangalan mo, Amethyst, 'yung binabanggit niya! Masakit tangina! Ako 'yung nagpapaligaya sa kan'ya pero iba ang nasa isip niya!"
Mahal na mahal mo pa rin ako, Brandon? Paano ba 'yan? Wala nang natitirang pagmamahal dito sa puso ko.
Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, hindi ko na minahal ang sarili ko.
"Tss. You're dumb and stupid. Umaasa ka sa gago na 'yon? Pero huwag kang mag-alala, Sierra, hindi ko na mahal si Brandon... Iyong-iyo na ang bobong lalaki na iyon." sabay tawa kong usal.
Tiningnan ko muna ang batang buhat-buhat niya. She's so adorable pero sana hindi siya gumaya sa nanay niyang patapon ang ugali.
"Adios." pamamaalam ko.
Lalabas na sana nang makita ko sa peripheral vision ko na ibinaba niya ang bata at kumuha ng kutsilyo. Maganda 'to, patayan... Pero hindi ka muna mamamatay, Sierra. Si Brandon ang papatay sa'yo. I can feel it. Mas masahol pa sa demonyo si Brandon, ano pang aasahan ko?
Itutusok na niya sana sa bewang ko ang kutsilyo nang maunahan ko siya. Kinuha ko ang kamay niya at pinulupot ito. Kaya naman nabitawan niya ang kutsilyo. Sinipa ko naman palayo sa ilalim ng sofa nila ang kutsilyo para wala nang masaktan. Sinipa ko ang tiyan niya kaya naman napainda siya sa sakit. Iyan ang mararanasan ng mga taong kakalabanin ang isang barumbadong babaeng katulad ko.
"Tss, don't mess with the gangster queen, Sierra." nakangisi kong saad at sumandal muna sa pintuan. Nadatnan ko naman ang anak niyang mahimbing na ang tulog.
"G-Gangster k-ka?" nauutal niyang tanong. Bakas sa mukha niya ang gulat.
"Kakasabi ko lang 'di ba? Hindi na nga kita pinuruhan pero umiinda ka ng sakit d'yan. Paano pa kaya pag pinuruhan kita? Siguradong baldado ka ng isang taon."
Iniwan ko na siya nang walang sinasabing salita. Sayang lang ang pakikipag-usap ko sa mga taong tulad niya.
Sumakay na ako sa motor ko at dumeretso sa mall. Hindi naman halata na may dala akong mga weapons kaya pinapasok ako. Puro tinginan at bulungan ang maririnig mo dahil wala akong mask this time.
"Hala bes! Siya 'yung rank 1 na leader ng gangster sa Spain, Korea, Japan, France, America, at Philippines!"
"WAAAAHHH! Bes, oo nga! Hihimatayin yata ako! Ang ganda niya sa personal!"
"Ang ganda ni ate! Tapos ang angas pa!"
"Babe, ano ba!? Bakit titig na titig ka sa babaeng 'yan!?"
"Ang galing niya kasi makipaglaban, babe! Ano ba! Idol ko kaya 'yan!"
"Anong idol eh mas maganda ako d'yan!"
"Oo na!"
"Ang sexy nu'ng babae, pre! Liligawan ko 'yan!"
"Ang ganda ng kutis mo, ate! Anong sabon mo!?"
"Ang ganda ng hair niya, love! Gusto ko rin nu'n!"
Mga bulong-bulungan na maririnig mo rito sa mall. Puro positibong komento lang naman ang naririnig ko kaya pumunta na ako sa Department Store. Hindi pa rin mawawala ang tinginan nila sa'kin.
What's wrong with these people?
Pumunta na ako para bumili ng pang losyang na uniform. Mahahabang palda at malalaking uniform. I also want to have a fake acne and pimples para mas realistic. Bumili na din ako ng kulot na wig para ibang-iba talaga ang itsura ko. Bumili na rin ako ng shoes na pang nerd at mahahabang white socks. Pumunta na ako sa cashier para bayaran.
"2,445 pesos po l-lahat, ma'am..." utal niyang turan, nagbigay ako ng 3000 pesos.
"Keep the change and be hurry." utos ko.
Mabilis niya namang inayos 'yung mga paper bags ko. Inabot niya na sa'kin 'yon at kinuha ko na. Ang bagal!
Isang store nalang ang pupuntahan ko, ang Optical Store. Pumasok na ako at unsual nagtitinginan nanaman sila.
"W-What c-can I d-do for you, ma'am?" nauutal niyang tanong. Lumapit naman ako sa mga naka stand by na mga salamin.
"I'm looking for a nerd glasses." kalmado kong sambit.
Napayuko naman siya. "May grado po ba o w-wala?"
I hissed. "None. Show me your expensive nerd glasses."
"Uhh... S-Sundan niyo lang p-po ako." aniya.
Tinuro naman niya 'yung mga nerd na pang-salamin. Isang salamin lang 'yung nakapukaw ng atensyon ko. Isang salamin na kulay-gold na may kasamang black. Round glass ito.
"Give me that one, the gold and black." utos ko, kinuha niya naman ang sinabi ko.
Itatanong niya sana kung susukatin ko pa pero nireject ko. Hindi ko muna isusuot o isusukat.
"How much?" kunot-noong tanong ko, lumapit siya sa'kin para papirmahan 'yung resibo.
Tumungo naman ito. "A-Ah... Medyo may pagkamahal po..."
Napataas naman ang kilay ko. "Can you tell the f*****g price now? I don't care if that's expensive! I can affort that!"
Medyo napahiya siya kaya yumuko ulit siya. Damn! I am in a hurry.
"12,999 pesos po..." nakayukong usal nito.
"Can I get the receipt now? I will going to sign it." malamig kong tugon.
Ipinakita niya na 'yung resibo kaya pinirmahan ko na. Inabot ko na din 'yung 13,000 pesos at lumabas na ng optical store.
Pumunta na ako sa Korean Restaurant kasi gutom na gutom na talaga ako at kailangan ko na ding mag-retouch. Pupunta pa ako sa school para magpa-enroll.
"Joh-eun achim eomma!" ngiting ani ng crew na babae sa akin.
Translation: Goodmorning Ma'am
Dumeretso lang ako sa upuan na bakante. I'm finding the comfort room. Pero wala akong mahanap.
"Maganda 'to! Hindi yata marunong makaintindi ng Korean kasi nilagpasan lang ako kanina! Kailangan natin siyang mapabilib para dagdag costumer!" bulong ng isang crew sa kasamahan niya. Rinig ko pa rin ang bulong, matalas ang pandinig ko.
Anong akala nila sa'kin, stupid? Tss. Napansin yata nilang kailangan ko ng bullshit help nila kaya lumapit 'yung isang crew ng may ngiti.
Ang plastik naman ng babaeng 'to.
Lumapit sa akin ang dalawang crew na babae at nagsimula nang magsalita.
"Dangsin-ui jumun eommaneun mueos-ibnikka?" tanong ng isang babae sa'kin. Magsasalita na sana ako ng magsalita yung isang babae.
"Ang ibig pong sabihin nu'n, ay 'What is your order ma'am.'" nakangiting saad ng babae. So they think that I'm stupid? Inabot nila sa akin 'yung menu nila.
I smiled. "I want Jeyuk Dup bap, Tofu Ramen Soup, and the drink is Soju."
"Gwaenchanh-a. Dojung-e." ngiti ding usal ng babae at ngumisi. Akala niya hindi ko naiintindihan. Pathetic.
"Ang sabi niya po ay 'Okay. On the way.'" ani ng kasamahan niya.
Hindi na ako umimik kaya naman umalis na sila. Nakikita ko sila sa peripheral vision ko na sayang-saya sila sa kalokohan nila.
Hanggang dumating na 'yung order ko. Mabilis akong kumain kasi makikipaglaban pa ako mamaya sa may parking lot. Tanda ko pa na madaming nababastos doon. I want a revenge.
Natapos na akong kumain at nagsilapitan na ang mga crew.
Ngumiti naman ulit 'yung isa. "Yeogi yeongsujeung bu-in-i issseubnida."
"Ang sabi niya po ay, 'Here's the receipt ma'am.'" aniya. Tiningnan ko na kung magkano lahat ng kinain ko. Inilabas ko na 'yung 6k ko at nilagay doon sa receipt.
"Eumsig-eun eottae?" tanong ng isang crew sa'kin.
"Ang sabi niya po ay, 'How's the food?'"
"Geugeos-ui. Johgo dangsin-ui jeongboleul, wihae naneun hangug-eoleul ihaehal su issseubnida." sabi ko, nagulat naman 'yung dalawang crew. Halatang scripted 'yung Korean nila. Tss.
Translation: It's good. And for your information, I can understand Korean.
"O-Okay, ma'am." sabay na sambit ng dalawang crew at umalis na dala dala 'yung receipt. Halatang namumula pa sa hiya 'yung dalawa.
Pinuntahan ko naman sila sa pwesto nila, nagulat sila sa pagsulpot ko.
"A-Anything you n-need, ma'am?" nauutal na tanong ng crew na babae.
Ngumisi ako. "Ye. Pyeon-anhan bang-eun eodiibnikka?"
Translation: Yes. Where's your comfort room?
Napakamot naman sa batok niya ang babae. "H-Hindi naman po talaga kami nag-kokorean ma'am... Nasa script lang po 'yon. Paki-tagalog nalang po."
"Nasaan ang palikuran niyo?" I asked.
Itinuro niya 'yung likod. Kaya naman pala hindi ko makita, natatabunan ng mga kumakain.
Hindi na ako nag-thank you at dumeretso nalang sa comfort room para mag-retouch. Lumabas na rin ako at tumingin muna sa mga crew na nakayuko lang.
Dumeretso na ako sa parking lot. Doon ko din ipinarada 'yung motor ni Naomi. Nakita ko namang binubuhat ng mga lalaki 'yung motor ni Naomi. Mapapalaban nanaman ako! They are stupid. May tracking device ang motor ni Naomi. In-case na manakaw or nasa panganib.
"Anong ginagawa niyo sa motor ko!?" sigaw ko sa kanila.
"Aba! Isang magandang chix pala ang may-ari ng mamahalin na motor na 'to!" malakas na sigaw nu'ng isang mama. Hindi ako mahihirapan dito dahil tatlo lang naman sila.
"Mga pare! 'Wag niyo muna nakawin 'yung motor! May pulutan na agad tayo mamaya!" halakhak na usal niya.
"Miss anong pangalan mo? Baka naman p'wede ka sa'min sumama? Isang gabi lang!" m******s na saad ng matandang lalaki sa akin. Kaagad naman ako nitong nilapitan.
"Huwag kang lalapit."
"H'wag kang matakot, miss! Hindi ka namin sasaktan! Sasaktan kalang namin sa kama!" nagtawanan naman sila na parang mga baliw.
Lalapit na sana siya nang sinipa ko 'yung mukha niya. Napaatras naman siya at umubo ng dugo.
"Malakas na babae, pare! Mukhang mag-eenjoy tayo rito." barumbadong usal ng sinipa ko. Baka gusto pang makatikim ng round 2 na sipa? Tss, 'di na nadala.
Lumapit naman sila sa'kin at pinagsusuntok ako. Puro iwas lang din ang ginagawa ko. Akmang susuntukin nila ako nang tumalon ako ng mataas para sila din ang magkasakitan. Tagumpay ko namang nagawa 'yon. Sinipa ko sila at pinuruhan ko 'yon. Kaya naglabas na sila ng kutsilyo. Kutsilyo lang? So poor.
Binato sa'kin ng isang mama 'yung kutsilyo, umiwas naman ako. Mabuti nalang at malakas ang pakiramdam ko. Kinuha ko na ang baril kong may silencer at itinutok sa isa nilang kasamahan at saka pinindot ang gatilyo. Nagtakbuhan naman ang iba niyang kasama. Hindi ko naman pinuruhan. Sa paa ko lang binaril. Mabuti nalang at walang CCTV sa parking lot na ito.
Ini-unlock ko na ang motor ni Naomi at sumakay na. Mabilis ko itong pinaandar pabalik ng bahay.
-
Nerd in Disguise. Chapter 2. Action.