PLEASURE: 1

1112 Words
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 1 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “Vivi, may girlfriend na si Matthias! Hindi ka na niya papansinin. Hindi mo siya magiging boyfriend.” Matalim kong tiningnan ang aking kaibigan na si Marianne. Panira rin ang babaeng ‘to eh. Ang ganda na ng araw ko pero sinisira niya lang. “Alam mo, wala ka na talagang nagawang tama eh! Pwede bang maging kakampi naman kita kahit isang araw lang?!” inis kong sabi sa kanya. Humahalakhak siya at kumapit siya sa aking braso. Inis ko naman siyang tinignan. “Ano ba? Galit ka naman kaagad diyan! Alam mo naman na mas maganda ka doon kay Winter Griffin na ‘yun eh. Sigurado akong makukuha mo rin si Matthias,” nakangiting sabi ni Marianne. Napa buntong-hininga ako at muling pinagmasdan ang aking nag-iisang crush na si Matthias Archer Coleman habang naglalaro ng basketball. Matanda siya sa akin ng dalawang taon pero hindi ito naging hadlang para magkagusto ako sa kanya. Hindi lang ako ang babaeng nagkakagusto sa kanya, marami kami at isa na dito si Sarah Del Junco na mas bata sa akin ng tatlong taon. Paano ba ako mapalapit kay Matthias? Gustong-gusto ko talaga na mapalapit sa kanya pero wala akong close o kaibigan na Coleman! Ang hirap naman kasing lapitan ni Lucianna dahil palagi niyang kasama ang boyfriend niya na si Gabriel Nathan Generoso. Maldita rin siya kaya walang kaibigan. Wala rin ako sa mood na makipagkaibigan sa ibang Coleman na babae dahil si Chantal ay busy sa pagiging ballerina at si Alessandra naman ay mahirap din maging kaibigan dahil maldita rin. Nakakainis! Nagiging desperada na talaga ako. Kailangan ko na talagang mapalapit kay Matthias dahil gagraduate na siya sa high school at ang layo na niya sa akin. Ngayon na pareho pa kaming high school student, kailangan ko ng gumawa ng paraan para mapalapit ako sa kanya. “Vivi, oh my gosh! Papalapit sa atin ngayon si Alaric.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan na si Marianne. Sinundan ko naman ang kanyang tingin at hindi ko mapigilan na mapairap ng makita ko kung sino ang lalaking papalapit sa amin ngayon. Walang iba kundi si Alaric Archer Coleman. Yes, another Coleman! At kapatid siya ni Matthias na crush na crush ko. Pero hindi siya kagaya ng ibang Coleman. Itong si Alaric ay isang nerd! Isang pangit na Coleman—I don’t like him! Ang dami niyang pimples at may malaki at makapal pa siyang eyeglasses na suot sa kanyang mata. Hindi siya marunong magbagay ng kanyang mga susuotin. Ang badoy niya talaga! “V-Vivi,” nauutal niyang banggit sa aking pangalan ng makalapit na ito sa amin ngayon ni Marianne dito sa kinauupuan namin na bench. Napatingin ako kay Ric at tinaasan ko siya ng aking kilay. “Ano na naman ang kailangan mo, nerd?! Diba sabi ko sayo na ‘wag mo na akong guluhin!” maldita kong sabi sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha nang sabihin ko iyon sa kanya pero hindi ako naaawa. Ayoko sa kanya! Ayoko sa mga makulit na kagaya niya. “G-Gusto ko lang naman na itanong sayo kung kailan natin gagawin ang project natin na magkasama? Next week na kasi ang deadline nun kay Miss Manansala eh,” mahina niyang sabi habang hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata. Totoo ba talaga na isa itong Coleman si Alaric? Baka ampon lang ito ni Tita Isabelle at ni Tito Luke?! Sa lahat ng Coleman na nakilala ko ay si Alaric lang ang pinakapangit sa lahat—siya lang ang pangit. He’s also weak na mas lalong ayaw na ayaw ko. Tinaasan ko siya ng aking kilay. “Bakit mo ako tinatanong niyan? Diba matalino ka naman? Gawin mong mag-isa! Alam mo naman na hindi ako magaling sa subject na math eh,” inis kong sabi sa kanya. “P-Pero ang sabi ni Ma’am ay kailangan nating magtulungan—” Tinignan ko siya ng masama. “Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko, hindi ako marunong! Wala rin naman akong matutulungan diyan eh. Ikaw na ang gumawa niyan,” inis kong sabi sa kanya. Matagal siyang hindi nakakapagsalita ulit. Nakatingin lang siya ngayon ng seryoso sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. “Anong tini-tingin mo diyan? Galit ka sa akin?” Mabilis naman siyang umiling at umiwas ng tingin sa akin. “H-Hindi ako galit sayo, Vivi. Sige… ako na ang gagawa sa project natin. Isusulat ko na lang ang pangalan mo pagkatapos,” mahina niyang sabi. “Ayan naman pala eh! Binubwesit mo pa ako. Sige na, umalis ka na! Pinapanood ko pa si Matthias na maglaro ng basketball,” sabi ko at muling tinignan si Matthias na naglalaro ngayon. Napahiyaw naman ako ng makita ko siyang napa shoot. Ang galing talaga ng baby loves ko! “H-Hindi ka mapapansin ng kuya ko. May babae na siyang nagugustuhan….” Nawala ang aking ngiti sa mukha nang marinig ko muling magsalita si Alaric. Malamig ko siyang tinignan at tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ka aalis? Umalis ka na!” hindi ko mapigilan na mapataas sa aking boses sa sobrang inis sa kanya. Yumuko naman siya at tahimik na umalis. Nang mapalayo na si Alaric ay narinig kong nagsalita si Marianne na kanina pa tahimik dito sa aking tabi. “Vivi, ang harsh mo naman kay Alaric. Baka nakakalimutan mong isa siyang Coleman? Mas mayaman siya sa iyo,” seryosong sabi ni Marianne. Napairap naman ako at bumuntong-hininga. “Wala akong pakialam kung mas mayaman man siya sa akin, Marianne. Ayoko sa kanya.” Ngumuso si Marianne habang nakatingin pa rin sa akin. “Pogi naman si Alaric, Vivi. Kulang lang talaga siya ng makeover eh,” sabi niya. Tinaasan ko siya ng aking kilay. “May gusto ka ba sa pangit na ‘yun?” tanong ko sa aking kaibigan. Napaismid si Marianne at nagsalita siya. “Wala akong gusto sa kanya, Vivi. Ang akin lang ay hindi naman ata deserve ni Alaric na tarayan mo palagi. Mabait naman siya sayo. May gusto siya sayo! Diba gusto mong maging Coleman? Baka si Alaric na talaga ang lalaking para sayo, Vivi,” sabi ni Marianne na muli kong ikinainis. “Oo, gusto kong maging isang Coleman. Pero si Matthias ang gusto kong mapangasawa na Coleman at hindi si Alaric! Hinding-hindi ko magugustuhan ang nerd na ‘yun—never!” nakasimangot ko na sabi. Mataas ang standard ko ‘no! Hinding-hindi ako magkakagusto sa pangit na katulad ni Alaric. Darating din ang araw na magsasawa siya sa pagkagusto niya sa akin dahil tatarayan ko siya ng bonggang-bongga. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD