Rain: MARIIN AKONG napapikit na nakayakap kay tatay. Hindi ko kayang makita kung paano magalit si kuya Typhoon. Lalo na ngayon na binabasag lang naman nito ang mukha ni kuya Cloud! Puno ng galit ang mga mata nito na ultimo si tatay ay natulos din dito sa kinatatayuan at hindi maawat ang anak na parang bagyong humahagupit! "Mula umpisa inunawa kita! Binigyan kita ng pagkakataon para itama mo ang maling ginawa mo sa kapatid natin pero pinalala mo lang!" bulyaw nito sa kaharap na hinang-hinang nakahiga sa sahig na inuupuan nito sa tyan! "Dahil hindi ang Montereal na 'yon ang nararapat sa kanya!" pagak itong natawa na napailing at muling sinapak sa panga ang kaharap. "At sinong nararapat sa kanya huh?! Ang Demon na 'yon?" mapang-uyam nitong hasik. "Devon" natatawang pagtatama ni kuya Clo