ONE NIGHT PLEASURE
EPISODE 5
GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.
”MAGKA-PARTNER tayo sa research paper na subject ni Ma’am Nuñeza, Vivi. Absent ka kasi nung nag-groupings si Ma’am. Kailangan din kita na ma-approach.”
Kaya pala pumunta rito si Alaric sa bahay namin dahil partner kami sa isang research. Akala ko pa naman na…. Ano ano, Vivi?! Naiinis na talaga ako sa sarili ko.
“Ikaw lang dito sa conclusion, Vivi? Tapos ako na ang bahala sa introduction at sa lahat-lahat. Pwede lang din na isang paragraph ang gawan mo ng conclusion tapos ako na ang bahala sa lahat,” sabi ni Ric habang may mga tinuturo siya sa akin ngayon sa kanyang laptop, pero ako ay nakatingin lang sa kanyang pagmumukha ngayon.
Sira ba talaga ang mga mata niya? Sayang… ang ganda pa naman ng mga mata niya. Parang may pagka-green or blue eyes si Alaric. Siguro kapag nasinagan ng araw ‘tong mga mata ni Alaric ay kitang-kita kung ano talaga ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi masyadong na a-appreciate ang kanyang mga mata dahil nakasuot siya ng makapal na salamin. Mayaman naman sila, bakit hindi niya kayang ipa-doctor ang mga mata niya?! Jusko. Isa pa naman siyang Coleman.
“V-Vivi, may problema ba sa mukha ko?”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng sabihin ‘yun ni Alaric. Oh my Gosh! Nakita niya bang nakatingin ako sa kanya? Baka mag assume siya bigla na gusto ko siya—hindi ko siya gusto!
Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at sumimangot.
“Oo, may problema nga dyan sa mukha mo. Ang pangit mo! Bakit ba ganyan ang mukha mo? Siguro ampon ka ng mga magulang mo ‘no?!” pag ma-maldita kong sabi sa kanya.
Natahimik si Ric kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakita ko siyang nakayuko ngayon at hindi ko mapigilan na ma-guilty sa sinabi ko sa kanya ngayon lang. Nakikita ko naman ang pagiging Coleman niya, pero hindi lang talaga siya marunong mag-ayos ng kanyang sarili. Ang badoy niya manamit at ang payat niya! Dapat palagi siyang sumasama sa Kuya Matthias niya para mahawaan naman siya ng kagwapuhan nito.
Sinasabi ko lang ‘to ngayon dahil concern ako sa kanya—syempre magiging brother in law ko rin si Alaric kapag kinasal na kami ni Matthias kaya concern ako.
“S-Sorry. Did I offend you?” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Muli siyang nag angat ng tingin sa akin at ngumiti—pero ngiti na hindi abot hanggang mata. Para siyang napipilitan na ngumiti sa akin ngayon.
“O-Okay lang ako, Vivi. Totoo naman kasi ang sinabi mo eh… sige, Vivi. Send ko na lang sa email mo mamaya ang part na gagawan mo ng conclusion. Aalis na ako, may kailangan pa kasi akong puntahan,” sabi ni Ric at tumayo na siya.
Hindi ako makapagsalita hanggang sa umalis na si Ric sa bahay at ako na lang mag isa ngayon dito sa living room. Napakagat ako sa aking labi at hindi mapigilan na makaramdam ng guilt sa sinabi ko kanina.
Bakit ko ba nararamdaman ‘to? Palagi ko namang sinasabihan na pangit noon si Ric at hindi ako na-guilty ng kagaya ngayon!
Ginulo ko ang aking buhok at napaisip.
Kailangan kong mag focus kay Matthias…. Iyon ang dapat ko na gawin. Hindi ‘yung nag-aalala ako sa sinabi ko kay Ric kanina. Ano naman kung nasabi ko ‘yun? Totoo nga daw ang sinabi ko eh! Sanay na rin naman siyang tawagin ko na pangit kaya bahala na siya dyan. Tama… tama. Ako lang talaga ‘tong nag o-over acting.
“May basketball game kami mamaya ni Matthias. Kung gusto mong magpabida sa kanya, pumunta ka sa game namin,” sabi ng aking pinsan na si Kyle bago kami makapunta sa school.
Agad kong hinanda ang aking sarili—nagpaganda ako at nagsuot ng magandang outfit. Sana naman ay mapansin na ako ni Matthias. Maaga pa talaga akong nagising para lang mag-ayos ng aking sarili.
“Ang ganda mo ngayon, Vivi!” sabi ng aking kaibigan na si Marianne at mabilis siyang kumapit sa aking braso.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Kanina pa lang pagpasok ko sa school namin ay nakatingin na ang lahat ng mga lalaki sa akin dahil namangha sila sa angkin kong kagandahan. Tingnan lang natin kung hindi pa ‘to umepek kay Matthias.
“Ngayon lang, Marianne?” nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at umiling-iling. “Syempre maganda ka always! Hulaan ko, manonood ka ng game ni Matthias ngayon ‘no?”
Ngumiti ako kay Marianne at sunod-sunod na tumango.
“Sasamahan mo ako mamaya manood?” tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya. “Sure! Manonood ako sa game ng pinsan mo,” nakangisi na sabi ni Marianne at kinindatan ako.
May something na rin pala ang pinsan ko na si Kyle at ang kaibigan ko na si Marianne. Mapapatay ko talaga si Kyle kapag niloko niya ‘tong kaibigan ko. Wala akong pakialam kung pinsan ko siya, ‘wag niya lang lokohin ang best friend ko.
“Woah! Go, Matthias! Three points ka sa puso ko!” sigaw ko nang maka-shoot si Matthias at naka-score ang kanyang team.
Nanonood na kami dito sa may gym ng basketball game. Kalaban ng team ng pinsan ko na si Kyle ang team ni Matthias. Kitang-kita ang inis sa mukha ng pinsan ko kapag nag che-cheer ako sa kabilang grupo. Bahala siya dyan! Pinsan ko lang siya, future husband ko naman si Matthias.
“Girl, grabe ka na talaga!” sabi ni Marianne sa aking tabi.
Tinignan ko naman siya. “Mag-cheer ka rin sa pinsan ko! Kita mo ang inis sa mukha niya? Baka kapag nag-cheer ka ay baka maka-shoot ‘yang pinsan ko, Rianne. Mukhang badmood si Kuya!” natatawa kong sabi.
Umiling-iling na lang si Marianne at tahimik na nanood sa game.
Ang team ni Matthias ang nanalo at badtrip talaga si Kyle dahil nag walkout kaagad. Nakita ko namang sinundan siya ni Marianne kaya hinayaan ko na lang ang dalawa. Mukhang may LQ kaya siguro wala sa mood maglaro ang pinsan ko kanina at natalo sila.
Ako naman ay hinanda ang aking sarili na makalapit kay Matthias ngayon. Huminga ako ng malalim at nagmamadali akong lumapit sa kanya.
“M-Matthias!” tawag ko at patakbong lumapit.
Tumigil siya sa kanyang paglalakad at humarap siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya kinabahan ako bigla.
“M-Matthias, congrats pala sa game niyo kanina! Ang galing mo talaga,” nakangiti kong sabi sabay pa-cute.
Tumango naman siya. “Thanks,” maikli niyang sabi at tumalikod na sa akin.
Akmang aalis na siya ng mahawakan ko ang kanyang kamay.
“S-Sandali lang!”
Mabilis niya namang inalis ang kamay kong nakahawak sa kanyang kamay kaya bahagya akong nagulat.
“What, Miss? Ayoko sana na maging rude sayo, pero ayokong nilalapitan mo ako,” malamig na sabi ni Matthias sa akin.
Nagsimula ng magtubig ang aking mga mata ngayon sa kanyang sinabi.
“B-Bakit?”
“I already have a girlfriend. Ayokong magselos siya dahil sa paglapit mo sa akin,” sabi ni Matthias at tumalikod na siya sa akin at naglakad paalis. Nakita ko siyang lumapit sa isang babae at inakbayan niya ito… walang iba kundi si Winter Griffin.
Mabilis akong tumalikod at patakbong lumabas sa may gym habang umiiyak.
Hindi pa ako nadala… ito na naman tayo sa patakbo habang umiiyak.
F-ck!
Umuulan sa labas. Pati na naman ang panahon ay nakikibagay sa aking nararamdaman ngayon?
Dahil gusto ko nang maalis sa may gym, tumakbo ako kahit na malakas ang ulan. Naghalo-halo na ang aking mga luha sa pagpatak ng ulan ngayon.
Nang makalayo na ako sa may gym ay sumilong na ako sa isang study shed at doon ko na na ibuhos ang lahat ng sakit na aking nararamdaman. Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak ng umiyak. Bakit kapag may gusto akong lalaki ay hindi nila ako kayang gustuhin pabalik? Gusto ko rin maramdaman na minamahal din ako.
Sawang-sawa na akong masaktan.
“V-Vivi, ikaw ba ‘yan?”
Natigil ako sa aking pag iyak at nag angat ng tingin ng marinig ko ang boses na ‘yun.
Nakita ko si Alaric sa aking harapan habang nakapayong siya. Basa na rin ang kanyang damit ngayon at may dala siyang maraming libro.
Nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang aking sitwasyon ngayon. Mabilis niyang inilapag sa may upuan ang kanyang mga dalang libro at bahagya siyang umupo sa aking harapan at binigyan niya ako ng panyo pero hindi ko ‘to tinanggap. Dahil hindi ko tinanggap ang panyo, si Ric na ang nagpunas sa basa kong mukha ngayon.
“Bakit ka ba nagpaulan? Paano na lang kung magkasakit ka? Malapit na ang exam natin kaya hindi ka pwedeng magkasakit!” sabi ni Alaric habang seryoso siya ngayon na nagpupunas sa aking basang mukha.
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko mapigilan na mapaiyak ulit. Bakit pa ba ako nagkagusto sa kuya ng lalaking ‘to? Bakit hindi na lang siya?
“V-Vivi, umiiyak ka,” sabi ni Alaric habang gulat na napatingin sa akin.
Tumango ako tuloy-tuloy pa rin ang aking pag-iyak.
“S-Sino ang nagpaiyak sayo? Anong problema? Tutulungan kita,” alala niyang sabi.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang aking mga luha sa mukha gamit ang aking kamay.
Tinignan ko siya ng seryoso at nagsalita. “Talaga? Tutulungan mo ako? Paano kung sabihin ko sayo na pinaiyak ako ng Kuya Matthias mo?”
Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata at mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin.
“W-Wala na akong laban kay Kuya,” mahina niyang sabi, pero narinig ko pa rin ‘yun.
“Gusto mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
Mabilis siyang nag angat ng tingin sa akin at napalunok siya sa kanyang laway.
“V-Vivi—”
“Sagutin mo ang tanong ko, Alaric Archer Coleman!”
Mabilis siyang tumango-tango. “O-Oo, Vivi. Gustong-gusto kita,” mahina niyang sabi at nakita ko rin ang pamumula sa kanyang mukha.
Huminga ako ng malalim at tingnan siya ng seryoso.
“Lumapit ka nga sa akin,” utos ko sa kanya.
“H-Huh?”
Tsk! Ang slow talaga.
Hinila ko ang kanyang kwelyo at inilapit ko ang mukha niya sa aking mukha at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi siya makagalaw hanggang sa inilayo ko na ang aking mukha at tingnan ko ang kanyang reaksyon. Para siyang na estatwa at hindi makapaniwala sa aking ginawa.
Bahagya akong napangiti at tinapik ang kanyang pisngi.
“Susubukan kong gustuhin ka rin pabalik, Alaric.”
Kung ayaw sa akin ni Matthias, e ‘di dito ako sa bunso niyang kapatid. Hindi pwedeng umiyak na lang ako lagi.
TO BE CONTINUED...