PLEASURE: 2

1118 Words
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 2 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “MAY gusto sayo si Alaric, Vivi. Hindi mo ba napapansin sa mga galaw, tingin, at sa pag approach niya sayo? He likes you!” sabi ng aking kaibigan na si Marianne. Hindi ko mapigilan na mapairap sa sinabi ni Marianne sa akin. “Marianne, ano ba?! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na ayoko sa lalaking ‘yun? I don’t like Alaric Archer Coleman! Ibang Archer Coleman ang gusto ko, okay? Si Matthias Archer ang gusto ko,” sabi ko sa kanya. Yes, gusto kong maging isang Coleman. Gusto kong makapangasawa ako ng isang Coleman. Pero hindi ang Coleman na si Alaric. Ipakasal na sa akin ang ibang Coleman, ‘wag lang si Alaric. “Ang harsh mo naman, Vivi. Kulang lang sa ayos si Alaric. Sigurado ako na magiging kasing gwapo rin siya ng kanyang Kuya na si Matthias,” nakangusong sabi ni Marianne. Muli akong napairap at umiling. “Hindi na gu-gwapo ang lalaking ‘yun, Marianne. Once a pangit, always a pangit!” Tumayo na ako at nagpaalam na sa aking kaibigan. Ngayon ay pupuntahan ko ang lalaking pinakamamahal ko, ang lalaking gusto kong pakasalan… si Matthias Archer Coleman. Malapit nang grumaduate si Matthias at hindi ko na siya makikita palagi dito sa campus namin dahil doon na siya sa kabila, ang hirap na niya hagilapin. Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Pumunta ako sa building kung saan ang classroom ni Matthias at pumunta na ako doon upang maibigay ko sa kanya ang aking regalo. Birthday kasi ni Matthias kahapon at hindi ko ito naibigay sa kanya kahapon ang gift dahil absent siya at mukhang may pinuntahan siya kasama ang pamilya niya sa ibang lugar dahil wala rin sila sa bahay nila. Nang makarating ako sa harapan ng classroom ni Matthias ay agad akong sinalubong ng kaklase niya kaya natigil ako sa paglalakad. “Vivi, anong ginagawa mo dito sa classroom namin?” tanong ni Bogart, kaklase ni Matthias. “Nandiyan ba si Matthias sa loob?” tanong ko. Sumilip na muna siya loob bago muling humarap sa akin at seryoso na tumango. “Oo, nasa loob nga si Matthias. Ano ang kailangan mo?” Tinaasan ko siya ng aking kilay at sinagot ang kanyang tanong. “Siya ang kailangan ko, Bogart.” Matagal siyang napatingin sa akin bago siya tumango at muling pumasok sa loob upang tawagin si Matthias. Huminga naman ako ng malalim at hinawakan ko ng mahigpit ang aking suot na sling bag kung saan nakalagay ang aking regalo ngayon. Napasilip ako sa loob ng classroom nila Matthias at nakita kong nakalapit na si Bogart sa kanya. Magkausap na silang dalawa at seryoso ang mukha ngayon ni Matthias kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba. Bahagya akong napatalon ng makita kong mapatingin sa akin si Matthias at tuluyan na siyang tumayo at naglalakad na palapit sa akin. Shit! Ito na talaga. Genevieve…. Kumalma ka lang. Ayaw ni Matthias sa mga babaeng maingay at magulo. “M-Matthias….” banggit ko sa kanyang pangalan ng makalabas na siya sa kanilang classroom. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nagsalita. “Bakit mo ako hinahanap, Miss?” tanong niya gamit ang malamig na boses. Napalunok ako sa aking laway ng tanungin ako ni Matthias. Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas sa aking pagsasalita bago ko sinagot ang kanyang tanong. “U-Uhm, ibibigay ko sana sayo ang birthday gift ko para sayo, Matthias. Alam ko na super late na nito kasi tapos na ang birthday mo—a-ah… kilala mo naman ako, diba?” natigil ako sa aking pagsasalita at napatanong sa kanya ng makita ko siyang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Para siyang nagtataka na nasa harapan niya ako ngayon habang nagsasalita tungkol sa regalo ko sa kanya sa kanyang birthday. “I’m sorry but I didn’t recognize you, Miss,” Sambit ni Matthias. Napakagat ako sa aking labi at tumango. Sabi ko nga nga ba… hindi niya ako kilala eh. Pinilit ko na ngumiti sa kanya ngayon. “I’m Genevieve Maia Echeverria, Matthias. I’m Don Rafael Echeverria’s only daughter. Magkakilala ang mga pamilya natin,” pakilala ko sa aking sarili sa lalaking matagal ko ng hinahangaan. Tumango naman siya. “Nice to meet you, Miss Echeverria.” Napangiti naman ako sa sinabi ni Matthias kahit masyado siyang formal sa akin. “Matthias—” “I’m sorry but I can’t accept your gift for me, Miss Echeverria. I can’t entertain you too. Maghanap ka na lang ng lalaking gugustuhin mo, ‘wag lang ako,” sabi niya at pumasok na siya ulit sa kanilang classroom at iniwan niya akong tulala ngayon dito sa labas ng kanilang classroom. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at mabilis na tumalikod at naglakad paalis na para bang walang nangyari… na para bang hindi ako nireject ng lalaking mahal ko. Ang paglalakad ko ay napalitan ng pagtakbo at umiiyak na ako ngayon. Ang sakit… sobrang sakit! “Vivi!” Natigil ako sa aking pagtakbo ng marinig ko na may tumatawag sa aking pangalan. Napatingin naman ako sa aking likuran at napataas naman ang aking kilay at nakaramdam ng inis ng makita ko si Alaric Archer Coleman na patakbo ng papalapit sa akin ngayon. Siya na naman?! “Ano na naman ang kailangan mo?!” inis kong sabi at marahas na pinunasan ang mukha ko na may luha ngayon. Tinignan niya ako ng seryoso kaya bahagya akong nagtaka sa kanya. “Ano?!” muli kong tanong. Bumuntong-hininga siya at nagsalita. “Vivi, wala kang mapapala sa Kuya ko. May babae na siyang nagugustuhan… at hindi ikaw ‘yun. Masasaktan ka lang nang sobra kapag nagpatuloy iyang pagkagusto mo kay Kuya Matthias.” Tinignan ko siya ng masama at hindi ko mapigilan na magalit sa kanyang sinabi. “How dare you say that to me, nerd?! Wala kang pakialam kung mahalin ko man ang Kuya mo! Bakit, gusto mo ba na ikaw na lang ang gustuhin ko, huh?!” tinaasan ko siya ng aking kilay at napangisi ako. Nanlaki ang kanyang mga mata at bahagyang namula ang kanyang pisngi. I knew it. “V-Vivi—” Hindi ko siya pinatapos sa kanyang pagsasalita. “Stop being delusional, nerd! Hinding-hindi kita magugustuhan, okay? Hindi porket isa kang Coleman ay magugustuhan na kita. I only love Matthias. You will never be Matthias.” Humakbang ako palapit sa kanya at tinignan ko siya sa kanyang mga mata na natabunan sa kanyang makapal na eyeglasses. Nakita kong maluha-luha na siya ngayon pero wala akong pakialam. “I will never like someone like you, Alaric Archer Coleman. Never.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD