Chapter 40 Malikmata

1747 Words

Her Pov : PALAKAD-LAKAD AKONG napapangiti na hinahaplos ang tyan kong halata na ang baby bump ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing napapahaplos ako kay baby at naiisip ang ama nito. "Anak, matutuwa kaya ang daddy mo kapag nalaman niyang may nabuo kami?" pagkausap ko sa tyan ko na nangilid ang luha. Kahit gusto kong ipaalam kay Collins Montereal na may nabuo kami ay mas lamang ang takot na nangingibabaw sa puso ko. Paniguradong magagalit si kuya Cloud at Collins. Malaki ding iskandalo ito dahil kasal na ang ama ng anak ko. At kita ko namang masaya siya sa napangasawa niya. Bakit pa ako maghahabol? Kumplikado ang lahat sa amin. Alam ko din na napilitan lang si Collins na akuhin ang pinagbubuntis ko. Kahit na sinabi nitong magiging ama siya ng baby ko at itutu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD