Walang patid ang luha na pinupunasan ko habang nakatingin sa kasal ni Beatriz at Francis. They are my friends since we were in high school. I love them both at best friend ko silang pareho. Pero now they are happily going to live their lives together.
"Ano ba naman yang iyak mo Al, hindi na natapos. Kanina pa yan sa simbahan. Patapos na ang kainan natin hindi ka pa rin matigil." Natatawang binato ni Gwyneth ang tissue box sa akin.
"Alam mo, sis. Baka isipin ng ibang bisita na ex mo yang si Francis at inagaw lang ni Bea sa'yo. Iyak ka kasi nang iyak." sundot naman ni Mia.
Inirapan ko silang dalawa. Anong magagawa ko? Ayaw tumigil nung iyak ko. Pwede ko bang sabihin sa eyes ko na stop na? Andami ko kayang liquid sa katawan.
"Yayain mo na rin kasi si Enrique na pakasalan ka. Malay mo matauhan yang jowa mo," aniya sa akin.
I shook my head. "Ayaw niya nga magpakasal pa." sagot ko sa kanila
"Lugi pa ba siya? Limang taon na kayo! Napakilala ka na niya sa magulang niya pati sa mga kapatid niya. Sis, kasal na lang kulang sa inyong dalawa!" dagdag ni Gwyneth.
Padabog akong kumuha ng tissue at dinampi sa mata ko. I should text Enrique now. Hindi pa siya nagpaparamdam sa akin matapos pumunta sa Baguio with his friend.
I don't say bawal naman sa kanya kapag may gusto siyang gawin sa life niya. Kaya nga kahit paglabas niya with his favorite friend na si Yen ay hindi ko pinagbabawalan.
"Nasa Baguio pa siya with Yen." sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan yung dalawa at sabay na tumawa. "Naniniwala kang as a friend lang yung dalawang iyon?" tanong ni Gwyneth sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Oo naman. They are good friends kaya," sagot ko.
Umiling si Mia sa akin at inusog pa ang upuan palapit. "Al, antagal na kitang kaibigan pero ngayon ko lang nalaman na bobo ka pala pagdating sa love life?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung bobo ako, edi hindi sana kami umabot ng five years ni Enrique!"
"Iyon na nga. Five years ka ng tanga sa kanya. Anong malay mo at hindi lang pala pamamasyal ang ginagawa nung dalawa sa Baguio. Baka may torjakan na nagaganap sa kanila," ani naman ni Gwyneth.
My brows furrowed sa sinabi nila. "What's torjakan?" tanong ko sa kanila.
"s*x!" makapanabay nilang sabi sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa kanila tsaka tumayo. "No. Enrique will never do that, girls." sabi ko sa kanila.
I trust him more than my family! Hindi niya ako lolokohin kahit kailan.
"Sis, kahit ang pinakamabait na tao sa mundo nagkakasala. What more pa yang boyfriend mong hindi ka man lang maalok ng kasal? Wag ka ngang dumb!" sabi sa akin ni Mia.
I held both end of my gown bago ako nagmamadaling lumabas ng reception. Kumakain pa naman ang mga tao na naroon kaya they won't even notice ang pagkawala ko.
Naupo ako sa isang bench na naroon. I took out my phone to stalk them both. Hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Enrique sa akin. I tried to call him pero cannot be reach siya.
I sent him a text message at ang bait ko pa sa mensahe ko sa kanya.
Hi, hon. How's Baguio? I hope you're having fun out there. Call me if you're not busy na.
That's what I texted to him. Pero wala pa ring message or call back man lang akong nabasa. I'm sure na delivered ang status ng message ko at nakita ko rin na na-seen niya pero walang sagot!
Fear consumed me.
I opened my co-webs social media account. I barely post there dahil busy ako sa trabaho ko as fashion designer. Mayroon akong team na naghahandle ng social media account for my clothing line kaya hindi na talaga ako nagbubukas ng personal account ko. The last post I have had there was four years ago pa! Kahit nga ang profile picture ko ay hindi updated.
I typed the name of Yen dahil friends kaming dalawa sa f*******:.
I scan her post immediately and my heart almost dropped sa nakitang sweet na photos nila ni Enrique.
With my person
That was caption sa isang photo nila together. They were so sweet dahil magkahawak kamay pa silang dalawa.
So ano ako?
Sabit or decoration lang.
"Baka naman dahil best friends sila." bulong ko sa sarili. Iyon ang pinaniwala ko sa sarili ko habang tinitignan pa ang mga post ni Yen na may tag kay Enrique.
Should I be worried now?
Best friend ko rin naman si Francis pero hindi naman ako nagpost ng kahit ganito tungkol sa kanya. Respeto kay Bea na girlfriend niya.
And Yen knows that I'm her best friend's girlfriend!
Strawberry ice cream and picking with my person.
Iyon ulit ang isang caption sa picture nilang dalawa habang nasa strawberry farm sa Baguio. Kumunot ang ulo ko sa nakitang kwintas na suot ni Yen. Isinama ako ni Enrique noon sa isang jewelry shop at sabi niya ay ireregalo daw niya yung kweintas na iyon kaya Tita Joanna na mommy niya.
Ako ang bumili nun! Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko! That cost me ten thousand pesos dahil sa original gem stone na nakalagay sa pendant!
Gusto kong maiyak habang tinitignan iyon. Hindi ako mahilig mag-open sa social media account and hindi rin ako mahilig makialam sa mga chat logs niya. I value his privacy and life after all.
Kinagat ko ang labi ko and tried to call Victor, one of Dad's private security guard. He was my friend ever since at ninang din ako ng mga anak niya.
"Hey Vic...sorry to disrupt you. But I really need your help now," simula ko sa kanya.
"Sure Al. Name it," sagot niya sa akin.
"Can you track someone for me. I'll send his deets to you and I need the result right now." sabi ko sa kanya.
He agreed and sinend ko kaagad ang deets ni Enrique sa kanya. The last post that Yen had that they were in Baguio was two days ago. Ibig sabihin ay nasa Manila na ito dahil ang latest post nito ay ang biyahe nila sa Manila and that was yesterday pa.
Please...let my hunches be wrong. I don't think, I can handle a mistrust issue right now. I have so much in my plates now.