PLEASURE: 4

1257 Words
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 4 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. HINDI ko alam kung ano ang pumasok sa aking ulo at agad kong niyakap si Alaric. Siguro ay dahil na rin sa sakit na aking nararamdaman? s**t! Hindi ko maalis sa aking isipan kung gaano siya kabango ng yakapin ko siya. Para siyang amoy baby na ewan. Ang sarap niyang amuyin at hindi nakakasawa. “Hoy, Vivi! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!” Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng marinig kong magsalita ang aking pinsan na si Kyle. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako rito ngayon sa aking kinauupuan. “Y-Yes, Kyle? I’m sorry, may iniisip lang ako,” sabi ko at nagkakamot sa aking ulo. Naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng aking kilay. “Ano na naman?” tanong ko sa kanya. “Sino ‘yang iniisip mo? Hmm, si Coleman na naman ‘yan?!” mapang-asar niyang sabi. Tinignan ko siya ng masama. “Hindi ko iniisip si Ric, okay?! Kusa lang siyang nanggugulo sa isipan ko ngayon, Kyle” inis kong sabi. Natigil naman ako sa aking pagsasalita ng ma-realize ko kung ano ang akong sinabi. Napatakip ako sa aking bibig at umiwas ng tingin kay Kyle. Humalakhak siya sa tawa. “Sabi ko na nga ba! Mahuhulog ka rin sa bunsong Coleman eh! Bakit ka pa kasi dun sa panganay? Doon ka sa bunso dahil mas sure winning!” nakangising sabi ni Kyle. Sa sobrang inis ko sa aking pinsan ay kumuha ako ng throw pillow at literal kong hinagis ito sa kanyang mukha at tumayo na ako at padabog na umalis at iniwan na tumatawa pa rin si Kyle sa may living room ng bahay namin. Nakakainis! Bakit ko ba iniisip ang lalaking ‘yun? Siguro may gayuma ang perfume na gamit niya para magkagusto ako sa kanya?! Bwisit talaga ang Coleman na ‘yun. Sabing hindi ko siya gusto eh! “A-Alaric! Anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay namin?” Sabado ngayon at nagtaka na lang ako ng sabihin ng kasambahay namin na may naghahanap daw sa akin na kaklase ko sa labas. Paglabas ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin ang pagmumukha ni Alaric na may dalang bouquet na puno ng chocolates. Paano nya alam na gusto ko ng chocolates?! “H-Hello, Vivi. Busy ka ba?” nauutal nitong sabi. Nakita kong bahagya pang nanginig ang kanyang labi ngayon. His lips… mukhang ang soft din ng lips nya—sandali, bakit ko na iniisip ang lips nya?! Napa iling-iling ako at bahagyang napakagat sa aking labi. Nababaliw na ata ako! “Buti naman at hindi ka busy, Vivi. tamang-tama talaga ang pagpunta ko rito,” nakangiting sabi ni Alaric habang nagkakamot sa kanyang ulo. Napaawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Wait lang! Akala niya ay sagot ko ‘yung pag iling ko kanina sa tanong niya sa akin? Oh my Gosh—no! “H-Huh? Anong pinagsasabi mo riyan—” “Wow! Alaric Archer Coleman, is that you?! Wow! A Coleman in our house! What a great honor to be visited by a Coleman,” narinig ko na sabi ng aking pinsan na si Kyle at bigla niya na lang inakbayan si Alaric. Sandali nga, bakit bigla na lang sumusulpot ‘tong pinsan ko?! “H-Hello po, Kuya Kyle,” nahihiyang pagbati ni Alaric sa pinsan ko. Bahagya akong napangiwi habang nakatingin sa kanilang dalawa ngayon. At tinawag pa na Kuya Kyle ni Alaric si Kyle like ew! “Nako! ‘Wag ka na mag Kuya sa akin, Ric. One year lang naman ang agwat ng mga edad natin. Ang pinsan ko ba ang pinunta mo rito? Halika, pasok ka na sa bahay namin,” nakangiting sabi ni Kyle at pinapasok na niya sa bahay namin si Ric habang akbay niya pa rin ito. Ako naman ay hindi makagalaw dito sa aking kinatatayuan at parang nag lo-loading pa ang utak ko ngayon sa mga nangyayari. Alaric Archer Coleman is in our house right now! Napahilamos ako sa aking mukha at huminga ako ng malalim. “Genevieve, kumalma ka lang. Kaya mo ‘to,” sabi ko sa aking sarili bago ako naglakad palapit kay Ric at kay Kyle na nakaupo na ngayon sa may couch. Dinadaldal ni Kyle ngayon si Alaric habang ang nerd naman ay parang walang maintindihan sa sinasabi ng pinsan ko dahil tungkol sa basketball ang pinagsasabi nito ngayon. Ano namang alam ng nerd na ‘to sa basketball?! Hindi nga ata maka-shoot ‘to eh. Si Matthias my love lang naman ang magaling mag basketball dahil vasity ito. “Ikaw, ano ba ang hobbies mo? Nag ba-basketball ka rin ba kagaya ng kapatid mo?” tanong ni Kyle kay Ric. Napataas naman ang aking kilay at hinintay ko rin ang sagot nito sa aking pinsan. Nakalapit na ako sa kanila at umupo rin ako sa bakanteng couch. Sumulyap sa akin si Alaric bago siya muling tumingin sa aking pinsan at nagsalita. “M-Mahilig akong magbasa ng mga libro,” mahinang sabi ni Alaric at bahagyang napayuko. Napairap ako sa aking mga mata. Magtataka pa ba ako sa sinagot niya ngayon? He’s a nerd! Wala nga atang alam na sports ang lalaking ‘to eh. “Wow! A bookworm. Alam mo bang nagbabasa rin ng mga libro ‘tong pinsan ko?” Bigla akong nagulat sa sinabi ni Kyle ngayon. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at umiling-iling. Oh my God! Don’t you dare expose my secret to Ric! Patay talaga si Kyle sa akin— “T-Talaga? Nagbabasa ka rin ng mag libro, Vivi?” tanong ni Ric sa akin at nakita ko ang ngiti niya habang nakatingin sa akin ngayon. Napalunok ako sa aking laway at ilang segundo akong natulala sa kanyang ngiti sa akin. Bakit ang cute niya? What the heck, Vivi?! Umiwas ako ng tingin sa kanya at mabilis na umiling. “H-Hindi…. Hindi ako mahilig magbasa ng libro,” malamig kong sabi. “Anong hindi mahilig?! Sus! ‘Wag kang maniwala diyan, Ric. Marami nga ‘yang mga libro sa kwarto niya eh—mga erotic novels nga lang!” “Kyleee!” napatili ako at patakbong lumapit sa kanya pero mabilis din siyang nakaalis habang humahalakhak. “Bye, cousin! Enjoy kayo ni Ric dyan!” tumatawa niyang sabi at umakyat na sa may hagdan at tuluyan na akong iniwan kasama si Ric dito mag-isa sa may living room. “V-Vivi….” Napapikit ako sa aking mga mata at huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking sarili bago ako humarap kay Alaric. Pinilit ko na ngitian siya ngayon kahit na sobrang nahiya ako sa ginawa ng pinsan ko kanina. Bwisit ang Kyle na ‘yun! Patay ‘yun sa akin pag nakaalis na ‘to si Alaric. “Y-Yes, Ric? Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya. Humakbang siya palapit sa akin at tumigil siya sa aking harapan. Bahagyang kumunot ang aking noo ng makita kong seryoso ang kanyang tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng aking kilay. “What?” “Gusto ko lang sabihin sayo ngayon na hindi masama na magbasa ka ng erotic novels. May matututunan ka naman sa mga ‘yan eh. Kaya wala kang dapat ikahiya kung iyan ang binabasa mo,” sabi ni Ric na ikinanganga sa aking bibig sa gulat. Mapapatay ko talaga ang pinsan ko na si Kyle. Nakakahiya kay Alaric! Bwisit! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD