Agad na lumapit si Inay sa harapan ng kaserola, lagot ako nito kapag nalaman ni Inay ang kagagahan at kalokohan kong ginagawa, baka makurot ako sa singit.
"Aba'y ano ba iyang niluluto mo at kakaunti lamang?" usisa ni Inay, kumuha pa ng kutsara at hinalu-halo ang tubig na kulay-tsaa na.
"Inay!" Napangiwi ako. "Ilalagay ko 'yan sa...sa..."
"Aba'y bakit may buhok pa?!" Nakataas sa ere ang kutsara at nakasabit doon ang ilang pirasong buhok namin ni Jeff. Naglagay din kasi ako ng tatlong pirasong buhok ko.
"Baka naman malason ka sa iyong ginagawa, anak? Ano ba iyang pinaglalagay mo? Ano ba ito?" takang-taka na tanong ni Inay sa akin.
"Ilalagay ko 'yan, Inay, sa...sa...sa tubig na panligo ko. Maganda raw sa balat," kabadong saad ko.
"Bakit kakaunti lamang ang iniluto mo, Bettina?" tanong ni Inay sa akin.
Mabilis kong dinampot ang pot holder at inalis mula sa kalan ang kaserola at inilayo na rin sa harap ni inay.
"Inay, effective raw kahit kaunti lang, inay," palusot ko rito.
Pagkatapos ay nagmamadali akong umalis at umakyat sa silid ko, habang dala-dala ko ang kaserol. Hindi ko na nga nagawang mag-paalam sa aking ina bago umalis sa harap niya.
Pagdating sa kuwarto ko ay sinala ko ang ginawa kong gayuma sa kulay pulang tela. Saka iyon inilagay sa isang maliit na garapon.
Sigurado naman akong hindi iyon nakakalason sapagkat malinis naman ang tela at wala naman sigurong toxic waste na kumapit sa aming mga buhok. Dahil bagong ligo si Jeff nang kumuha ako ng buhok sa kaniya at ako naman ay naligo rin.
Alas-siyete impunto ako ay nakahanda na. Huminga muna ako ng malamin. Hinanda ko ang mga gagamit at laking pasasalamat ko dahil ako ang inutos ni Kuya na magdala ng iced tea sa kanila. Kaya ngising tagumpay ako habang ginagawa ang plano.
Tinandaan ko ang basong gagamitin ni Jeff. Tatlong patak ang inilagay ko sa baso na may lamang iced tea. At pagkatapos ay sinambit ko ang mga katangang---
"VENUS, thank you for your help. Today, Venus shall express her powers though this hair and this commitment in may heart that the one I desire shall be mine. With the help of Venus' metal, copper." And Venus' element water..." sambit ko, habang inahalo ko ang iced tea.
"Bettina!" bakit panay ang bulong mo riyan? Kaninang umaga ganyan ka rin panay ang bulong. Ano bang nangyayari sa 'yo, Bettina?" tanong ng Inay ko.
"Ah... ehhh..kumakanta lang ako, Inay," palusot kong malupit at sana lang ay maniwala ito.
"Bilisan mo na nga riyan at kanina pa hinihintay ng kuya mo ang iced tea," saad ng inay ko bago umalis ng kusina.
"Opo!" pahabol na tugon ko. Iwan ko lang kung narinig pa nito..
Kinuha ko ang tray at inilagay ko ang tatlong baso na may laman iced tea. May kasama pa kasing isang lalaki ni Jeff. Lumakad ako papunta sa sala. Ibinaba ko ang tray sa ibabaw ng lamesita. Kukunin ko na sana ang baso na para kay Jeff nang maunahan ako ng isang lalaki. Bago pa naman ako makapagprotesta ay hawak na ng lalaki ang baso na para sana kay Jeff na mayroong gayuma.
Nakatatlong lunok yata ako. Hindi ko inaalis ang paningin sa lalaking may hawak ng baso. Naloko na po. Lagot ako kapag nagkataon na siya ang makakainom ng gayuma na ginawa ko. Paktay!
"Ano'ng nangyayari sa 'yo, Bettina?" tanong ni Kuya Billy sa akin.
"O-okay n-naman ako, K-kuya Billy," sagot kong kinakabahan.
"Parang hindi ka naman okay, Bettina. Maputla ka yata?" pagpuna nito sa akin.
"Ha? H-hindi naman kuya, inaantok ka lang yata, eh."
Tumingin akong muli sa lalaking may hawak ng baso, na dapat ay kay Jeff iyon mapupunta. Itinaas ng lalaki ang baso upang inomin ang iced tea.
"Huwag!" nabiglang sabi ko.
Nagtatakang napatingin sa aking ang tatlong lalaki, naudlot din ang pagtangkang pag-inom ng lalaki. Tumingin sa akin ang lalaki habang nakakunot ang noo. Nakita kong ibinaba niya baso sa lamesita.
"Huwag?" May problema ba, Bettina?" tanong ng lalaking 'di ko kilala.
Kumunot ang noo, may pagtataka rin sa aking mukha dahil kilala ako ng lalaki ito?
"Kilala mo ako?" tanong ko.
Matagal muna bago sumagot ang lalaki, bumaling pa ito ang tingin niya kay Jeff.
"Yes," Sagot nito.
"Bettina, anong bang nangyayari sa 'yo?" tanong ni Kuya.
"W-wala naman nangyayari sa akin kuya. Siguro papasok na ako sa aking silid. "I m-meam, huwag kayong mag-alala papasok na ako. Sige pa-pasok na nga ako. I m-mean, huwag kayong masyadong, uhm, m-matanong," litung-litong sabi ko sa mga kaharap ko.
"Tapatin mo nga ako ako, Bettina, nagda-drugs ka ba?" tanong ni Kuya Billy.
Pinilit ko ang sarili kong matawa. Agad kong kinuha ang iced tea, sa ibabaw ng lamesita at ako na ang uminom. Ngunit na ibuga ko nang wala sa oras ang iced tea, dahil sa mapait na lasa nito.
Tumingin ako sa tatlong lalaki puro nakakunot ang mga noo ng mga ito. Hindi makapaniwala sa inaasal ko.
"Papasok na ako sa kwarto ko." paalam ko.
Halos liparin ko makarating lang sa loob ng silid ko. Hindi ko na nga inabala pang isarado ang pinto ng silid ko. Agad akong dupama sa kama. nakakahiya ang inasal ko. Wala na akong na maihaharap na mukha kay Jeff. Sumobsub ako sa unan.
"Bettina! Ayos ka lang ba?"
Tumigas ang likod ko nang marinig ko ang boses ng aking mahal. Ngunit hindi ako nagtangka na lumingon sa lalaki.
"O-oo, ayos lang ako, Ma--" Jeff." wika ko.
"Wala bang masakit sa 'yo?" tanong nito.
"Masakit lang ang likod ko, Jeff, puwede ka nang lumabas siguro ay itutulog ko na lang ang sakit ng aking likod," wika ko.
"Puwede kong imasahe kung gusto mo?" alok nito.
Napangisi ako nang marinig ko ang pag-alok niya nang masahe sa akin. Mukang magandang pagkakataon ito, ah.
"Hindi ba nakakahiya sa 'yo?" tanong ko sa binata.
"No! Minsan lang ako mag-alak ng masahe sa isang babae kaya swerte mo," wika nito.
Ramdam kong lumapit siya sa likuran ko. Napanganga ako nang lumapat ang mainit na kamay niya sa batok ko. Parang naiihe ako sa kilig.
Diyos ko po! Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Sanay ay huwag muna akong magising.
Bumaba ang kamay ng lalaki sa balikat ko. Ang bawat pag paghagod niya sa aking likod ay ginhawa ang dulot sa akin. May feelings ang paraan ng paghagod ng lalaki. Inaantok tuloy ako.
"Bettina, masakit pa ba ang likod mo?" tanong nito.
"Oo, masakit pa nga." Sabay kapa ko salikuran ko malapit sa bewang ko.
Medyo inililis niya ang bahagya ang suot kong t-shirt. At lumapat ang mainit niyag kamay sa bewang ko. Nagsimula na uling imasahe ang bewang. Sanay huwag nang matapos ang lahat ng ito.