Chapter 7: Parents’ Agreement

1216 Words
ILANG ORAS nang nasa loob ng opisina niya si Eros ngunit wala pa siyang nagagawa sa lahat ng kaniyang dapat trabahuhin ngayong araw. Wala siya sa wisyo at lalong wala sa trabaho sa opisina ang kaniyang isip. Nakatulala siya sa kawalan at iniisip ang nangyari sa kanila ng babaeng iyon. Malalim siyang napapabuntong hininga habang kagat-kagat ang isang ballpen. “Anong ginawa ko?” tanong niya sa sarili habang malinaw na naalala ang hitsura ng babae bago siya umalis sa penthouse ni Yuri. She’s crying, and thought he raped her. Ngunit alam niya sa sariling hindi niya iyon ginawa. Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil bahagya pa ring nananakit iyon ngunit kailangan niyang pumasok sa trabaho. Kaya nga lamang ay pumasok nga siya ngunit wala namang nasisimulan. Naisipan niyang magpadala ng kape sa kaniyang sekretarya. Tinawagan niya ito at iniutos ang kaniyang kape pagkatapos ay napatungo siya sa ibabaw ng kaniyang lamesa. “Oh, God. What should I do? I can’t forget those eyes,” wika niya sa sarili dahil patuloy siyang ginugulo ng malulungkot na mga mata ng babae hanggang ngayon. Tumunog ang kaniyang cellphone at walang gana niya iyong sinagot nang hindi tinitignan ang caller. “What?” bungad niya sa kung sino man. “Eros, it’s me your mom. Anong ‘what’ ka d’yan?” Diretso siyang napaupo nang marinig ang boses ng ina. Naka-high nanaman ang volume nito. “I’m sorry mom, hindi ko tinignan ang caller. Anyway, good evening. Why a sudden call?” “Nasaan ka?” “Nasa opisina, Mom. Why?” Sapo-sapo niya pa rin ang sintindo. “Your dad inviting you for a dinner tonight. Mayroon kaming ipakilala sa ‘yo. Umuwi na kasi sa Pilipinas ang friend ng dad mo, and mayroon tayong mahalagang dapat na pag-usapan.” Kumunot ang kaniyang noo. Ano naman kaya iyon? At sinong kaibigan ng kaniyang ama ang tinutukoy nito. “Do you remember your Uncle Nick?” Lalong dumami ang guhit sa kaniyang noo. Inalala niya ang taong tinutukoy ng ina. “Ang dad ng kambal na classmate noon nina Nash at Crescent. Kakauwi lang daw nila sa Pilipinas pero ‘yong babae niyang anak matagal nang nasa Pilipinas. Naku, nakakatuwa dahil magkikita-kita tayo ulit. Maniwala ka sa hindi ang laki ng ipinagbago ng mga anak niya, parang ang kambal na kapatid mo lang,” nagsimulang magdaldal ang kaniyang ina patungkol sa mga ito. Patuloy itong nagkukwento at nakikinig lamang siya. Sa wakas ay naalala niya na ang taong tinutukoy nito ngunit ano naman ang pakialam niya? “Who cares kung narito na sila?” “Eros!” Malalim siyang bumuntong hininga. “I’m not sure, Mom, kung makakarating ako. I still have a lot of works to do.” “No, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Kailangan mong pumunta or else...” “Fine, Mom, fine.” Wala na siyang nagawa, napapayag na lamang datapwat labag sa loob niya. Kakaiba kasi ang ina, talagang hindi ka makakahindi sa oras na sabihin nito ang salitang ‘or else’. Panigurado kasing hindi mo magugustuhan ang gagawin nito kapag hindi ka sumunod. “Importante para sa ‘min ng dad mo ang dinner na ‘to, at ganoon din para sa ‘yo. Kailangan mong magpunta, we have special announcement. Maliwanag ba?” “Yes, Mom.” Pagbaba niya nang cellphone ay mas lalo yatang nanakit ang kaniyang ulo. Pansamantala niya itong sinilent upang hindi maabala. Dumating ang kaniyang sekretarya at kaagad niyang pinapasok. Ibinaba nito ang kape saka nagpaalam umalis. Kamuntik pa siyang mapaso dahil sa sobrang init nito at hapit na hapit siyang humigop. He sighed again and again. Sinubukan niyang bumalik sa trabaho at burahin sa isip ang kung ano-anong gumugulo sa kaniya, ngunit hindi niya mapigilan. Hanggang sa matapos ang oras ng kaniyang trabaho ay kakaunti lamang ang natapos. Pupwede na rin kaysa sa wala. Babalikan niya na lamang ang mga ito bukas, iyon ay kung nasa wisyo na siya. Pagtingin niya sa kaniyang cellphone ay puno na ito ng missed calls sa kaniyang ina at napakaraming messages patungkol sa binanggit nitong dinner. Naroon na raw ang mga ito. Napatingin siya sa orasan. Sa palagay niya ay makahahabol pa naman siya, kaya nga lamang ay hindi na siya makapag-aayos pa ng sarili. Didiretso na lamang siya roon. “Tsk!” Lumabas siya ng opisina bitbit ang kaniyang briefcase. Dumiretso na lamang siya sa address ng restaurant na binanggit ng ina sa isa sa mga mensaheng natanggap niya mula rito. Hindi naman ito kalayuan ngunit na-traffic siya sa unang kalsada na pinasukan. Kaagad din naman siyang nakarating at hinagilap ang puwesto ng mga ito. Nang makita ay lumapit. Nasa parihabang lamesa ang mga ito. “Mom, Dad.” Ang mga magulang ang kaagad na napansin. Kaharap ng mga ito sa lamesa ang tiyu-tiyuhin na si Nick Alvarez, ang asawa nito na si Sofie Alvarez at ang anak na lalaki na si Neve. Humalik siya sa pisngi ng mga magulang. “Buti naman at nakarating ka. Nick, ito nga pala ang panganay namin si Eros. Siya ‘yong tinutukoy ko sa ‘yo at pinag-uusapan natin,” pakilala ng ina sa kaniya. Proud na proud ito. “O ‘di ba sabi ko naman sa ‘yo hindi na lugi ang dalaga mo rito sa big boy namin.” Napangiwi ang kaniyang labi. Ano nanaman bang paandar ng ina? Tiyak na may kalokohan nanaman itong binabalak. “Mom, stop calling me that way. Hindi na ako bata.” Naupo siya sa isang bakanteng upuan katabi nito. “He’s currently managing our company, smart and reliable,” pagmamalaki naman ng ama. Lumalaki na rin ang kaniyang ulo. “Nice to see you again, Eros.” Ngumiti ang tiyahin na si Sofie. “Tama nga ang mama mo, bagay na bagay kayo ng dalaga namin. Pareho kayong matalino at maasahan. Kaya payag na payag na ako.” “Huh?” Napatingin siya sa ina sa labis na pagtataka sa kung ano mang sinasabi ng tiyahin. “Anong ibig nilang sabihin. Bagay na bagay?” “Oh, yes. Hintayin natin at nagpunta lang sa bathroom ang kambal ni Neve.” Tuwang-tuwa ang ina na hindi maipaliwanag. Hindi na lamang siya umimik at tumikim sa kung anong inumin na nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay ang bigat ng kaniyang katawan. Napagod siya sa trabaho kahit wala namang ginawa. “Mauve, meet Eros. My son.” Napaharap si Eros sa kanan nang magsalita ang kaniyang ina. Ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang nga mata nang magkita silang muli ni Mauve. Hindi pa man nakakaupo si Mauve ay tila bumaliktad nanaman ang sikmura nang makita ang lalaking ito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata sa muling pagkikita. Hindi nito akalaing makikita siyang muli. Isinusumpa siya nito at nais nang kalimutan, ngunit malabo yatang mangyari ang bagay na iyon. Naikuyom ni Mauve ang kamao habang natigilan sa kinatatayuan. Hindi magawang maupo. “Eros, this is Mauve. My daughter,” pakilala ng ina nito habang napakalapad ng ngiti. “Hindi ba’t napakaganda niya? At guwapo ka. You guys are perfect fit for each other. Kaya naman nagdesisyon kami ng mga magulang n’yo na ipakasal kayo sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan na namin noong mga bata kayo.” “What?!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD