I'm Sorry

970 Words

Valeen's POV Laglag ang panga ko matapos tumayo si Dave at walang paalam na umalis sa dinning table. Tinanong ko siya kanina kung masarap 'yong scrambled egg pero tinignan niya lang ako ng masama. Grabe. Ano bang pinaglalaban ng lalaking iyon? "May pinagmanahan talaga!" tawa ni Ma'am Candis pagkaalis ni Dave. "Sinabi mo pa!" natatawa ring sambit ni Ate Mimi at sumulyap kay Sir Mavy. Kumunot ang noo ko at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang tatlo. "Kanino po ba nagmana 'yong si Dave?" di ko napigilang itanong habang umiinom ng juice. Natawa ulit si Ma'am Candis at narinig kong tumikhim si Sir Mavy kaya napatingin ako sa kanya. Teka, wag nilang sabihing... "Sainyo po, Sir?" hindi makapaniwalang bulalas ko at natawa ng malakas. Napatingin sila lahat sa akin. "Sorry po. Di lang ako mak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD