Valeen's POV "Valeen! Nandyan ka na pala. Halika dito, ipapakilala kita sa naggagandahan kong bestfriends!" Natatawang tawag sa'kin ni Ma'am Candis. Ibinaba ko lang ang dala kong salad sa round table at lumapit sa kanila. Ramdam ko parin ang titig ni Dave sa akin kaya para akong naglalakad sa tubig dahil para akong lumulutang na hindi ko maintindihan. "Oh! Siya ba yun, Cands? Wow ha! Uso na pala ngayon ang magagandang maids!" Manghang sabi nung baklang mahaba ang buhok. "Hi, ganda!" Sabi naman nung isang baklang blonde ang buhok. "Nga pala, Valeen.. sila yung mga kaibigan kong sinasabi ko sayo. Siya si Tara, ninong din yan ni Dave." Pakilala ni Ma'am.Candis sa baklang mahaba ang buhok. Nginitian ko siya. "Eto naman si Bessy. Ninong naman siya ni Vincent." Nginitian ko