A/N: Happy New Year! And welcome to the first installment of Sky Series. Sana po ay magustuhan ninyong lahat. :) Enjoy the wild ride.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tequila, STAT!"
Iyak lang ang ginawa ko habang nakatingin sa shot ng tequila na nilalapag nina Mia at Gwyneth sa harap ng bar counter.
We went to a bar para daw makalimutan ko yung ginawa ni Enrique sa akin. Pero hindi ko kaagad makakalimutan iyon. Para siyang movie na paulit na nagrereplay sa utak ko. How could he do that to me?
Nagkulang ba ako sa girlfriend niya?
Kahit hindi na nga niya kailangan binibigay ko sa kanya. Virginity na lang ang hindi ko pa maibigay sa kanya. I told him to wait until we are married pero hindi siya makapaghintay!
Sabi niya ay kaibigan lang niya si Yen. Naniwala ako doon kahit alam kong mukha akong tanga na hindi dapat maniwala.
Mahal ko siya e. Ganun talaga kapag mahal.
"Pangit ba ako?" bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig ng dalawang katabi ko.
"Tumigil ka na nga diyan, sis. Alam mo sayang ang luha mo kung yung kupal lang na iyon ang iiyakan mo. Wala siyang silbi! Wala siyang balls!" malakas na sabi ni Gwyneth sa akin.
Ang lakas kasi ng tunog sa loob ng bar at ang nakabubulag na liwanag ang nakikita ko.
I cried loud this time. He was my first boyfriend and I thought he would be my last boyfriend pero hindi! Handa na akong yayain siya ng kasal kahit ako ang babae. Handa na akong ipakilala siya sa pamilya ko kahit alam kong hindi naman siya matatanggap ng mga iyon.
"Anong walang balls? Nakita nga natin na mayroon. Kaya nga nakikipag-s*x sa best friend kuno niya." sabat naman ni Mia sa gilid ko.
I cried while listening to her. Ang sakit para sa akin na makita silang ganun. Ang laki ng tiwala na binigay ko sa kanya tapos sisirain lang niya ng ganun lang?
"Kaya hindi ako naniniwala na as a friend lang sila. Sus! Alam na alam ko yang ganyan. Ganyan din yung ex ko na si Raymond. Sabi niya as a friend lang sila nung malanding si Fin na iyon pero may sundutan na palang nagaganap! Yang mga ganyan dapat binabaon sa lupa!" sabi pa ni Gwyneth.
"Tama! Tama! Tignan mo na...At least nagising ka kaagad sa katotohanan na gago yung Enrique na iyon. Kaya hindi kami naniniwala nila Bea diyan sa lalaki na iyan. Tignan mo kapag nalaman nila Francis yun magagalit pa yung mag-asawa na iyon, " sagot ni Mia.
I harshly wiped my tears away tsaka ko nilagok ang tequila na nasa harapan ko. Gumuhit kaagad ang pait at init sa lalamunan ko pababa sa dibdib ko. Kinuha ko pa ang nakahilerang shot glass at sunod-sunod na nilagok iyon.
Manhid na ata ako sa init at pait na dulot nun dahil bagsak lang nang bagsak ang luha sa mga mata ko.
Ang sakit talaga.
"Huwag niyo na sabihin sa kanila." sagot ko sa dalawa.
Kakakasal lang nung dalawa tapos problema agad ang ibibigay ko. Kaya ko namang solusyunan ang problema ko ngayon. Nakakahiya na nga na umalis kami sa kasal nila tapos ibubungad ko pa agad ay problema.
Tinapik naman ni Mia ang likod ko. "Don't cry na Al. God! Ang ganda mong yan iiyakan mo yung mukhang ipis na lalaking iyon?" pagpapakalma ni Mia sa akin.
I chuckled then turned to her...to them.
Kung wala siguro ang mga kaibigan ko ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung wala sila kanina ay baka kung ano-ano lang ang sinabi ko sa hayop na iyon.
"Pero seryoso, mars. Ang dami mong binigay sa lalaking iyon ah. Bawiin mo lahat." ani ni Gwyneth sa akin.
Bahay, kotse, damit, relos, sapatos, pati na rin pera. Lahat iyon binigay ko sa kanya.
Walang-wala siya noong una ko siyang nakilala. Pinaramdam niya sa akin na kamahal-mahal ako kaya kahit papaano ay gusto kong gantihan iyon. Binigyan ko siya ng bahay na tutuluyan niya dito sa Maynila.
Gusto kasi niya na magtrabaho dito and ako pa ang humanap ng trabaho para sa kanya. Gusto niya na maging maganda ang tingin sa kanya ng mga magulang ko kapag nagkakilala sila.
Kilala niya ang pamilya ko kaya gusto niya sanang i-impress sina Mommy at Daddy kahit hindi naman dapat.
"Sugar mommy ka ata, Al. Baka gusto mo rin kaming budburan ng pagiging asukal mo." Humahagikgik na sabi ni Mia sa akin.
"He needed that sabi niya. Sabi niya kasi kailangan daw niya iyon para bago harapin ang mga magulang ko---"
"Negative!" makapanabay na sabi ng dalawa.
Tinignan ko silang dalawa. "Hinding-hindi tatanggapin ni Tito Luther yung lalaking iyon tapos may ganyan pa pala na ikaw ang nag-provide ng lahat? Bakit hindi mo kami sinabihan, Al. Alam na alam namin ang likaw ng bituka ng ganung lalaki." galit na tugon ni Gwyneth sa akin.
Nagbagsakan ulit ang luha sa mata ko. Ganun ba ako katanga talaga? Wala naman akong ibang hinahanap kung hindi ang tunay na pagmamahal.
Enrique made me feel that. Pinaramdam niya sa akin na kamahal-mahal ako kaya kahit alam ko sa sarili ko na hindi lang pagkakaibigan ang pwedeng mayroon sila ni Yen ay tinanggap ko.
I have been hopeless romantic ever since and I know na mali ako sa parteng iyon.
Naghahanap ako ng pagmamahal sa ibang tao dahil hindi ko maramdaman iyon sa pamilya ko.
"Tama na nga yan, Gwy. Hayaan muna natin siya na isipin niya yung nangyari. Huwag na natin ipukpok pa sa kanya." ani naman ni Mia.
Dinala nila ako sa bar na ito para makalimot. Kahit nakasuot pa kami ng damit pang bridesmaid ay ayos lang. I don't care kung tinitignan kami basta ang sa akin ay makalimot ako. Gusto kong makalimutan ang lahat ng nangyari ngayong araw.
"You know what...let's dance!" yaya ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko na sila inintay na sumagot at bumaba na sa high chair. My head spun around pagkababa ko. Parang alon ang nilalakaran ko maging ang mga tao. The sounds were already muffled to my ears pero wala na akong pakialam doon.
I want to dance.
I want to forget everything that happened to me.
Gusto kong makalimutan ang lahat.
"Woooh!" sigaw ko sa dance floor kahit alam kong pinagtitinginan ako nga mga tao.
Who would've dance na naka-gown pa? No one but us!
I saw my friends dancing in front of me. Ako na rin siguro ang may maraming nainom kaya kinakailangan nilang i-guide akong mabuti.
Wala na akong pakialam kung mukhang tanga akong sumisigaw habang sumasayaw ng kung ano. Hindi ako marunong sumayaw kaya bahala na.
Baka sa ganitong paraan ay magawa kong makalimot kahit papaano.
Wala naman ang makakakilala siguro sa akin doon. At hindi rin naman siguro ako magiging laman ng headline bukas. Katakot-takot na sermon ang mangyayari sa akin kapag ganun.
Just imagine anak ng Senate president nahuling sumasayaw sa bar ng naka-gown. Kapatid ng congressman at mayor ng Sorsogon nahuling nagwawalwal.
The thought sent me to delirious mode. Para akong sinapian ng masamang spirit at sumayaw nang sumayaw. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa sumakit na ang lalamunan ko sa kasisigaw.
A man came forwards and grind himself behind me. Hindi ako inosente para hindi malaman ang gusto niya. His hand crept into my stomach, making circles on it. Napangisi ako sa ginagawa niya. I grind my behind on his kaya naramdaman ko ang paglaki niya doon.
Oh! So ito ang epekto ko?
Nakaramdam ako ng kakaibang init habang gumagalaw ang lalaki sa likuran ko. He's moving his body closer to me, umaakyat din ang kamay niya mula sa tiyan ko hanggang sa ilalim ng dibdib ko.
"Do you want to take it in private?" He whispered in my ear.
Tatango na sana ako ng hilahin ako ni Gywneth at Mia, "Be gone evil!" sigaw nilang dalawa sa lalaki.
Umalis naman ito kaya naiwanan ako. I feel so hot naman na kaya nagtataka ako kung bakit kailangan pa nilang paalisin yung lalaki. Masama ang tingin na pinukol ko sa kanila pagkahila nila sa akin para makabalik sa pwesto namin kanina.
"Bruha ka! Dinala ka namin dito para uminom at hindi para makipag lampungan sa lalaking may STD!" sigaw ni Mia sa akin.
I squinted my eyes to her. Blurry and hazy na ang vision ko. Wala na ako sa sariling katinuan. Ang dami naman kasing tequila ang nainom ko. Hindi ako sanay.
Bwisit kasi yang si Enrique na yan. Hindi pa ako tapos sa damuhong iyon. Gaganti pa ako sa kanya.
"How did you know that he has STD?" tanong ko sa kanya.
"Laman ng bar lagi yang lalaki na yun. Mabuti nga at nahanap ka namin kaagad kung hindi ay baka kung saan ka na niya dinala." sagot ni Mia.
"Uuwi na tayo, Al. Baka mag-alala si Tito Luther kapag---"
I stopped Gwy from speaking those words. Walang mag-aalala sa akin. They don't care kung nasaang lupalop ako ng bansa o mundo basta ang alam nila ay humihinga pa ako. Napagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa pamilya ko na wala ng ibang ginawa kung hindi ang husgahan ako.
"I'm a nobody, girls. They won't even budge kahit mamatay ako sa harapan nila! They only care about is their power to hold me. Galit pa rin sila sa akin kasi I'm not a politician like them!" malakas na sabi ko.
Yeah, tequila's consuming me already.
Wala ng filter ang lumalabas sa bibig ko. I might regret it tomorrow pero ayos lang basta mailabas ko lang ang gusto kong sabihin dahil sobrang bigat na niya sa dibdib ko. Hindi ko na kaya pa.
"I could die and they won't cry at all. That's how much they hate me. Si Mommy? She only cares about Ate LJ, Kuya Sorrel, and Kuya Cedar. Hanggang three lang ang anak niya. I'm not her daughter because I'm not a politician like them!" sigaw ko.
Tears rolling down from my eyes.
My friends knew my life. Alam nila ang struggles ko para mapatunayan kong worth it ako sa pagmamahal at attention ng family ko.
Alam na alam nila iyon.
"My father! That man! Mula ng mag-aral ako hindi man lang siya umakyat ng stage sa akin. Kahit naka-graduate ako as Magna c*m Laude, hindi man lang siya naging proud sa akin. He never put a medal on my neck because of what? Because I'm a failure...a big disappointment kasi hindi ako politician! Damn those politicians! They would steal people's money and act like high and mighty! I hate them! I hate my family! I hate Enrique for making me believe na ako lang ang mahal niya but guess what...he's f*****g his girl best friend behind my back!"
Wala na akong pakialam kung tinitignan na ako ng mga tao. Ang gaan kasi sa dibdib kapag nailalabas ko na lahat.
I cried after spilling those words.
Ang sakit-sakit sa dibdib.
"Just because I wanted to preserve myself for our wedding night? Screw that idea! I will have s*x tonight at hinding-hindi siya ang makakakuha ng virginity ko. I'd rather risk having s*x to a stranger than to a cheater like him!" malakas na sabi ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na maang na nakatingin sa akin. They know na nasasaktan ako. I cried again and Gwyneth wrapped her arms.
"Shh...Don't cry, Amara. You can find someone else better than that jerk and your family problem... we will help you solve that." bulong niya sa akin.
Kulang ba ako? May mali ba sa akin para ituring akong basura ng pamilya ko? Nang boyfriend ko? I'm doing my best para ipakita na karapat-dapat ako kahit hindi ako pumasok sa larangan na gusto nila para sa akin.
Wala sa politika ang puso ko.
My friends allowed me to drink habang binibigyan nila ako ng space. They were at the dance floor at sabi nila ay babalik sila sa akin mamaya pagkatapos ay uuwi na kami. I agreed to them. I want an alone time anyway.
"You're drinking too much. Parang hindi maganda babaeng katulad mo ang uminom ng sobra." sabi ng lalaki sa gilid ko.
I turned to him and pointed myself, "Are you talking to me?" tanong ko sa kanya.
My visions getting blurry even more. Hindi ko na halos maaninag ang mukha niya. But his deep baritone voice sent me to another dimension. Parang ang sarap niyang pakinggan magsalita.
"Yes..." He replied.
I chuckled, "Stop flirting. I'm not interested." sagot ko sa kanya.
"Am I flirting?" tanong niya sa akin sabay agaw sa shot na hawak ko at mabilisang ininom iyon.
"Hey, that's mine." sabi ko sa kanya tsaka ako nagtangkang agawin yung walang laman na baso sa kanya.
His hands felt so warm in my cold and expose waist. Napatingin ako sa kanya. All I can see clearly is his serious eyes. Para niya akong hinihipnotismo.
Lumayo ako sa pagkakahawak niya. "What are you up too?" tanong ko sa kanya.
"I heard that you want s*x tonight. I can give you s*x for free." dire-diretsong sabi niya sa akin.
Para naman akong nabulunan sa sinabi niya. So he heard. Yeah, obviously anyone near me can hear yung sinabi ko. But I won't take back my words. Sinabi ko iyon dahil alam kong iyon ang magpapagaan sa dibdib ko.
"So?" tanong ko pa.
"Let's have s*x. Don't worry, I'm clean as white paper. Wala akong sakit." sagot niya.
I chuckled before taking another shot of tequila with me.
"I don't know your name." sabi ko sa kanya.
The man leaned forward, "Hunter." bulong niya sa akin.
The heat from his breathe sent shivers through my body. Nakaramdam ako ng paggapang ng kilabot sa katawan ko.
Lumayo siya sa akin at inayos ang nagulo kong buhok. "And you are?" tanong niya.
"Amara." sagot ko.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa kanya. Pero kasabay nun ay unti-unting paggapang sa sarili ko ng pagpayag.
"So? Do you want to have s*x with me?" tanong niya habang nakangisi.
"What made you think na I want to have s*x with you?" tanong ko sa kanya.
"Because I heard you and I'm the only one who can offer that to you. I'm cleaner than what you thought." sagot niya sa akin.
I sighed before looking at him. Inabot ko ulit ang shot glass ng tequila at ininom ko iyon.
"I...I need a paper. Let's draw a contract." anunsyo ko bigla. Tinawag ko ang bartender at nanghingi ng tissue at humiram ng ballpen sa kanya.
Hunter leaned closer to me, nakahawak ang kamay niya sa likuran ko, tracing my spine. Hindi ko alam kung bakit umabot ako sa ganito pero habang nakatingin sa kanya ay wala akong naramdamang takot.
I want this.
"What I need is a f**k buddy, not a one night stand offer. Would you like to be my f**k buddy then?" tanong ko sa kanya habang sinusulat doon ang kung anumang lumalabas sa utak ko.
"Oh! Such a dirty word for a virgin like you...Sure, baby. Let's do that. I want you also...hindi lang isang gabi." Bulong niya sa akin.
Mas nakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa kanya. Sinasabi ko ba talaga ang mga salitang iyon? Parang hindi magandang pakinggan sa akin.
"This contract is good for six months. We'll make a proper contract tomorrow. Ayos lang ba?" tumingin ako sa kanya.
Dahil sa sobrang lapit naming dalawa ay nagtama ang ilong namin. I hitch my breath when his lips descended on my liips.
Hindi ko alam ang tamang gagawin. Hindi ako marunong humalik! Hanggang halik sa pisngi lang ang naibibigay ko kay Enrique noon pero ang lalaking ito...iba.
Parang may sariling isipan ang labi ko na ginaya ang ginawa niyang paghalik sa akin. He sucked my lower lip after biting it lightly. Napahawak ako sa balikat niya habang ang kamay niya ay unti-unting tumataas sa batok ko.
He pushed his tongue inside my mouth tasting every corner of my mouth.
Nawalan ata ako ng pakialam sa paligid dahil sa halik na iyon. Bumitaw lang siya at napatingin sa akin. He wiped the side of my lips.
"Sweet." saad niya habang nakatingin mabuti sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang nag-trigger pero nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan ko matapos ang halik namin na iyon.
His lips taste so sweet. Wala akong nalasahan na alak o amoy sigarilyo man lang.
I pursed my lips before looking back at the tissue paper in front.
"Whatever you want baby. I'll go for it." sabi niya sa akin matapos patakan ng halik ang balikat ko.
I listed the do's and don'ts. Alam kong baguhan lang ako sa ganitong larangan pero nasulat ko kaagad iyon. Lima lang ang nakalagay doon at hindi ko alam kung paano sila pumasok sa isipan ko.
1. Strictly no cuddle after s*x.
2. We can date anyone we want. No strings attached to us.
May kanya-kanya kaming buhay bago nagkakilala kaya hindi ko siya dapat hawakan and so he is.
3. No concatreptive but I'll take pills.
Sabi kasi ng mga kaibigan ko na mas masarap ang s*x kapag walang condoms. I want to experience that. I'll just take pills na lang. Gusto ko ring mag-ingat at ayoko pang makabuo ng bata kaagad.
4. We have no holds to each other, I can call you whenever I want to have s*x and you have to oblige to that. No pressure.
5. This contract is strictly good for six months. After six months of being satisfied with each other we can either continue this or cancel this contract.
Inabot ko sa kanya ang tissue paper. Pinasadahan naman niya iyon bago inabot ang ballpen at pumirma doon tsaka niya binalik sa akin. Pinirmahan ko rin kaagad iyon.
"Do you have any objections?" tanong ko sa kanya.
He grinned, "No, ma'am. But I want to add one more thing sa listahan." sabi niya sa akin.
I frown before giving back the tissue to him. Sinulatan naman niya iyon bago binalik sa akin.
Sex anywhere as long as I'm with you. We won't regret what will happen to us.
I arch my brow while reading it. Iyon lang naman ang habol namin sa isa't isa. s*x.
"Do we have to notarize it baby?" natatawang tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya bago lumingon. Pinasadahan ko ng tingin ang papel ulit. Nakasulat doon ang buong pangalan niya, Pierce Hunter Sevilla, what a manly name for a man like him.
He offered his hand to me this time. "Shall we go, Amaranthine?" tanong niya sa akin.
Walang ibang salitang inabot ko naman sa kanya ang kamay ko matapos kong maglapag ng pera sa ibabaw ng bar counter. Hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko pero wala sila.
Hunter held my hand tightly bago ako giniya palabas ng bar.
Yeah, regret is not for me. It has no room for me tonight.
This time. I just want to experience good thing dahil marami na masyadong masasama ang nangyari sa akin.