"Ano masakit pa ba?" tanong ni Jeff. Hindi agad ako makapagsalita, ninanamnam ko pa kasi 'yung sarap nang pagmasahe niya sa aking likod. Kailan kaya uli mauulit ito? "Bettina, okay ka lang ba?" nagtatakang tanong sa aking ni Jeff. "Oo, okay lang ako," sagot ko rito. Hindi nagtagal ay inalis na niya ang kaniyang mga palad sa likuran ko. Ramdam ko ring tumayo ito mula sa pagkakaupo sa aking kama at humakbang ang mga paa ni Jeff. Siguro'y lalabas na nang silid ko kaya hindi na ako lumingon sa lalaki. "Ano ito, Bettina?" tanong ni Jeff. Bigla akong napabaling sa binata. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga nang makita ko ang hawak nito. Walang iba kundi ang grapon na may na gayuma. Inaamoy-amoy rin ito ng lalaki, ang masama pa'y inalis din ang takip ng grapon. Parang ipo-ipo