[Lance]
They said kung hindi madaraan sa santong dasalan. Daanin sa santong paspasan. That’s precisely what I did. Alam kong hindi papayag si Sitti na magpakasal sa akin. Matapos ako nitong makitang may kasamang ibang babae sa opisina. I doubt she will listen to my explanation.
Sumuko na ang lahat ng private investigator na binayaran ko upang matuntun ang kinaroonan ni Sitti sa makalipas na limang taon. Desperate to find her. I risk my last source. Ang bantayan ang bawat paliparan sa Pilipinas.
Nalaman ko ang tungkol kay Logan sa oras na paglapag ng eroplanong sinakyan ni Sitti galing Athens, Greece. Araw-araw pina-pacheck ko ang listahan ng mga pasaherong sakay ng mga eroplano papasok sa Pilipinas. It is impossible subalit walang impossible kung pera ang paguusapan at koneksyon.
“Tell me, how did you know about Logan?” Galit na tanong ni Sitti sa akin.
“No! You tell me! Bakit mo siya tinago sa akin? Am I that of a loser back then? Akala mo ba hindi ko kayo kayang bigyan ng marangyang buhay?”
“Takot akong itakwil ni Papa kung pinakasalan kita noon.”
“But it didn’t change the fact tinago mo at pinagkait mo sa akin ang anak ko ng apat na taon. Sana’y nakasama ko si Logan. . . nakasama kita.”
“Hindi mo siya anak!”
Nakita ko na si Logan ng makailang ulit simula umuwi sila sa Pilipinas. Nakilala ko na rin ang yaya ng anak ko. Ang mga mata ni Logan ay katulad na katulad sa akin light hazel brown at kulot ang golden brown hair niya. He has my thick brows at matangkad ang anak ko sa normal na apat na taon. He inherited both me and Sitti's tall frame.
Walang duda na anak ko siya. Kahit hindi na magpa-DNA test alam ko. Ramdam ko. Anak ko si Logan. Iyon siguro ang tinatawag nilang luksong dugo. Na kahit hindi kayo magkakilala mayro’n konekyson na hindi maipaliwanag.
Logan did not fear me. In a matter of a week nagkapalagayan ang loob naming dalawa. Sa loob ng ilang buwan na papuslit-puslit na pagkikita namin ay naging malapit kami sa isa't isa.
Kilala rin si Logan sa aking opisina. Little me ko raw ito. May pagkamaangas at hindi rin pala ngiti. But he looks handsome as me. Nang malaman kong perfect match kami. I’ve decided to finally gawin ang matagal ko ng balak— ang maikasal kami ni Sitti. I don’t care how. All I know is I need to marry her. As soon as it was confirmed. I arranged our grand wedding. Matagal-tagal rin ang preparation. Pinagplanohan ko rin kung paano kami makakasal na hindi makakatutol si Sitti.
“Hey, newlyweds. Kakakasal ninyo lang dalawa nag-aaway na agad kayo? I haven’t seen you argue even once sa Barcelona,” bati ni James sa amin habang nakangiti kaming nilapitan.
Nagkasama kami ni James sa Barcelona. We are actually blockmates in architecture. Palibhasa pareho kaming Pinoy kaya kami nakapagpalagayan ng loob. I was already a lawyer ng pumunta ako sa Spain on a mission to find Katerina Evanovich. Naging kaibigan rin ni James si Sitti. All three of us became good friends. Matanda ako ng kay halos sampung taon kay Renzo. Isang dekada rin ang agwat namin ni Sitti sa isa’t isa.
“Sitti, I like you to meet my wife, Charlie, and our son Enzo, "pagpapakilala ni James sa asawa ko.
Nakipagbeso-beso si Sitti kay Charlie at kinarga nito si Enzo. Nilaro-laro ng inaanak ko ang belo at ‘di sinasadyang nahulog ang adornong tiara sa buhok ni Sitti. Nataranta si Charlie na pulutin iyon. Sa laki ng tiyan ng pinsan ko ay hindi na kaya nitong magkikilos pa.
“It’s okay, tiara lang ‘yan,” ani Sitti,” don’t bother.”
“Hindi lang tiara ito, Sitti. My cousin specially ordered this tiara from Moscow. He wanted it customized the way you wanted it,” paliwanag ni Charlie habang hawak hawak ang tiara na binigay ni James rito matapos pulitin iyon. Sinipat ni Charlie ng maagi ang tiara. She was spot-checking if there were any loose diamonds. “This is worth ten million!”
Laking gulat nito ng marinig ang halaga ng pinasuot kong adorno sa kaniyang belo. I ordered the tiara a long time ago. Noong kasal pa sana namin iyon sa Barcelona. It was my gift to her. Pero hindi iyon nangyari. Napansin ko ang pagdududa sa expresyon ng mukha at mga mata ni Sitti na titig na titig na sa akin.
“How did you get that enormous amount of money to buy this, Lance?”
Sitti asked na punong-puno ng pagdududa at akosasyon ang boses niya.
“Hindi ko ipapaalam sayo katulad ng hindi mo pagpaalam sa akin ng tungkol kay Logan," sagot ko rito.
Felicity is asking me too many questions. ‘Kaya ko bang sabihin sa kaniyang matagal ko na siyang pag-aari?’ Ngunit minabuti kong maging tikom sa katotohanan.‘Yon na lang at hinila ko na ito palabas ng simbahan.
Habang karga-karga niya si Enzo, bigla naman sumigaw si Charlie at may tubig na umibis sa kaniyang binti. Kaya hindi na kami natuloy pa sa reception dahil naiwan sa amin nila Charlie si Enzo. Pinasundo ko na lang si Logan at ang yaya nitong si Gina.
Kasama sana namin ang yaya ni Logan sa trip to France. Ngunit nagpaiwan ito ng malamang nanganak nang 'di oras ang nanay ni Enzo. She volunteered to babysit pansamantala upang matuloy ang bakasyon este honeymoon namin. Alam kong dahilan lang iyon ni Gina. Nagkaroon ito ng solid alibi upang hindi sumama saamin.
Before we left, Gina told me to have quality time with my wife and my son, kaya siya mag-papaiwan.
# # #
Javier’s Mansion
Four hours earlier. . .
I must have fallen head over heels for the woman I desire and loved for a decade. I am crazily in love with Sitti, maybe even more. Sampung taon na sana kaming magkasama kung hindi niya ako iniwan. Ten years ko na siyang minamahal.Nagkahiwalay man kami.Iniwan niya man ako. Mahal ko pa rin si Sitti. Mahal na mahal, but things are different now.
Isang buwan na ang nakalipas nang huli kaming nagkita. It was a wild and rough reunion. It felt like unang pagkakataon muling angkinin ko ang babaeng pinakamamahal ko sa buhay. Sitti is my world and my life nothing can change that fact. Si Sitti ang buhay ko and I am nothing without her.
“Come on, Lance, we have to be there before they arrive,”pagmamadali ng best friend ko na si James Madrigal sa akin.
“What am I supposed to feel, James? I'm about to marry her. Why do I feel like I used her? I lied to her. Why do I have to feel this way when I should be happy? I asked for this. Now what? Am I going to lose her after?”
“Lance, you wouldn't know the answer unless we leave now and get there before she does. Bro, relax. It’s just wedding jitters.”
“Bro, the first time I saw her in Barcelona, I wanted her. I liked Felicity. I've fallen in love with her. I want her to feel the same way with me, not to hate me,” nangangambang wika ko.
Kinalimutan ko ang misyon kong pinag-uutos ng aking ama. Nagawa kong ilihim sa kaniya ang katotohanan. Natagpuan ko agad si Katerina Evanovich pagdating ko sa Barcelona. Kinailangan ko pang magpanggap na estudyante. Pero dahil pinana ni kupido ang aking puso. Tuluyan akong pumasok sa unibersidad at nag-aral ng arkitekto.
I managed to find the key. However, hindi ko nagawang ibigay iyon sa aking ama. Bagkus nagsimula akong alamin ang totoong pagkatao ni Felicity Saavedra.
“Then show her the real you, not the Lance she knew. Not the pathetic architect who dines on that small pitiful restaurant to steal a glance of her. Sabihin mo ang totoo, bro. Believe me, that’s the only way you could fix your relationship with her.”
“Woohoo! Speaking of someone in love! You must be in love to be in this state of mind. It's crazy, man. I can't explain.”
“Yeah, I know, Mr. Javier, but I don't want to be as pathetic as you. Kaya ko nga pinatos at pinakasalan agad si Charlie. Pareho lang naman tayo, Lance. Sampung taon rin ang hinintay ko. Pinagkaiba nga lang natin you spent five years with your woman. “