"Bettina, saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa hinahanap ni Jeff," Alanganin akong sumagot sa tanong sa akin ni Ate Jessica. Nakita ko rin kasing lumingon sa si Kuya Billy at Jeff. "K-kumain lamang kami sa labas ni Nicko. Paumanhin kung natagalan ako, Ate," paliwanag ko. "Huwag ka sa aking humingi ng paumanhin. Kay Jeff ka mag sorry, dahil kanina ka pa niya tinatanong," wika ng aking kapatid. Nagtatakang tumingin ako kay Jeff. Ano kaya ang dahilan ng lalaking ito at hinahanap ako. Sa aking pagkakaalam ay ang babaeng mukhang bangos na iyon ang papalit sa akin. Upang alagaan ito. "Saan ka galing?" tanong nito. "Hindi muna kailangan malaman kung saan ako galing. Bakit sino ka ba? Para ipaalam ko sa 'yo kung saan ako nagpunta!" mariing tanong niya sa akin. "Uulitin ko ang tanong ko sa 'yo,