Rain: KABADO AKONG nakahalukipkip na nakatanaw sa kalmadong dagat. Gabi na pero wala pa rin si Collins. Ang sabi naman ni kuya Typhoon ay kanina pa siya nakaalis ng syudad. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa mga bagay-bagay. Panigurado kasing alam na rin ni Devon ang mga nangyayari at baka nga bumalik na siya ng bansa. "Nasaan ka na ba?" naiiyak kong saad na hindi na mapakali at napapapadyak ng paa. "U-Ulan" nanigas ako ng marinig ang pamilyar niyang boses sa likuran ko. Napalabi akong tuluyang rumagasa ang luha ng maamoy ang pamilyar niyang pabango at kanyang prehensya na nakakapagpatayo ng balahibo. "C-Collins" mahinang sambit ko na halos ako na lang ang nakarinig sa sobrang hina. Napahagulhol akong napayuko na nanatili sa kinatatayuan. "F*ck! Honey!" bulalas nitong pinihit ak