Rain: "UHMMM..." napaungol akong napabaling sa kabilang gilid na maramdaman si Collins na sumusundot-sundot sa butas ng ilong ko. Ang pilyo talaga kay aga-aga! Napahagikhik lang naman itong pinihit ako paharap muli sa kanya. "Good morning honey" umungol lang akong nakabusangot na hinila ang comforter. Panakanaka naman itong pinupupog ang buong mukha ko ng halik! "Collins" namamaos ang boses na saway ko dito nang umabot na sa panga ko ang mga labi at hindi na basta halik ang ginagawa kundi may kasamang pagsipsip na sa balat kong tiyak na mag-iiwan ng marka! "Bangon na kasi honey" paanas nito na naglalakbay ang mga labi sa panga ko pataas sa punong-tainga kong ikina-init at gising ng himaymay kong inaantok! Mag-uumaga na nang tantanan ako nito kagabi sa kauungot nito. Kaya naman ubos