Collins: NAKAPAMULSA AKONG nakaharap sa glass wall nitong opisina ko sa hospital na napapaisip sa nasambit ni Ulan kagabi. Pangalawang beses na niya akong natawag ng Colite. Lalo lang tuloy lumalakas ang hinala kong.....hindi siya si Ulan. "Okay ka lang Collins?" napapitlag ako na may nagsalita sa tabi ko! "Charrie?" ngumiti itong napahalik sa pisngi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Iginiya ko itong maupo ng sofa. May kalakihan na rin ang umbok ng baby bump nito. "Binibisita ang kapatid at asawa ko" nakangiting sagot nitong ikinakamot ko sa batok. "Collins" "Hmm?" napalunok ako na makitang seryoso itong matiim na nakatitig sa akin. Kita ang pagkabahala sa kanyang mga mata. "May problema ba Charrie? May gusto ka bang sabihin?" untag ko. Napailing itong pilit ngumiti. "Wala ka bang ..