Kylie's POV "Ma'am Kylie?" Rinig kong tawag ng maid namin kasabay ng sunud sunod na pagkatok. "Get out! I am not going to eat!" Sigaw ko. I am so upset that I don't understand why Dave keep on rejecting me. Ano bang ayaw niya sa'kin? Wala namang may ayaw sa akin pero bakit siya, hindi niya ako magustuhan? I really don't get him! "Pero, pinapatawag na po kayo ng Mommy't Daddy niyo sa baba-" Inis na binalibag ko ang unan at nagmartsa para buksan ang pinto. Tumambad sa akin ang bahagyang nagulat na maid. "Ma'am Kylie-" "Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?" Dinuro duro ko ang mukha niya. Inis na inis ako at ayokong ayokong kinukulit ako. Pero heto ang katulong na ito at kanina pa pabalik balik para tawagin ako! "Ang simple simple ng sinabi ko pero hindi mo maintindiha