Valeen's POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ako mas'yadong nakatulog hindi dahil hindi ako komportable sa lugar. Napanaginipan ko kasi si Nanay. Ang layo layo daw niya at hindi ako makalapit sa kanya. Tinatawag niya ako pero hindi ko daw magawang igalaw ang mga paa ko. Napabuntong hininga ako at kinusot kusot ang mata bago bumangon. Saktong alas singko y media palang sa wallclock na nakasabit sa tapat ng higaan ko. Naghilamos lang ako bago bumaba. Tahimik pa ang buong bahay. Malamang ay tulog pa silang lahat. Nagpasya akong tumungo sa kusina. "Tama!" mahinang bulong ko at sinimulang ihanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Inuna kong asikasuhin ang kanin bago ko binuksan ang fridge para maghanap ng mga pwedeng lutuin. Hindi ko alam kung anong madalas nilang kainin sa umaga k