Chapter 2

2565 Words
Chapter Two   "W-hat are you doing?" Nauutal na tanong ni Maggie habang tila nakakulong sa mga bisig ni foreign guy na m******s.   "You have something on your forehead." Saka ito may kinuhang hibla ng d**o sa kanyang noo. Marahil nadikit iyon sa tuwalya niya ng ilapag niya kanina sa damuhan.   Then she just stared at his face. It was a complete slomo moment para kay Maggie. The very first guy na nasabi niyang gwapo sa buong buhay niya. Ang lalaking unang pumasa sa kanyang mapanuring standards. Ngayon tinititigan niya ang bawat detalye sa mukha nito. Napagtanto niyang medyo blonde pala ang wavy hair nito. Mahaba ang mga pilik-mata nito kung saan umaabot ang mahaba nitong bangs. Hindi pala pinkish ang lips ng lalaki kundi pale red. Parang labi ng mga bampirang hindi nakakasipsip ng dugo sa mga vampire movies. Namumutla lang pero kissable pa rin. May isa... dalawa... tatlong nunal ito na hindi naman kalakihan sa iba't-ibang bahagi ng mukha. Pero dahil may banyagang dugo kaya naman agaw pansin talaga ang matangos nitong ilong na bagay naman sa lalaki. Hindi masyadong mahaba na nagmumukha na itong kaanak ng mga mangkukulam sa pelikula. His best asset was his blue eyes. It was so innocent and seems to be sincere. Kabaligtaran sa paratang niyang m******s ang mga asul na matang iyon. Ang sarap yatang maging gf ni koya.   Saka siya nagising sa sarili niyang pantasya. Kumawala siya rito saka binaling ang atensyon sa kanyang kuya Brill. "Nakita mo kuya! Nakita mo yung ginawa niya! m******s talaga siya! Sabi ko na sayo eh!" Tumango-tango naman ang kanyang kapatid. Ang lalaki naman ay pinagkakawag ang kamay tanda ng pagtanggi.   "Pagpaliwanagin naman natin si Dennis. Bigyan naman natin siya ng benefit of the doubt." Komento ni Brill.   "Ano kuya? Kinakampihan mo pa siya?" Tanong niya na halos magpaabot na sa kanyang kilay sa pinakadulo ng kanyang noo.   "Hindi naman sa ganon Magz. Ang sweet kaya ng ginawa niya. Inalis niya yung dumi sa noo mo. Hindi ka ba kinilig?"   Kinilig. "H-hindi!" Pagde-deny niya.   "Di nga?!" - Brill.   "Kuya!" Pagmamaktol niya sa harap-harapang panlalaglag sa kanya ng kapatid.   "Okay ganito nalang. Let him explain pa rin Magz. Hindi tayo pinalaki nila mama at papa para maging mapanghusgang mga tao. Doon tayo sa tama pa rin kahit na dapat palaban tayo hindi ba?" Umandar na naman ang pagiging makatarungan ni Brill. Bagay na hinahangaan niya rito.   "S-sige na." Wala na siyang nagawa pa.   "We will let you explain Dennis and after that please ask for apology for my sister. She thought you're a maniac." Si Brill na ang kumausap sa lalaki. Dahan-dahan niyang binalik ang tingin dito. Hindi na naman niya napigilan ang mabilis na pagyanig ng kanyang dibdib. Ang gwapo niya talaga.   "Sorry miss. I didn't mean to scared you. I'm just exploring the place then found that source of water. I honestly noticed your body..."   "Tingnan mo kuya! Sinilipan niya talaga ako! Mano-nosebleed na ako sa pagiingles niya pero naintindihan ko yon! He noticed my body! Sa kanya na nanggaling oh!" Hindi na niya ito nagawang patapusin.   "No! No! No!" Mariing pagtanggi naman nito.   "Hindi pa siya tapos Maggie! Makakontra ka kaagad eh." Tugon naman ng kanyang kuya.   "Pero malabo yon." Sabay silang napasapo ng noo ni Brill. Marunong naman pala itong mag-Tagalog. "I was nearsighted. Malabo yun sa malayo. Naaninag ko lang pero wala akong nakita."   "Yun naman pala!" Tila agad naman nitong nakumbinse ang kanyang kuya.   "Totoo ba yan?" Paniniguro niya.   "I promise. I'm not that kind of guy. Nag-iisang anak nga ako at foreigner ang dad ko pero I assure you na pinalaki ako ng tama." He replied.   Habang sinasabi iyon ay diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata. Halos tunawin siya ng mala-kalangitan nitong kulay. Sinseridad ang nababakas niya mula roon. Parang ang dali siya nitong kumbinsihan. Gusto niya magpakipot dito pero parang mahihirapan siya.   "Maarte pa? Di pa maniniwala? Alam mo hindi basta-basta ibebenta nila mama at papa ang lupa natin. Pina-CI pa kaya nila ang mga nagtangkang bumili at ang pamilya ni Dennis ang pumasa." Bulong na pag-uudyok sa kanya ni Brill.   "O-okay sige. Napatawad na kita." Kusa ng lumabas ang mga katagang 'yon sa kanyang labi.   "Thank you. Thank you beautiful lady! By the way I'm Dennis Ronquillo and I'm really sorry." Inabot nito ang kamay sa kanya. Napatitig naman siya don. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang kamay. Nanghina yon sa sinabi nito maganda siya. Marami ng pambobola ang nagmula sa ibang lalaki tungkol sa kanyang kagandahan. Sanay na rin siya sa kanyang mga kaanak na nagsasabi ng ganoong papuri. Pero iba ng ito ang nagsabi. Tila namula ang kanyang pisngi at may lumipad na kung ano sa kanyang sikmura.   "B-bago ko iabot ang kamay ko sayo. Sana sa susunod kung pwede mo namang Tagalugin. Mag-Tagalog ka nalang. Bagay sayo. Mukhang foreigner na nagtatagalog. Ang cute lang." Napayuko siya saka kinuha ang kamay nito. "Maggie May Flores."   Isang matamis na ngiti ang binigay nila sa isa't-isa habang magkahawak ng kamay. Simula ng isang matamis na pagkakaibigan para sa summer na iyon.   Nagtugma ang ugali nila Maggie at Dennis. Nalabas nila ang natatagong kalog ng isa't-isa. Napatunayan nitong totoong pinalaki ito ng maayos ng mga magulang na Pinay na si Alanis Duran at Australyanong ama na si Johnny Ronquillo. May lupain din daw sa Australia ang ama ni Dennis. Dating OFW ang ina nito sa naturang bansa at doon nagkakilala ang dalawa. Bikolana ang ina nito at hindi nahirapang kumbinsihin ang ama nitong manirahan sa Pilipinas noong limang taong gulang na si Dennis dahil tulad ng ibang dayuhan ay nabighani din ito sa bansa. Sa Bicol nila naisipang bumili ng property pero may townhouse din ang pamilya nito sa Maynila. Sa katunayan ay doon din ito nag-aaral.  Naisipan lang bumili ng lupain sa probinsya para dagdag investment at mapalapit sa dating buhay ng ama. Mapalad naman ang mga ito dahil ang maganda nilang lupain ang nagustuhan ng pamilya ng lalaki.   Naisalaysay din ni Dennis na perfect match din ang mga magulang nito. Biruin ba namang magkaibang lahi pero nakapag-usap pa rin ang mga puso. Wasn't it a perfect match. Nag-iisang anak pa ito. Hindi na sinundan dahil may ovarian problem ang ina ng lalaki. Sinanay din ito ng ina sa salitang Filipino kaya nakaiintindi at matatas din ito sa pagsasalita ng Tagalog. Nagkataon lang na pribadong eskwelahan ang pinasukan nito kaya puro Ingles pa rin ang mga tao. Marami rin siyang bagay na naikwento rito bilang kapalit at dahil sa sarap na rin ng kanilang mga pag-uusap.   Dumaan pa ang mga araw sa tag-araw na iyon. Mas nagliwanag ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Dennis. Nag-bonding ang kani-kaniyang pamilya. Lalo silang napalapit sa isa't-isa. Sa katunayan ay tinuruan niya itong magsaka ng mga halaman doon pati na rin ang umakyat ng puno ng sampaloc.   "Oh my God Magz. I'm gonna die! Hoooh!"   "Hahaha!" Walang tigil siya sa katatawa dahil natawag na yata nito ang lahat ng santo habang papanik sa puno. Tumitili rin ito. Hindi naman niya magawang magduda na bading ito dahil sa lahat ng lalaking tumitili ay ito ang hot. Pawisan pero ang paghawak nito sa bawat sangga ay lalaking-lalaki. He was like gripping something hard that made his biceps even harder. She found him cute when screaming and hot as the summer heat with his wet look and biceps. May takot ito sa heights pero hindi niya rin maunawaan kung bakit pilit pa rin itong nagpaturong umakyat. Ang nakakatuwa pa kay Dennis sa kabila ng takot ay nagawa pa rin nitong marating ang tuktok ng puno. Ang kanyang madalas na tambayan.   "Takot ka pero nakaabot pa rin tayo dito!" Nakangiting sambit niya na pagbati na rin sa nagawa nito. Mula sa taas ng puno ay bumagsak ang kanyang puso nang bigla nitong tanganan ang kanyang kanang kamay. Nanginginig pa iyon at pinagpapawisan. May mga mantsa rin na nagmula sa puno.   "I'm afraid but I want to get rid of my fear. Most of all I trust you. Hindi mo naman ako pinabayaan oh." He said while air was whispering to them. The breathtaking view at the top of the tree added romance for this summer love.   Her sweetest smile was Maggie's response.   "Ang ganda mo talaga kapag nakangiti." Papuri nito. Ayun yung puso niya, tuluyang tumitibok pero hindi na nakapanik sa itaas. Her heart indeed skip a bit and never went back. It was literally a cloud nine feeling.   "Thank you for trusting me naman. Naku i-enjoy mo nalang tong view." Pag-iiba niya sa usapan.   Sabay naman silang napasinghap habang pinagmamasdan ang luntiang paligid. Ang kalangitan. Ang bundok na abot-tanaw.   "Ang ganda nga rito. Magagandang tanawin. A beautiful lady plus the beauty of nature." Sambit nito. Pagpatuloy mo lang yan koya Dennis at ako na ang mahuhulog magmula rito sa itaas.   "Tse!" Syempre pa pakipot pa rin siya.   "Pero seryoso ang ganda nga." He repeated while looking from the surroundings then to her. Pero hindi na niya 'yon inino pa. Napagtanto niyang isang linggo nalang pala sila sa lugar. The place where she was the queen. Saka niya seryoso itong binalingan.   "May kinatatakutan din pala ako Den." She sighed.   "What was that?" He looked at her with a curious face.   "Ang hindi na bumalik sa lugar na ito. Alam mo kasi ako ng reyna rito. Yung reynang masaya sa simpleng buhay. Tahimik. Kasama ang mga mahal mo sa buhay. Ito lang naman ang gusto ko eh. Pero baka hindi ko na mabalikan. Iyon ang kinakatakot ko."   Napagtanto niyang hindi pa rin pala nito binibitawan ang kanyang kamay. Mas humigpit iyon. Mas tumatagos hanggang sa may sinigaw ang kanyang puso.   "Pinagkakatiwalaan din kita Dennis. Pwede bang ikaw naman ang mag-alis ng takot ko?" Muling puminta ang matipid na ngiti sa kanyang mga labi.   "Tell me how?"   "Ikaw na ang bahala rito. Kayo na ng pamilya mo. Alam kong may bahay rin kayo sa Manila pero alam ko rin na tulad namin ay aalagaan niyo ang lugar na ito. Sa gayong paraan ay mababawasan na ang takot ko kasi alam kong may bago ng magmamahal sa lugar na ito." Gumanti siya sa mahigpit na pagkakahawak nito bilang tanda ng tiwala.   He smile as a response. Ngiti palang ni Dennis ay napanatag na ang kanyang loob. "Sure. Para sayo I'll do it. I promise to take care of this place as much as I can."   "Salamat." Saka siya bumitiw sa pagkakakapit dito. Pumwesto siya sa isang matibay na sanga at bumalanse na walang hawak. Itinaas niya ang kanyang mga braso. "Dapat mo na ring gawin ang signature pose na ginagawa ko rito sa taas ng puno ng sampaloc."   "Di mo naman kailangang tumalon." Halatang nag-aalangan ito sa ginagawa niya.   "Sanay na ako. Sa ganitong posisyon ako sisigaw ng... I'm the queen of the world! Kung minsan ay may dagdag pa yan... I'm the queen of Bicol Region!"   Napatawa naman niya si Dennis. "You are really brave." Buong paghangang sambit nito baka tumuntong sa pinakamalaking sanga sa itaas at ginaya ang kanyang posisyon. "Whoah! Di ako papatalo."   "Aba dapat lang!" Tugon niya. "Isigaw mo na!"   "I'm the king of the world! I'm Maggie's king!"   Natigalgal siya sa huli nitong sinigaw. Nang lingunin niya ito sa ganoong posisyon sa itaas ay hinagkan nito ang kanyang pisngi. That moment was captured on her mind and heart for the longest time. Her summer love, Dennis. Ang unang lalaking nag-iwan ng kakaibang marka sa kanyang puso at mga alaalang kanyang babaunin sa kanyang paglisan sa lugar na iyon.     Sampung taon ang mabilis na lumipas.   "Bawal ang tatanga-tanga! Kilos na! Kilos!" Kailangan na namang magsuplada ni Maggie. Lunes na naman kaya simula na naman ng kanyang linggo. Abalang linggo.   Kilalang direktor na ang kanyang kuya Brill ng mga romance movies. Tulad nito ay nalinya rin siya sa likod ng kamera. Hindi katulad ng kanilang ina na sa harap naman ng kamera bumida. Bumalik ang cancer nito limang tao na ang nakararaan at tuluyan na itong pumanaw makalipas ang dalawang taon. Mabigat na pagsubok para sa kanilang pamilya. Nagluksa ang entertainment industry. Nagpakatatag si Maggie lalo pa't tumatanda na rin ang kanilang ama.   Hindi siya humingi ng tulong sa mga ito ng makatapos siya ng mass communication para walang masabi ang iba. Nagpursigi siya upang makapasok sa Diamond Channel, tv station na sister company ng Diamond Films na pinagtatrabahuhan ng kanyang kuya. Nagsimula siya bilang Production Assistant o P.A. ng sikat na Eats Time, ang noontime show ng istasyon. Sa kasalukuyan ay segment producer na siya. Sa kanya nakatalaga ang iba't-ibang seasonal segments ng programa. Kilala siyang istriktang empleyado ng  mga kapwa tauhan sa likod ng kamera at maging ng mga artista. Iyon ang napili niyang leadership style. Istrikta at kinatatakutan pero makatarungan pa rin naman. Pangarap niyang maging full pledge diretor. TV diretor, ayaw niya sa pelikula kung saan nahanay ang kanyang kuya. Gusto niya sa mga variety at reality shows na pwede sa tv. Gusto niya yung mas malapit pa rin sa katotohanan. Hindi siya mahilig sa pelikula kung saan kalkulado ang lahat ng kilos. Baka mahirapan din siya lalo na kung romance. Paano ba naman, hindi pa siya nagkakanobyo talaga.   Ang paborito niyang segment sa show ay ang Cupid's Match. Romance at kilig pero semi-reality pa rin at patok talaga sa mga tao. Dito iniimbitahan ang apat na artista, dalawang lalaki at dalawang babae at kunyari'y pinagpapares sila sa loob ng isang linggo. Iba't-ibang match-making challenges ang ginagawa hanggang sa makita kung sino ang mas bagay. Ang araw ng Sabado ang perfect match day kung tawagin dahil paglalagumin na ang mga puntos o match points na nakuha ng bawat isa sa mga pagsubok. Ang most compatible pair based sa points ang ipi-feature sa susunod na linggo para sa kanilang date o kung anu-anong kilig na pakulo na kadalasa'y ang lalaki mismo ang naghanda. Habang nakasalang na ang mga bagong celebrity para sa linggong iyon. Sobrang natutuwa siya sa possibility ng isang perfect match na binigyang buhay ng segment. Maliban sa real life perfect match ang kanyang mga magulang ay may ilang pares na rin ng mga artista ang nagkatuluyan dahil sa segment na 'yon. Pero kadalasan ay showbiz lang talaga. Kunyaring date lang para mapakilig ang mga manunuod. She dreamt of making the segment more realistic for the sake of almost perfect match-making. Ang mismong direktor ng programa na si Direk JM Gravador ang may hawak ng naturang segment. Source kasi 'yon ng mataas na rating ng show kaya hindi basta-basta pinapahawak sa iba ang mga ideya. Kupido nga ang tawag sa matandang direktor.   "Naku ayan na naman si Ms. Sungit. Wala raw kasing lovelife yan kaya ganyan. Artistahin ang itsura pero may attitude problem kaya mabuti nalang at hindi nagtaartits." Bulong ng isang bagong OJT na parang hindi naman ibinulong sa lakas. Marso na kaya naman may mga student trainees na sila. Nagpantig ang kanyang tainga sa narinig.   "Hoy ikaw! Three days ka palang dito napakatsismosa mo na! Never kong pinangarap maging artista ah! Pero pinangarap kong disiplinahin ang katulas mo! Balik sa trabaho!" Mataray niyang utos dito. Todo taas pa siya ng kilay.   "OJT lang yung te." Tinapik siya ng kaibigang si Marissa. Talent coordinator o kumukuha ng mga artista ang papel nito sa program. Nauna ito sa kanyang makapasok pero agad silang nagkasundo dahil pareho silang seryoso sa trabaho. Ang kaibahan lang ay may nobyo na ito. "Totoo namang masungit ka at walang lovelife. Wag ka ng kumontra." Dagdag pa nito.   "Dapat nire-remind pa ako?" Sarkastiko niyang tugon.   "Pinapatawag tayo ni Direk at ng executives after ng show ah. Wag muna raw umuwi. May mahalagang announcement daw. Lahat pinapaiwan eh." Bilin nito.   "Okay sige. Thanks! Ngayon nalang ulit yang lahatang meeting na yan ah. See you later." Tugon niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD