GAYUMA 19

1136 Words

Nagulat ako nang gumanti ng halik si Jeff sa akin. Mas humigpit din ang pagkakahawak nito sa aking bewang upang tuluyang magdikit ang aming mga katawan. Ngunit bumalik sa tamang katinuan ang aking pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng silid ni Jeff. Nagmamadali ko siyang itinulak, baka kasi biglang pumasok ang taong isturbo. Umalis din ako sa kama upang tingnan kung sino ang kumakatok. At pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang babaeng mukhang bangos. "Sino ang dumating, Bettina?" narinig kong tanong ni Jeff. "Ang mag-aalaga raw sa 'yo," sagot ko sa lalaki. "Ano'ng ginagawa mo rito, Hydie? Kung wala ka rin matinong sasabihin ay umalis ka na!" bulalas ni Jeff. Nagulat ako sa pinahayag ni Jeff sa babae. Akala ko ba'y ito ang mag-aalaga sa kaniya. Bakit kaya pinagtatabuyan nito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD