Rain: KABADO AKO HABANG hinihintay maging ready ang lahat. Kahit tiwala naman ako sa kakayahan ni kuya Cloud na maibabalik niya sa dati ang mukha ko ay hindi ko pa rin maiwasang makadama ng takot at pangamba sa mga bagay-bagay. Panay ang dasal ko na sana maging successful ang operation ko ngayon at hindi magkamali si kuya Cloud lalo na't wala si Devon na siyang kasama nito noon na nang-opera sa akin. "Hey honey, you a'right?" pilit akong ngumiti dito na napahawak sa kamay nito. Pinipisil-pisil naman nito ang kamay ko na parang kinakalma ako. "Magiging maayos naman ang lahat, 'di ba?" alanganing tanong ko na matiim napatitig sa mga mata nito. "Yeah, of course. Don't you trust your brother?" baliktanong nitong ikinangiti at iling ko. Napasandal ako sa kanyang dibdib at pilit kinakalma