Bettina! Anong ginagawa mo sa silid ni Jeff?" tanong ni Inay. "Kasi Inay, d-dinala ko po rito sa itaas ang pagkain ni Jeff, h-hindi po kasi siya makababa," kabadong paliwanag ko sa aking Inay. Kumunot ang noo ni Inay at may pagtataka rin sa mukha. Tingin ko'y hindi siya naniniwala sa mga paliwanag ko. Naglakbay din ang mata niya sa katawan ko. "Mahangin ba rito sa kwarto ni Jeff? At ganyan kagulo ang buhok mo?" tanong ni Inay. "Patay! Mahina kong bulong." Tila na-freeze ang paligid ko sa mga katanungan ng aking Ina. "Bettina!" hindi ka na nakapagsalita? Mahirap bang sagutin ang katanungan ko?" tanong ng Inay. "May ginawa lang po ka-----" "Inay, h-hindi kasi ako nakapagsuklay kanina bago umalis ng bahay," kinakabahan na paliwanag ko. Bumaling ako sa lalaki at pansin kong umiiling