Chapter 3

1974 Words
Chapter Three   "Thank you everyone for the wonderful fifteen years. Life-changing ang mga taong 'yon dahil iyon ang unang labing-limang taon ng Eats Time at ako pa ang naging director. Salamat sa bansag na Kupido dahil sa pinag-uusapan nating segment na Cupid's Match.  Kailangan ko ng magretiro." Direk JM paused. Nanlumo ang lahat sa huli nitong tinuran kasama na si Maggie. Kahit na may mga sarili siyang ideya na sa tingin niya'y magpapaganda sa Cupid's Match segmeng ay hindi naman niya maikakailang magaling na direktor si Direk JM. Marami itong naituro sa kanya. He was a great mentor. She had a lot to acknowledge for the veteran director.   Haaaayyyy... paano na ang Eats Time lalo na ang Cupid's Match? Naitanong ni Maggie sa sarili.   "Paano na ang Eats Time?" Dugtong ng director na tila nabasa ang kanyang isipan. "Ang aking assistant director na si Bernard Adante ay makikipagsapalaran na sa ibang programa. The management of the network gave him an opportunity to direct a new show." Nagbulungan ang lahat. Sino ang papalit kay Direk JM?   "After ni Bernard ay pantay-pantay na ang lahat ng aspiring directors sa inyo. Alam niyo naman we scattered you sa iba't-ibang segment ng show. Pero sa mabusisi naming pag-eevaluate sa inyo with the executives ay nakita namin kung sino ang karapat-dapat. Ang susunod na kupido. Ang may kakayahang ipagpatuloy ang programa with her unique leadership. Actually alam kong may bago rin siyang ideya for the Cupid's Match segment. Siya ang ating magiging Kupida. She's no other than..."   Tila nabingi si Maggie. Naisip niyang babae ang kapalit nito dahil sa 'she' at 'Kupida'. Hanggang sa ilang saglit pa ay nagpapalakpakan na ang lahat at nakatingin sa kanya. May kumakamay at pinapapunta siya sa stage kung saan ginagawa ang regular programming kapag sila ay nasa ere. Siya na ang bagong director ng programa. Ang bagong Kupida. Hindi pa rin iyon mag-sink in sa kanya. Niyakap at binati siya ni Direk JM.   May catering service para sa kanilang lahat. Pagkatapos ay may party pa ang buong production sa Valkyrie. Isang sikat na bar para sa mga artista sa Taguig kung saan malapit ang building headquarters ng Diamond tv. Lutang pa rin si Maggie. Hindi makapaniwala na unti-unti na talaga niyang naabot ang kanyang mga pangarap.   "After ng two months vacation mo ay hindi mo na kailangang problemahin ang unang apat na artista na sasalang sa first week ng Cupid's Match under your direction. Hanggang sa week na yon kasi ay na-book ko na ang mga artista." Lumapit sa kanya si Marissa na abot tainga ang ngiti. Biglang tumaba ang kanyang puso sa excitement. Gusto na niyang simulan ang bagong role. Pero pinagpapahinga na muna siya for two months ng management. Sa anim na taon na niya sa palabas ay noong sinusugod lang sa ospital ang kanyag ina at noong mamatay lang ito siya nag-leave. She badly needed a long break for her next level career. Dalawang buwan pa naman bago ang retirement ni Direk JM kaya sa mga panahong iyon ay ito pa rin ang magiging diretor ng show.   "Sinu-sino yung mga artista?" She asked with enthusiasm. Ang mga artistang makikipagsapalaran ay mahalagang aspeto ng Cupid's Match.   "Under lahat yung apat ng artist center ni NJ Gamboa, the very popular manager. Mga baguhan ang natapat sa debut week mo." Napalabi siya. "Pero don't worry, yung super viral dubsmash princess na si Rachel Nicdao yung unang girl. Ang other girl ay di talaga sikat, si Janice Gigante. Tapos ang unang guy ay ang napapabalitang boyfriend ni Rachel na nag-viral din, si Donald Celso. Yung namumuong love affair palang sa dalawa makakadadag spice na."   Pamilyar siya sa mga nabanggit nito lalo na sa mga viral new actors. Ang tatlo ay mga new contract artist na rin ng Diamond TV. "Sino yung huling guy?"   "Si Dennis Ronquillo." Napatitig siya kay Marissa.   "Sino?" Pagpapaulit niya rito.   "Si Dennis Ronquillo. Ilang buwan na ring actor sa kabilang istasyon, sa TV27. Hindi nabibigyan ng break. Kinuha ni Manager NJ. First tv appearence sa show natin kapag nagkataon. Kasalukuyan daw sumasailalim ang apat sa workshops eh."   Hindi na niya napakinggan pa ang mga sumunod na sinabi nito. Hindi maalis ang pansin niya sa pangalang sinambit nito. That very familiar name. Hindi siya pamilyar sa Dennis Ronquillo na tinutukoy nito bilang artista. Ang mga sikat na artista lang sa kabilang istasyon ang kilala niya. Wala siyang panahong makiusyoso sa ma bago lalo na kung sa kabilang istasyon. She was to busy. Lalo pa kung tatlong buwan palang ang lalaki sa showbiz. Hindi pa talaga matunog.   "Is he the same Dennis?..." she asked all of a sudden.   "What do you mean?" Tanong ni Marissa.   "Ah wala."   Saka siya nito tinapik. "Uy gwapo yung Dennis. Search mo. Malaki ang potential na sumikat ng bongga with the right projects. Ang hot at ang lakas ng dating." Kulang nalang ay magpuso na ang mata ng kaibigan.   Matapos niyang magpasalamat sa mga inputs nito ay agad niyang sinunod ang payo nito ng makakuha siya ng pagkakataon. Nabigla siya sa nilabas na iilan palang na larawan ng Google Images para kay Dennis Ronquillo.  "Oh my goodness. Si Den. Kaya pala hot."   He was the same half-Australian guy na nakilala niya sa Cam Norte. sampung taon na ang nakararaan. Sa ilang larawan nito ay bakas kung gaano nito kakisig. He was even hotter now. Mas firm ang muscles. Mas mapang-akit ang Australian-Pinoy charisma nito lalo na ang mga mata nito. He was so manly with his baby face yet matured posture. Bumalik ang lahat ng ala-ala ng kanyang summer love. Nanabik siyang magbalik trabaho kahit hindi pa nagsisimula ang kanyang bakasyon.   Sinubukan nilang magkaroon ng contact noon ni Dennis. Nagpalitan sila ng cellphone number at nakapag-text at tawagan pa. Pero nawala din ang kanilang komunikasyon. Tandang-tanda pa niya kung paano mahablot ang phone niya sa may Espanya sa Maynila kung nasaan ang kanyang unibersidad. Hindi pa naman din niya na-save ang numero ng lalaki. Hindi pa rin uso ang social media noon. Nang mauso na ito ay busy na siya at passionate enough to her work. Madalas sumagi sa kanyang isipan si Dennis pero naisip niyang baka nakalimutan na rin siya ng lalaki. Lalo pa't hindi na siya nakabalik pa sa Bicol. Nagplano noon ang kanyang pamilya na bumisita man lang pero dumating ang mga dagok sa kanilang buhay hanggang sa ang mga plano ay drawing na lamang. Hanggang sa naging priority na niya ng tuluyan ang career at nakalimutan na ang puso. Matanda na ang kanyang ama kaya hindi na rin naiisipan ang bumiyahe.   Hindi niya lubos akalaing mag-aartista si Dennis. Tulad niya ay twenty five na ito. Artistahin nga ito pero para sa kanya ay late na ang edad na iyon kumpara sa ibang mga nag-aartista na nagsisimula kapag teenager palang. Naalala niyang hindi nga alam ng lalaki kung ano ang kukuhaning karera noon. Undecided pa. Ngayon ay artista na pala. Matinee idol s***h hot hunk ang pwede nitong maging image.     "I'm just so proud of you. Hindi na tayo masyadong nagkakausap pero masaya ako para sayo Magz. You're also an achiever." Hinatid pa siya ni Brill sa garahe. May sarili na siyang kotse. Simula na ng kanyang dalawang buwan na bakasyon.   "Thank you kuya. I'm just like you!" Bulalas niya.   "Hep hep! Wag kang tutulad sa akin na walang lovelife at baka tumandang binata ako. Bigyan mo naman ng apo si papa. Tingnan mo magbabalik Bicol baka naandon pa rin si m******s foreign guy mo." Panunukso nito.   "Kuya di ba nga artista na pala. Sooner or later mag-iingay na ang pangalan non. Aaligid na ang mas magagandang mga babae. Baka nga ngayon may girlfriend na yun eh. Isa pa nasa workshop daw eh so wala yon sa Bicol."   "Hindi ko nga rin siya nabalitaang artista na pala. Palibhasa sa rival network natin nagsimula. Pero basta i-enjoy mo ang bakasyon mo. Kapag nadaan ka sa atin i-hello mo nalang ako sa lugar." Tumango siya saka isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nilang magkapatid.   Finally, she was able to go back to the best place she would love to go all the time and she waited for ten years to do it again. Sabik na minaneho ang kanyang kotse. Simpleng Vios lang ang kanyang sasakyan. Pitong oras mahigit siyang nakipagsapalaran sa biyahe. Hindi na siya sanay sa lugar. Marami na ring naging pagbabago.   Nagpa-book na siya for five days and four nights sa Calaguas Island. Isang undeveloped pero dinarayo ng isla sa Camarines Norte. Mag-isa niyang dadanasin ang pinag-uusapang ganda ng lugar. Kung saan siya mapapadpad matapos ang limang araw ay hindi pa niya alam. Naisip niyang bumalik nalang ng Maynila tapos ay doon matulog maghapon para ubusin ang kanyang bakasyon. Siguradong magsusulputan ang mga bagong ideya para sa show kapag ganong puro tulog lang siya. Gayunpaman ay naisip pa rin niyang dumaan na muna sa kanilang dating lupain.   Pagbaba niya palang ng sasakyan ay halos mamangha na siya sa nakita. Tanaw kasi sa malaking gate sa harap ng lupain ang ilang bahagi ng lugar. Halos wala pa rin iyong pinagbago. Tila mas tumanda at yumabong lang ang mga puno. Mas marami na rin ang nagkalat na tuyong dahon. Ang pinakamalaking pagbabago lang marahil ay ang kanilang bahay na sementado na ngayon.   Paano nila 'to napanatili? Sila Den pa rin kaya ang nakatira rito? Tanong niya sa kanyang sarili.   Napansin niyang may konting siwang ang gate. Tulad ng dati ay hindi pa rin iyon kinakandado. "Hindi naman siguro masama kung sumilip ako sa loob? Hindi naman ako magnanakaw. I can explain myself kapag may nakakita sa akin." Nagsimula siyang humakbang palapit. Nakasuot lang siya ng brown shorts, sneakers at puting body fit na shirt. She was too beautiful for her outfit to become a trespasser. Ang hirap pigilan ng kanyang mga paa. Sobra siyang nananabik na makapasok muli sa lugar. Manghang-mangha pa siya dahil sa nakitang pag-aalaga roon.   "Tao po? Papasok po ako. Pwede po ba? Heto na po papasok na ako." Dahan-dahan niyang tuluyang binuksan ang gate saka humakbang paloob. "Ayan nakapasok na po ako." Walang tao. Walang nakakita sa kanya.   Luminga-linga siya sa paligid. Muling dinama ang sariwa at malamig na hangin. Sinipa-sipa ni Maggie ang kumpol ng tuyong dahon. Nang ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring nakakapansin sa kanya ay saka siya nagtatakbo na parang bata. Inikutan niya ang mga puno hanggang sa marating niya ang puno ng sampaloc. Hinagod niya ng kanyang palad ang malaki at matanda na nitong katawan. Tila hinihikayat siya nitong muling umakyat. Agad naman siyang napaenganyo. Sampung taon ang lumipas. Kung siya ang papipiliin ay lilibutin niya talagang muli ang lugar. Ilang saglit pa ay naghubad siya ng sapatos saka nilundag ang katawan ng puno.   "Trespasser."   Malapit na siya sa gitna ng puno at hahawak nalang sa isang nakausling sanga ng marinig niya 'yon. Isang mahinahong boses ng lalaki. Bigla siyang kinabahan at lilingunin niya sana kung kanino nanggagaling ang boses sa baba. Hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng balanse. Hindi siya nakahawak.   "Oh my..... aaaahhhh!" Pinikit niya ang kanyang mga mata. Babalik lang pala ako rito dahil dito ako mamamatay. Naisip na niya ang kamatayan.   Bumagsak na siya. Pero hindi sa lupa. May makisig na brasong sumalo sa kanya. Matigas kasi iyon. Hindi siya sigurado dahil nakapikit pa rin siya. Baka nga patay na siya at nasa kanlungan na siya ni Kamatayan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.   Patay na nga ako. Isang lalaking malaanghel sa amo ang mukha lalaking nakatitig sa kanya. His blue eyes made him even more a real angel. He saved her. There was a sweat running from his forehead down to his face. Pinagpapawisan lang pero ang hot pa rin nito. "Dennis?" Sambit niya. Ang pinakaimportanteng bagay ay si Dennis ang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali. Ang asul na mata at ang bawat detalyeng nakikita niya sa mukha nito ay si Dennis ang itinuturo. Hindi na wavy ay may bangs ang hairstyle nito. Clean cut na at itim na ang buhok nito.   "Yes I am. Okay ka lang ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD