THIRD PERSON POV: NAPAPAHINGA AKO ng malalim habang binabaybay ang kahabaan ng highway pabalik ng Montereal's Condominium kung saan kami tumuloy ni Rachel. Hindi ko naman intention na makalimutang kasama ko siya kagabi sa kasal ni Cloud na kuya nito nang tawagan ako ni Axelle at naglalambing na hangout kami. Isang taon ko ding hindi ito nakasama kaya pinagbigyan ko na. Hindi ko maiwasang makadama ng guilt nang pag-uwi ko sa unit nila Cloud kung saan kami tumuloy ni Rachel ay naabutan ko itong nakahiga sa couch at nanlalatang sinisinat pa! Mabuti na lang at trangkaso lang naman ang karamdaman nito pero bakas sa mukha at katawan nitong tila pagod na pagod kaya dinala ko pa rin ng hospital para makasiguro akong maayos ito. Nagkasagutan tuloy kami sa unang pagkakataon. Hindi ko naman masis