Malakas kong itinulak si Jeff. Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa. Pansin kong parang wala sa sarili ang lalaki, basta na lamang kasing tumayo at naglakad palabas ng silid ko. Alam kong nagawa lang ng lalaki na halikan ako ay dahil lasing siya. At wala sa tamang katinuan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at nang makatulog na rin ako. Alas otso impunto ng umaga. Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng silid ko. Hindi sana ako babangon dahil inaantok pa ako. Ngunit makulit ang kumakatok. "Bettina, Bettina!" muling tawag sa pangalan ko ng aking Inay. Napilitan akong bumangon upang buksan ang pinto. "Inay!" inaantok pa ako." "Mamaya ka na matulog, Bettina." hatiran mo muna ang pagkain si Jeff. Ang sabi kasi ng Kuya Billy mo ay may sakit daw. Wala naman magluluto sa kaniy