Promise

427 Words
Valeen's POV Natapos kong linisin ang puntod ng Lolo at Tatay ko kahit tirik na tirik ang araw. Umupo ako sa harap ng puntod ng Tatay ko at taimtim na nag-alay ng pana langin. "Tay, kamusta na po kayo?" tanong ko habang inaalala ang mga araw na buhay pa s'ya. Naging napakabuti n'yang ama sa akin at asawa sa Nanay ko. Kaya kahit anong paninira ang sabihin sa akin ni Aunty ay hindi ko magawang maniwala. Hindi ako naniniwalang iniwan ako ng Nanay ko para sumama sa isang mayamang lalaki. Hindi ako naniniwalang pinakasalan lang daw nito ang Tatay ko dahil sa pera. Hindi gAnon ang pinakita nila sa akin ng nabubuhay pa ang Tatay. Ni hindi ko nakitang napipilitan lang ang Nanay na makisama sa kanya. Alam kong mahal talaga s'ya ng Nanay ko. "Sana kung nasaan ka man, Tay, sana masaya ka dyan. At sana rin po palagi mo kaming gagabayan ni Nanay." Napangiti ako ng malungkot. At hinayaan ang sarili kong sabihin ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Sa tuwing dadalaw ako sa puntod n'ya ay ganito ang ginagawa ko. Kinakausap ko s'ya at pinapaalam lahat ng mga nangyayari sa akin kahit alam kong nakikita naman n'ya iyon dahil nagsisilbi s'yang guardian angel ko. Dito sa harap ng puntod n'ya, nailalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng paghihirap ko, lahat ng ginagawa kong pagsasakripisyo para ipagpatuloy ang buhay ko nang wala sila. Lahat ng sama ng loob ko kay Aunty at sa mga pinsan ko. Para pa rin s'yang buhay sa tuwing nandito ako. Kasi, nagagawa kong magsumbong sa kanya. Nagagawa kong ilabas 'yong totoong nararamdaman ko. Dito ko naipapakita 'yong Valeen na pilit kinakaya ang buhay kahit minsan ay gusto na n'yang sumuko. Na kahit sobrang dami ng problema ay nagagawa pa rin tumawa at magpasaya ng iba. Namalayan ko na lang na basa na ng luha ang pisngi ko. Hinayaan ko lang tumulo ang mga 'yon dahil dito lang naman sa harap ni Tatay ako nakakapaglabas ng mga hinanakit ko sa buhay. "Tay, promise ko sa'yo, hahanapin ko 'yong kapatid ni Nanay sa Maynila. Tapos, kapag nahanap ko na s'ya, magkasama naming hahanapin si Nanay. Pangako, Tay.. sa susunod na dalaw ko sa'yo, kasama ko na s'ya. Papatunayan ko sa kanilang lahat na hindi totoong iniwan ka n'ya para sumama sa ibang lalake. Pangako, Tay.. Isasama ko s'ya dito.. Pangako." Pinahid ko ang mga bakas ng luhang nasa mukha ko. "Promise, Tay.. Hahanapin ko si Nanay para sa'yo.." bulong ko tsaka tuluyan ng tumalikod palayo sa puntod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD