Yu Residence

586 Words
Candis' POV "Oh? Eh pagkatapos mo sa supermarket saan ka pa nagpunta?" usisa ko kay Mavy na ngayon ay pilit inaalala ang mga ginawa n'ya. Papasok na sana ito sa office pero pinadaan ko muna sa supermarket para pabilhin ng diaper ni Travis. Wala kasi akong mauutusan dahil delikado na kay Mimi ang maglakad lakad. At eto nga ang asawa ko ay namomroblema dahil sa wallet n'yang nawala. Halos lahat ng mahahalagang cards at identity n'ya kasi ay nandoon. Okay lang na mawala ang mga cards dahil napapalitan naman iyon. "Wala na nga. Umuwi na ko agad pagkatapos kong bumili," kunot noong sagot nito. Nakita kong matamang nakatitig lang si Travis sa Daddy n'ya na carbon copy nito. Pati pagkunot ng noo nito ay kuhang kuha nito kay Mavy. Tumunog ang doorbell kaya napunta ang atensyon ko doon. Ipinasa ko si Travis sa Daddy n'ya para pagbuksan ang bisita. "Dyan ka muna sa Daddy mo, baby. Magkamukha naman kayo," nakuha ko pang magbiro. Masyado kasing seryoso si Mavy at mukhang iniisip pa rin ang wallet nitong nawala. Pagbukas ko ng gate ay isang dalagita ang nabungaran ko. Kumunot ang noo ko. Pamilyar 'yong mukha n'ya. Parang may kung sino s'yang kamukha pero hindi ko maalala kung sino. Parang nagliwanag naman ang mukha nito pagkakita sa akin. Ang ganda naman ng batang 'to. Para s'yang anghel. Maputi at mukhang kaedaran lang s'ya ng kambal. Kaso nga lang ay may kapayatan ito. Hindi naman payat na payat. Slim lang. "Hello, ganda! Anong kailangan mo?" baka naman classmate o kaibigan ito ni Vincent? Sigurado akong hindi kay Dave dahil alam ko'ng hindi friendly ang anak kong ‘yon. "Ah, magandang umaga po. Dito po ba nakatira si Mr. Maverick Yu?" kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi n'ya. Bakit hinahanap ng dalagitang ito si Mavy? Nanlaki ang mga mata ko. Wag n'yang sabihing anak n'ya 'to sa labas?!!!! Grrrr! Humanda s'ya sa akin, makikita n'ya! "Oo. Ano'ng kailangan mo sa asawa ko?" inemphasized ko pa talaga ang word na 'asawa'. Ngumiti naman ito at may kinuha sa bag. "Nahulog po ng asawa n'yo, Misis. Hahabulin ko po sana s'ya kaso nga lang po ay mukhang nagmamadali. Pasensya na po at tinignan ko na 'yong loob ng wallet. Nagbakasakali lang po ako na may pangalan para maisauli ko," mahabang paliwanag nito at iniabot sa akin ang wallet. Ang wallet ni Mavy! Hinawakan ko naman agad ang kamay n'ya. "Naku, maraming salamat! Napakabait mong bata! Hindi ka lang maganda, mabait ka pa! Halika sa loob at ipapakilala kita sa asawa ko," yaya ko agad sa kanya. Nahihiyang napangiti naman ito kaya hinila ko na s'ya papasok sa bahay. Dave's POV I went to the kitchen para uminom ng malamig na malamig na tubig. Summer na summer na talaga. Ramdam na ramdam ko ang init kahit maaga pa. "Hubby! Halika dito dali!" rinig kong sigaw ni Mommy habang paakyat sa hagdan. Aakyat na rin sana ako nang may makita akong babaeng naka-upo sa couch. Nakatagilid ito kaya kalahati lang ng mukha nito ang nakikita ko. Umiikot ang paningin nito sa buong bahay. Who is she? Don't tell me she's one of Vince' girls. Tss! Nakita kong napatingin s'ya sa gawi ko kaya nagtama ang paningin namin. Kumunot ang noo ko. She looks like someone. Sino nga ba ang kamukha ng babaeng 'to? Nakita kong ngumiti s'ya sa akin. Napataas naman ang kilay ko at inirapan s'ya bago tumalikod. Don't get interested in me if you don't want your life to be miserable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD