Collins: NANGINGITI KONG matamang pinagmamasdan si Rachel na nahihimbing. Bahagya pang kunot ang noo nito dahil inaapoy siya ng lagnat. Nagu-guilty tuloy ako dahil alam ko namang ako ang dahilan kaya ito nilagnat. Hindi ko akalaing may kakulitan din itong taglay katulad ni Ulan. Hindi ko na tuloy mabilang kung ilang beses ko siyang naangkin sa kauungot nito ng isa pa kagabi. Ngayo'y alam ko na kung bakit nakikita ko si Ulan sa kanya. Magkapatid pala sila. Kaya naman pala pareho sila ng mga mata, parehong may biloy katulad nila Cloud, Typhoon at tito Moon. Gusto ko pa sanang alamin ang ibang bagay tungkol dito pero kita ko naman kung gaano siya kapagod at hinang-hina. Gusto ko sanang tanungin ito kung paano siya nawalay sa kanyang mga kapatid dahil sa pagkakaalam ko ay tatlo lang sila Ula