19

3519 Words

Mabigat ang katawan na gumising ako ngayong umaga. Pagbangon ko pa lang ay naramdaman ko na ang pagbaliktad ng sikmura ko. Agad akong tumakbo sa banyo para ilabas lahat ng iyon. Parang hinahalukay ang sikmura ko habang nilalabas ko sa toilet ang kinain ko kagabi. Naiiyak na napasandal na lang ako pagkatapos. Mariin kong pinikit ang mata ko bago sunod-sunod na nagbuntong hininga. Lumapit ako sa bathroom sink para maghilamos at magsipilyo. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Halata masyado ang pagiging stress ko sa mga nakaraang linggo. Naghalo-halo na talaga ang nasa isipan ko. Ilang beses akong nagtangka na kausapin si Hunter. Ilang beses kong pinilit ang sarili ko na humingi ng tawad sa kanya pero nakikita ko pa lang siya na nakangiti sa harapan ko ay naiiyak na ako kaagad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD